Chapter 4

49 6 0
                                    

Neym's POV

"Langya! Naglagay dapat ako ng salonpas kagabi." reklamo ko habang pinipisil-pisil ang aking mga braso.

Mabuti nalang tanghali ang klase namin makakapagpahinga pa ako.
Nasa garden ako ng BH. Nakaupo ako sa isang malaking upuan na ratan. Nakapatong naman sa mesa na nasa tabi ko ang aking kapeng iniinom.

Nagmumuni-muni ako habang nakatingin sa sunflower na nasa garden.

Nakakabigay tuloy ng positivity. Pahigop-higop din ako sa aking kape na may kasamang pandesal.

"Neym!Hindi ka ba papasok?" Tanong ng isa kong boardmate na si Sabel.
"Mamaya pa klase ko." I replied.
"Sige. Mauna muna ako."
"Oh. Ingat!"
Mababait at halos magkakapamilya na rin ang turingan namin dito sa BH. Hindi ko alam kung kailan ko ulit naramdaman yun sa isang tahanan.
 Lahat kami ay mga babae at ayaw ni Mrs. Ja na may lalaki sa boarding house. Balo na rin si Mrs. Ja at ang babaeng anak niya na lamang ang kanyang kasama na isang graduating student. Parehas din kami ng pinapasukan na paaralan ng kanyang anak.  Karamihan dito ay sa Dandalton nag-aaral. Bale, 15 boarders kami ang nag-rirenta rito plus si Mrs. Ja at ang anak niya.  Isang tao sa bawat kwarto. Good for one ang kwarto na may CR sa loob ang BH na tinutuluyan ko pero iisa ang sala at kusina. Minsan, kanya-kanya kami sa pagluto ng pagkain. May pagkakataon din na nagsishare kami.
 Alam na rin ni Mrs. Ja at ng iba ko pang boardmate ang kuwento ng aking buhay dahil minsan din kami nagkaroon ng open forum nung first day namin sa BH. So, parang nasa isang paaralan kami at my introduce yourself. But, that's just for us.
Parang naging pangalawang magulang narin namin si Mrs. Ja. Mayroon din siyang mga rules and regulations na dapat sundin ng lahat. Dahil na rin mga babae kami may curfew sa gabi kung anong oras maisasara ang gate. Pwede bumisita ang kamag-anak at makitulog pero may limitasyon depende sa sitwasyon. 
[Ring!Ring!Ring!]
Saktong humihigop ako sa aking kape ay  may tumatawag sa cellphone ko.
Nakita kong tumatawag si Molli.
"Oh?"sagot ko sa tawag.
"Kamusta? May nahanap ka na bang impormasyon?" tinutukoy niya ang paghahanap ko ng impormasyon kung papaano ko mahahanap ang biological parents ko.
I felt hopeless. Napabuntong hininga na lamang ako."Wala pa eh."
Matapos ang aksidenteng nangyari sa akin ay kinuwento ko kay Molli ang lahat nang nakalapag na siya sa Korea. Gusto pa niya sanang bumalik pero pinigilan ko na siya. Nagulat din siya sa mga nalaman tungkol sa akin. Hindi rin namin alam kung saan kami magsisimula. Wala rin kasing palatandaan na isa akong ampon nina mama at papa noong panahon na nabubuhay pa sila. 
Nagtangka rin akong pumunta kina Tiya Nora para kausapin at tanungin kung natandaan niya man lang ang itsura ng mama ko na nang-iwan sa akin. Ngunit, sa tuwing pupunta ako sa bahay nila ay parating walang tao. Naisip ko tuloy na baka lumipat sila ng bahay.
Aaminin ko na may sama ng loob ako sa  tunay kong mga magulang at minsan ay naiinis . Ngunit, pinipigalan ko ang aking emosyon para hindi ako pagharian ng masamang galit na aking dinaramdam.
Nais ko ring maunawaan ang kanilang rason kapag nagkita na kami. Alam kong may dahilan sila kung bakit nila  ito nagawa.  Kahit hindi ko pa sila nakikita may pakiramdam parin akong nasasabik na akong makita sila at nauuhaw sa pagmamahal ng isang magulang at ng isang pamilya. Simula nang mawala sina mama at papa hindi ko na naramdaman ang isang pagmamahal ng isang magulang.
"Neym, kapit lang ha? Huwag kang susuko. Okay?" saad ni Molli. " Mahahanap din natin ang mga tunay mong magulang. Habang wala ako diyan sa tabi mo ay kumapit ka lang, mah prend.  Andito lang ako na bestfriend mong tutulong sa'yo. Tandaan mo yan. Darating din ang tamang panahon para magkita kayo. Be patient, mah prend. Diyan ka pa naman magaling, ang maghintay."
"Salamat, Molli. Dahil sa'yo nabibigyan ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang paghahanap ko sa tunay kong mga magulang."
"Saranghae, mah prend."
"I love you, too, mah prend."
Isa sa mga katangian na mayroon si Molli, maliban sa kanyang pagiging OA ay napakacompassionate niyang kaibigan. 
Magtatanghali na nang pumunta ako sa school. Sumusilip ang araw sa ulap kaya napakaaliwas ng tanghali. Nagbabike ako nang madaanan ang isang mural sa gilid ng daan. Huminto ako para pagmasdan ito. Nakapintura ang isang silhoutte na imahe ng isang babae  sa tabi ng dagat habang tinatanaw ang paglubog ng araw.
Napangiti ako sa ganda ng pagkapintura nito. Kaya pala napakaaliwalas ng araw dahil tila nakita niya ang kanyang sarili sa pader. Napakasayang tingnan at naa-appreciate rin ng araw ang isang masterpiece na ito. Sana hindi na nila ito burahin.
Sa school na ako nananghalian. Tinamad akong magluto eh. Pagkatapos kong kumain bumili ako ng minute maid at umupo sa isang bench na malapit sa Gym. Doon rin kasi ang puwesto na malapit sa classroom ko para mamaya.
Pinagmamasdan ko ang mga estudyante na paparito at paparoon. Ang iba ay kasama ang kanilang mga kaibagan habang masayang naglalakad. Ang iba ay nakatingin sa baba habang naglalakad. Mayroon ding mag-jowa na nagkukuwentuhan, mga estudyanteng malalim ang iniisip at mga estudyanteng nag-aaral habang nakaupo at nakasilong sa ilalim ng puno.
Masaya at malungkot ang bawat dinarama ng bawat isa. Ang iba ay hindi mo mabasa kung anong pinagdadaanan nila. Isa ako sa mga estudyanteng naghihintay ng himala kung kailan makikita ang mga tunay kong magulang. 
Tama si Molli may tamang panahon din para magkita kami. Sana ay buhay pa sila. Iniisip ko kung may kapatid din kaya ako? Iniisip din kaya nila ako, o di kaya hinahanap din tulad ng ginagawa ko? Baka naman nagsalisi na kami sa paghahanap sa isa't isa?
Nagitla ako ng may nagsalita sa likuran ko.
"SUSMARYOSEP! Mga estudyanteng ito. Mga college na nga eh hindi pa kayang maging responsable sa mga basura. Tsk.tsk." reklamo ng isang lalaki na nasa mid-20s ang edad. May hawak siyang sako at stick na pamulot sa mga basura. May suot-suot siyang itim na headband sa ulo para hawiin ang kanyang mahabang buhok. Nakasuot din siya ng gloves na yellow.
Nakita ko na may nahulog na plastic cup mula sa kanyang sako, kaya agad ko itong pinulot.
"Ito po kuya may nahulog po." habol ko sa kanya sabay abot ng plastic cup.
"Salamat." abot niya sa plastic cup. "Bago ka lang ba dito?"
"Opo."sagot ko. "Pero paano niyo po nalaman? Eh, ang lawak-lawak ng campus?"
"Ilang taon na rin kasi ako nagtatrabaho rito bilang cleaning staff. Actually, magpa-five years na ngayon."
"Kaya po pala."
" Mabuti nga at matatapos na ang kontrata ko rito at mababantayan ko na yung business ko."
"Po? May business kayo? Eh, bakit pa po kayo naglilinis dito kung may business naman kayo?"
"Ang totoo niyan bago ako nagkaroon ng business pinasukan ko lahat ng mga trabaho na puwedeng pasukan para magka-capital sa business na itatayo ko. Dahil sa sipag ko, ayun at nagkabunga." paliwanag niya na may dalang ngiti sa kanyang mukha.
Napatango ako." Ano pong business niyo?"
" Isang convenience store. Malapit lang yun dito eh."
"Teka lang po. Sa inyo po ba yung convenience store dito sa pangatlong kanto na malapit sa boarding house ni Mrs. Ja?"
He snapped. " Tama! Ano ngang pangalan  mo, Freshman?"
"Neymlya po. Pero Neym nalang po."
" Ah okay, Neym. Ako si Ken. Paano mo nalaman? Kilala mo rin pala si Mrs. Ja?"
"Opo. Parati po kasi akong bumibili roon ng midnight snacks  ko. Yun lang din naman ang malapit na bilihan. Atsaka, kina Mrs. Ja po kasi ako ngayon tumutuloy. Kaso lang po, hindi po kita nakikita sa convenience store niyo."
"Yung pinsan ko at yung part-timer ang nakikita mo roon. Sila muna pansamantala ang nagbabantay ng store habang nagtatrabaho ako. Minsan, bumibisita ako doon para magmonitor kaso sandali lang dahil may tatlo pa akong trabaho na tatapusin."
Napalakpak ako ng mabagal. " Grabe kayo kuya Ken. Kayo na talaga. Ang sipag niyo po." At nag-thumbs up sa kanya.
" Simula nang nag-college ako, natutunan kong maging independent. Natutunan ko rin maghanap buhay para mabuhay at mapag-aral ang sarili hanggang sa makagraduate ako. Wala na kasing sumusuporta sa akin simula nang nawala ang mga magulang ko.”
Napakunot ang noo ko. “Ano po ba ang natapos niyong kurso?”
“BS in Business Management.” Sagot naman niya. “Aaah. Siguro nagtataka ka, kung bakit cleaning staff ako dito sa university, embes na nagtatrabaho ako sa opisina? Ang totoo niyan, isa sa mga part time ko ay maging cleaning staff sa university simula first year college ako. At, last school year lang ako nag-graduate.” Paliwanag niya sa akin.
Ngayon ay naliwanagan na ako tungkol sa history niya.
"I salute you, kuya. Mabuti ka pa at naabot mo na ang pangarap mo."
"Hindi pa." Sagot niya habang nakatingin sa malayo.
"Eh? Anong ibig niyo pong sabihin?"
Hindi niya parin tinatanggal ang kanyang paningin sa malayo. Nacurious ako kung anong tinitingnan niya mula sa likuran ko. Kaya, lumingon ako kung mayroon ba siyang tinatanaw mula rito.
Nakita ko ang grupo nila Marco sa di kalayuan na papalabas sa GYM habang may dala-dalang volleyball at masayang nag-uusap. 
"Nagkaroon nga ako ng business, pero ang totoo ko ngang pangarap ay hindi ko pa naaabot." paliwanag niya.
Napakunot naman ang noo ko. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit pa nakangiti siya. "Naging Volleyball player din po ba kayo?" 
 "Oo. Naging MVP rin ako sa laro na yan. Dito rin sa school na 'to."
"Estudyante rin po pala kayo rito? Bakit po? Anong nangyari?"
"Nagkaroon kasi ng problema kaya hindi natuloy. " Huminga siya ng malalim.
“May kanta nga po na, Kung ayaw may dahilan. Kung gusto palaging mayroong paraan?” sabi ko.
"Pero, may mga bagay talagang  gusto natin na hindi tayo doon itinadhana." Agad niyang sagot.
Ang sakit naman nun. Mukhang may malungkot na nakaraan ang masipag na taong ito. Tsaka, may point naman si kuya doon. Tulad nalang ng nangyari sa akin.
" Uy! Freshman. Ano palang oras ang klase mo?"bigla niyang tanong.
"Neym nga po kasi." pagkaklaro ko sa kanya ng aking pangalan.
Bahagya siyang natawa at napakamot siya sa kanyang batok.
Patay kang meow! Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. It's 1:10 pm? What?! Nasurprise ako sa oras. "Naku! Kuya Ken. Late na ako. Sige po. Kita nalang tayo sa covenience store! Congrats po pala. Ba-bye!" paalam ko at lakad takbo ang ginawa ko papuntang classroom.
Ilang beses na akong nalilate sa klase nito. Huwag naman sana akong matatakan na absent. Hinawi ko ang mahaba kong buhok  sa magkabilaang tenga dahil natatakpan nito ang mukha ko. 
"Oh! Madam!" Rinig kong sabi ni Marco ng masalubong ko sila sa Hallway kasama ang team mates niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagdire-diretso nalang. Kung papansinin ko pa siya wala na deads na ako sa klase. 
Hinihingal ako pagkapasok sa classroom. Agad akong dumiretso sa upuan ko. Laking pagtataka ko na wala pa ang teacher namin. 
"Neym, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Ada, seatmate ko.
"Wala pa ba si Ma'am?" tanong ko.
"Wala pa naman. Bakit hingal na hingal ka, bhe? May naghahabol ba sa'yo?"
"Hindi. Kasi, akala ko late na ako eh. Ang aga-aga kong pumunta rito sa school kanina. Dito na rin nga ako naglunch eh. "
"So, bakit ka nga ganyan?"
"May nakausap kasi ako kanina. Hindi ko namalayan na napahaba ang kwentuhan namin."paliwanag ko.
" Uy! five minutes nalang wala pa si ma'am." sabi ng lalaki kong classmate na watcher habang nakadungaw sa pintuan.
"Baka wala na talagang klase. Uwi na tayo." Sabat naman ng babae kong kaklase na naglalaro sa cellphone.
Ganito ang ganap namin before class. Kapag late 15 minutes ang teacher tiyak na walang klase. Nakasulat sa hand book ng school. But, there are some teachers na kahit late na  sila sa klase, go pa rin. 
"Guys! Guys!" Tawag ng attention ng aming Mayor na lalaki sa klase nang siya ay pumasok at may dala-dalang notebook.  Pumunta siya sa harap at sumandal sa mesa. " Guys! Everyone, may news nga pala ako." seryoso niyang panimula.
Kaya lahat ng klase ay nanahimik at nakinig sa kanya. Nagsibalikan naman ang iba sa kanilang mga upuan maging ang classmate kong lalaking watcher sa pintuan.
"Bakit Mayor? Ano yung news? Na wala ng klase?" excited na tanong ng isa kong kaklase.
"Aah. Oo nga pala nasalubong ko si Ma'am kanina sabi niya hindi muna siya papasok dahil nag-pi-prepare sila sa accreditation."
''Yehey!" diwang ng buong klase.
Haisst! Nagmadali pa akong pumasok dito. Wala rin naman palang klase. Nakapalumbaba nalang ako sa aking mesa.
"Sa 2 subjects ba natin Mayor? Wala rin ba?" Tanong pa ng isa kong classmate.
Nagkibit balikat si Mayor "Ewan."
"Ayyy."reaction namin.
"So, aside dyan. I have a news. Nagmeeting kami with the SBO officers and representatives about sa upcoming Acquaintance party on saturday, next week ." paliwanag niya.
"Ay bet! Anong theme, Mayor?" tanong ng babae kong classmate.
"Vintage ang theme." May dinikit ang mayor namin na dalawang sample pictures na naiprint sa bond paper mula sa kanyang notebook. Mga vintage style look ng babae at lalaki.
" Ayan yung mga samples ng damit for boys and girls." turo niya rito. " You can search other style or clothes in Google. Bale, we have a contribution to pay. The officers prepared different contests and games that might everyone will enjoy in the party as well as get along together. Sa contribution kasali na rin doon yung dinner and snacks. So, we are encouraging everyone to join especially tayong mga freshmen."
"Pwede bang hindi sumali?" sabi ng isa kong kaklase.
" If you don't join wala kang plus 15 points to all subjects."
"Nge?"reaction namin.
"Magkano ang contribution, Mayor?" tanong ng kakalase kong watcher.
"150 Pesos. May mag-i-sponsor din sa event."
"Paano yung mga malalayo ang bahay? Pwede bang magbayad nalang sa contribution tapos hindi na mag-attend."
"Ain't our problem. Total hindi naman ito compulsory. It's your choice. If you join, 15 points to all subject. If you can't join you don't have 15 points. You find ways kung papaano kayo makajoin sa party. Atsaka, kahit magbayad kayo ng contribution it is considered still no plus points. May magmomonitor ng attendance." seryosong paliwanag ng aming Mayor.
"Grabe naman. Ang laki ng 15 points at sa buong subject pa." saad ng katabi ko. "Ikaw Neym pupunta ka ba?"
Wala nga talagang exemption.
" Hindi ko nga alam. Wala naman akong damit na vintage o mga makaluma. Oo, may mga luma akong damit pero hindi naman vintage style yun."sagot ko. "Ikaw ba?"
"Edi papahiramin kita. Madami si tita ng ganun. Close naman kami. Kaya, pwede kita pahiramin. Basta pupunta ka ha?! Sabay tayo."
"Talaga?! Sige sige. Sabi mo yan ha."
"Naman!" she then gestured 'okay'.
Kinahapunan, nagkaroon kami ng overtime sa isa naming klase kaya palubog na ang araw ng ako ay makauwi kaya medyo madilim na rin. Nasa parking lot ako at kukunin ko na ang aking bike na nakakandado. Umupo ako para tanggalin ang lock nito.
"Yes. I'm at the parking lot."
Rinig kong sambit ng isang lalaki sa likod ko. Madali kong nilingon at nakita ko yung lalaking nagsauli pala ng notebook ko ang nagsalita at may mukhang may kausap sa kanyang cellphone. 
"Nothing. I'm going straight home." sagot niya nito sa kabilang linya.
"Bakit hindi pumapasok itong susi sa lock niya? Tsk! Pagabi na,eh." bulong ko.
"Uuwi siya? Ah okay."sabi niya. " Oh! Sorry, ate. Baka ma-late na ako makauwi sa bahay. I can't make to the dinner...Something came up."
'Bakit ayaw!!!' sabi ko sa isip habang pinipilit na buksan ang padlock.
"Neyq just texted...Yeah...Okay..."
Ayan pumasok ka rin! Nakakastress ka ,eh.
"Bye..."
Inabante ko na ang aking bike papalabas sa lugar nito. 
"Excuse me." 
"Ay pusa!"gulat kong reaction nang makitang nagsalita sa likod ko yung lalaking nagsauli ng notebook ko kanina. " Alam mo para kang kumamon." sabi ko sa kanya.
"Kumamon?" nagtataka niyang tanong.
"Bigla-bigla ka kasing lumalabas sa eksena."
"Tsk. Baka kabote ang ibig mong sabihin."
"Aah. Nevermind." I clicked my tounge. "Kumamon."
"Yung bag mo." sabat niya.
Bag? Anong 'yung bag mo'? Sandali, alam ko ang mga sitwasyong ito. Kaya, nagposisyon ako na parang lalaban habang hawak ko sa kaliwang kamay ang upuan ng bike ko.
Nagkasalubong naman ang dalawa niyang kilay. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.
Nanatili lang ako sa posisyon ko.
Ngumisi siya. "Do you think may gagawin ako sa'yo? Sasabihin ko lang naman na bukas ang bag mo."
Tumayo na ako ng maayos. "Aaah ganun ba?"
"I-check mo ng maayos ang bag mo kung bukas o hindi, dahil minsan hindi mo namamalayan na ang mga mahahalagang bagay  sa'yo ay mapupulot ng masamang tao at 'di na ibabalik sa'yo." Sabi niya.
Napapikit mata ako sa sinabi niya. "S-sorry naman. Oo na kasalanan ko, kaya okay na? Huwag ka nang humugot. Salamat ulit." Iniharap ko na ang aking bag sa harapan ko at isinara na ito ng mabuti. Bakit parati ko nalang kasi nakakalimutan na i-check  ito kung bukas o hindi? Ayan tuloy napagalitan pa ako. "Sala--" pagharap ko sa kanya ay wala na siya. "Saan na siya pumunta?" Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala na siya. Ang bilis naman niyang nawala? Tsk. Kumamon talaga.
Pag-uwi ko ay napansin kong wala na ang mural na kaninang nakita ko. May kaonti pa namang liwanag ang kalangitan  kahit nakalubog na ang araw  at may street lights na nakailaw para makita ang pader pero wala na talaga. 
Guni-guni ko lang kaya yun kanina? So, to make sure nilapat ko ang aking isang daliri sa pader kung tinakpan ng puting pintura. Nang makompirma ko ay nadismaya ako dahil medyo fresh pa ang pintura na sumama sa daliri ko. 
Bakit kaya nila tinanggal? Ang ganda pa naman nun. Sana okay lang ang araw.
Nagtaka ako ng hindi ako umurong nang sinimulan kong muli ang pagpedal sa bike ko. Nakita kong naputol pala ang kadena nito. 
"Hala! Bakit ngayon pa?" reklamo ko.
Umalis ako na tulak-tulak ang bike ko at napadaan ako sa convenience store. Nakita ko mula sa labas ang babaeng nagbabantay ng store ni Kuya Ken. Siya siguro ang tinutukoy niyang pinsan kanina.
Papaliko na ako nang may makasalubong na isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at may mask sa mukha. Diretso siyang nakatingin sa akin na mukhang may balak. Napansin kong dalawa lang kaming tao ang nasa daan. Saan pumunta ang mga tao?
Papalapit ang lalaki. "Ganda." sabi niya. Uy maganda pala ako. Eh. Sinabi niya lang naman yan kasi may kailangan siya. "Ibigay mo na yung kailangan ko kung ayaw mong matapos ka dito."
"Naku manong, wala pa po akong pera ngayon."
"Hindi ako naniniwala." sarkastiko niyang sagot.
Five pesos nalang talaga natira dahil naglunch ako kanina sa school at nagbayad ng contribution para sa acquaintance party. Sinadya kong iwan ang buong pera ko para sa week na ito sa BH kasi baka magastos ko nang di sinasadya. 
"Hindi po talaga kayo naniniwala? saglit lang po ha." kinuha ko ang aking double wallet na lila sa bag,  binuksan ko ito at ipinakita sa kanya ang laman. "Oh! Manong singko pesos po yan, naniniwala na po ba kayo?"
Tumawa siya. "Ano ako tanga? Gusto mo lang makatakas eh. Alam kong may itinatago ka sa bag mo kaya ilabas mo na!" Lumapit sya sa akin.
"Manong, wala po talaga. Please po huwag po kayong lumapit. Ayaw ko rin po kayong saktan." babala ko sa kanya.
Hindi sya nakinig at lumapit, dahil doon binigyan ko siya ng malakas na sipa sa kanyang balls ng tangkain niyang hawakan ang braso ko. Napahiga siya sa semento dahil sa sakit.
"Aaah!"sigaw niya habang nakahawak sa parte ng nasipa ko.
"Sabi ko naman sa'yo manong huwag po kayong lumapit eh. Ang tigas po ng ulo niyo." Naaawang sabi ko na may halong kaba.
Tatakbo na sana ako nang may biglang umakbay sa akin at may naramdamang matulis na bagay na nakatutok sa leeg ko. Nabitawan ko ang aking bike sa pagkagulat. 
Napalunok ako. Hindi ko alam na may kasama pala itong magnanakaw na 'to. 'Someone help me!' sigaw ko sa aking isip.
Hindi ko madepensahan ang sarili ko sa ganitong sitwasyon dahil hindi pa natuturo ng instructor namin ang mga ganitong senaryo. Ang tanging nararamdaman ko lamang ngayon ay kaba at takot.
"Ibigay mo na  miss kung ayaw mong mawala ngayon?" bulong ng lalaki sa akin.
Napalunok ako.
Hindi. Hindi dapat ako mamatay ngayon. Hindi ko pa nakikita ang mga magulang ko. 
Wala man lang dumadaan dito? Alas 6 na kaya dapat uwian na ng mga estudyante o kahit man lang sino. Please, send help!
Naramdaman kong padiin sa leeg ko ang patalim na hawak niya. Nakita ko naman na unti-unting tumayo ang lalaking nasipa ko sa balls. Nakahawak parin siya sa parte ng nasipa ko kanina habang tinuturo ako na tatangkaing susugurin.
Nararamdaman ko naman na sumasakit na ang leeg ko na may tutok ng kutsilyo at parang may dugo na umaagos. Napapikit nalang ako sa sakit.
Napaupo ako sa semento. Iminulat kong muli ang mata ko. Nagulat ako nang makitang nakabulagta na si kuyang snatcher na may hawak na kutsilyo, maging ang kaninang nasipa ko. 
Lumabo ang paningin ko. Nakita kong papalapit ang isang pamilyar na tao at hinawakan ako sa braso. 
"Are you okay?"tanong niya.
"Kumamon?" sambit ko at nawalan na ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Memory To Remember (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon