Chapter 8

360 17 0
                                    


It's sunday afternoon and kakagising ko lang dahil sobrang gabi na kami nakauwi ni Jamie dahil hinatid pa namin si Belle at Ella sa mansyon dahil may training sila ngayon, yung iba naming mga kabigan ay iniwan na muna namin sa tagaytay dahil nalasing sila samantalang si Jamie naman ang nag volunteer na samahan ako pauwi kahit lasing din sya. Nag check ako ng phone ko at wala pa ding text si Ella sakin yung last text namin ay yung kagabi pa bago ako makatulog, baka busy nanaman sila. 


Lumabas muna ako ng kwarto pagbaba ko ay nakita ko si Jamie na nag aayos sa kusina. 


"Gabb punta sana ko sa room mo, sabay tayo kain halika." Sabi nya. 

"Wow bacon, egg, hotdog and fried rice the best ka talaga Jamie." Sabi ko at niyakap sya sa sobrang tuwa. 

"Masyado ka namang masaya may pag hug pa." Sabi nya at natawa. 

"Sorry grabe ngayon na lang ulit ako kakain ng ganto ang sarap!!!" Sabi ko nang matikman ko.

"Grabe naman baka lagi na kitang lutuan pag ganyan ka lagi sakin." Sabi nya. 

"Wag naman baka sayo pa ko mainlove." Biro ko sakanya. "Hoy joke lang ha baka mailang ka sakin, Oo maganda ka, matalino ka, magaling ka maglaro, maganda boses, magaling ka sumayaw tapos masarap ka pag magluto pero joke lang talaga yon ha." Sabi ko kasi  bigla syang napatigil bigla naman syang humaglpak ng tawa. 

"B-baket Jamie??" Sabi ko. 

"Wala kumain ka na lang." Sabi nya habang napapailing. 

"Luh pero joke lang ha baka mailang ka sakin." Sabi ko. 

"Oo na Gabb kumain ka na lang." Sabi nya at kumain na kami. 


Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas dahil nakakahiya naman kung sya pa ulit kahit inaako nya kanina yung gawain. Natapos na kung mag hugas ay pumunta na ko sa sala kung san si Jamie tumabi ako sakanya. 


"Jamie bat ang talino mo?" Tanong ko out-of-nowhere. 

"Ha?" Clueless syang tumingin sakin. 

"Dean Lister ka diba tapos varsity ka pa, how? Samantalang ako stress na sa mga subject ko." Sabi ko. 

"Time Management lang yan Gabb." Sabi nya at humarap sakin. 

"Yun din siguro talaga problema ko." Sabi ko. 

"Oo pwede ka namang lumapit sakin anytime pag nahihirapan ka sa mga subjects mo." Sabi nya. 

"Seryoso ba?" Sabi ko. 

"Oo naman wag lang gabing gabi kasi syempre I need to sleep early." Sabi nya. 

"Yey may tutor na ko." Sabi ko. 

"May bayad." Sabi nya. 

"Kiss na lang pwede ba yon? Cute naman ako." Sabi ko at ngumiti sakanya. 

"Pwede sana kaso may jowa." Sabi nya. 

"Tropa naman eh." Sabi ko. 

"Ayako libre mo na lang ako." Sabi nya.

"Sure." Sabi ko. 


Nanonood kami kanina pero nakatulog sya sa braso ko, bigla namang nagdatingan sina Ecka. 


"Wow sana all sweet." Sabi ni Ecka bungad nya pag pasok. 

"Yiiiiieeeeeeeeeee!!!!!" Sigawan nila 

Seeing you from afarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon