Chapter 2

72 8 0
                                    

Neym's POV

Malapit na ako sa boarding house.

Nagjogging kasi ako bago pumasok ng school.

Mag-iisang buwan nang matapos ang nangyari sa akin. Hindi ko nakilala kung sino ang nagdala sa akin sa ospital. Nagising lang ako na andoon na ako. Sinubukan kong tanungin ang mga staff  kung sino ang nagdala sa akin sa ospital, pero hindi ko na raw kailangan pang alamin.

Dahil doon hindi ko naito inalala.

Nagpapasalamat ako sa kanya na kahit papaano ay dinala niya ako sa ospital.

Mabuti na lamang at mayroon akong nahanap na boarding house malapit sa school na papasukan ko. Sakto rin na mabait ang may-ari nito at hindi masungit.

My quote for today would be.
'Bagong umaga sa pasukan, bagong stress na naman.'

"Neym!" rinig ko sa isang boses ng babae.

"Neym!" tawag niya muli sa pangalan ko.

Hinanap ko naman ang may-ari ng boses.

"Neym!"

Napakunot ako ng noo.Hindi pamilyar ang boses niya. 

Hinahanap ko ito pero hindi ko makita kung sino man ang tumatawag sa pangalan ko. 

Saan? Saan nanggagaling yung boses na yun?

"Neym!"

Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko.

" Mrs. Ja?" kunot noo kong sambit ng makilala ang humawak sa braso ko. 

Si Mrs. Ja ang may-ari ng boarding house na tinutuluyan ko. 

Mataba at maliit si Mrs. Ja. Palagi siyang nakasuot ng duster na polka dots. Araw-araw new year sa kanya.

Maliban doon ay madalas  siyang nakangiti. Napakapositive ng awra niya parati.

Ngunit, ang pinagtatakhan ko hindi sa kanya nanggagaling ang boses na narinig ko.

" Sandali. Nakapag-agahan ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.

 Umiling ako bilang sagot.

 "Kunin mo itong ulam." sabay abot sa akin ng ulam na nakalagay sa disposable tupperware.

"Naku, salamat po dito. Hindi ko po to tatangihan."

Bahagya Siya napatawa sa sinabi ko.

Inilapit ko ang aking ilong dito para amoyin ang ulam. Ramdam ko ang amoy ng masarap na ulam.

"Mukhang masarap po ito ah." puri ko sa ulam.

"Naku, salamat. Marami kasi ang nailuto kong adobong sitaw. Ikaw nalang kasi ang naiwan dito na boarders. "

"Mrs. Ja? May narinig ka bang boses ng babae na tumatawag sa pangalan ko?"Tanong ko sa kanya.

Napaisip muna siya bago sumagot. "Mmm. Wala naman. Bakit?"

" Bago niyo po kasi ako tinawag may boses ng babae na tumawag sa pangalan ko." 

"Hala, sige na magbihis ka na't mag-agahan baka mahuli ka pa sa klase niyo." utos niya at inakbayan ako. " Huwag mo na yun alalahanin, Neym. Okay?" masigla niyang sabat.
"Baka, gutom lang yan."

"Sige po. Maraming salamat ulit, Mrs. Ja."

Iginayak ako ni Mrs. Ja papasok sa gate.

Napailing nalang ako. Baka sa hindi ko pa pagkain ng agahan ito, kaya nakakarinig ako ng kahit ano.

A Memory To Remember (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon