Chapter 15

320 12 6
                                    



"Ang ganda dito noh? Parang hindi na problema yung makakain tsaka parang 'di mo na iisipin na mag online or maghanap pa ng kausap kasi nakakapag unwind ka na." Sabi ko kay Jamie dahil andito kami ngayon sa farm nila dahil nagpasama sya saking umuwi.

"Parang lahat ng ka edad natin gusto pumuntang manila tapos ikaw naman mas gusto mo dito? Siguro maaliwalas lang kaya ganan yung naiisip mo." Natatawa nyang sabi.

"Nah alam mo ba dati we used to live at farm like these pero sadyang sinwerte yung dad ko at tinanggap sya ni Lolo para manahin ang lahat ng meron ang mga lolo ko, sa totoo lang mas masaya kami nung nasa farm kami lagi ko silang kasama kumain, maglaro, matulog ewan kahit anong gawin namin kahit wala kaming ganung pera nun sobrang saya namin, pero ngayon nakukuha nga namin yung lahat pero hindi naman ako masaya." Hindi ko namalayan na napakwento na pala ako kay Jamie naramdaman ko namang hinawakan nya ang pisnge ko at hinarap sakanya grabe sobrang ganda ng babaeng 'to lalo na yung ngiti nya.

"Gabb pwede naman kitang iwan dito." Sabi nya at nanlaki naman yung mata ko at bigla syang humagalpak ng tawa. "Grabe yung muka mo Gabb shit ang sakit sa tiyan." Sabi nya at tawa sya ng tawa ako naman hindi ko alam kung anong meron sakin pero parang nag s'slow motion sya sa mga mata ko na para bang sakanya lang naka focus yung mga mata ko.

"Hoy Gabb nainis ka ba? Sorry naaaa.." Sabi nya at hinawakan ako sa braso. "Ayoko lang namang malungkot ka lalo na usapan pamilya mo alam mo yun gusto ko lang makinig kasi baka pag nagbigay ako ng opinyon ko ma offend ka ganun or baka mas mahurt ka lang ganun? Sorry na hooy." Sabi nya at patuloy at pag yugyog sa braso ko.

"Baliw ok lang yun gusto ko nga din yung nakikinig sakin eh." Sabi ko.

"Pero Gabb... pwede naman talaga kitang iwan na lang dito gusto mo ba?" Natatawa nyang sabi.

"Ahhh ganun Jamie niloloko mo ko ha." Sabi ko at akmang kikilitiin ko sya ng bigla syang makatakbo papalayo kaya hinabol ko para kaming mga bata na naghahabulan habang tawa ng tawa.


"Ma'am Jamie! Ma'am Gabb! Andyan na po sila Sir." Sabi nung kasambahay nila kaya napatigil kami.

"Sige po suusunod na lang po kami." Sigaw ni Jamie at umalis naman na yung kasambahay nila.

"Para naman kayong professor kung maka ma'am at sir yung kasambahay nyo." Biro ko kay Jamie.

"Bago lang kasi yan kaya ganan." Sabi nya at humawak sa braso at sabay na kaming pumasok sa bahay nila.





"Oh Jamie hija bakit pawisan kayong dalawa?" Tanong ni Tita, mama ni Jamie oo tita na agad sabi nya kasi kanina eh.

"Si Gabb po kasi ma." Natatawang sabi ni Jamie.

"Nako sige mag ayos na muna kayo at parating na din ang mga pinsan mo." Sabi ni Tita.

"Sige po tita akyat na din po muna kami." Sabi ko at ngumiting tango naman ang sagot ni Tita.


"Pa kakauwi mo lang?" Sabi ni Jamie nung nakasalubong namin yung tatay nya.

"Diba nga kaya tayo pumasok kasi andyan na Daddy mo." bulong ko kay Jamie nakita ko namang napatawa yung paa ni Jamie.

"Oo nga pala, Pa si Gabb nga pala kaibigan ko." Sabi ni Jamie.

"Magandang hapon po Sir." Sabi ko.

"Nako naman ang pormal mo namang bata ka, Tito na lang narinig ko Tita tawag mo sa asawa ko eh dapat sakin din." Sabi nya at ngumiti.

"Sige po tito." Sabi ko at ngumiti naman sya.

"Pa akyat na muna kami ha magpapalit lang kami." Sabi ni Jamie at tumango naman si Tito kaya naman umakyat na kami.


Seeing you from afarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon