The Dream

24 0 0
                                    

5 Months Ago...
September 2019

Athena's POV

"Athena may nag hihintay sayo sa labas, sinusundo ka daw." Tumingin ako sa kaklase na kaibigan ko rin na si Julia.

"Ha? Sino ?" Tanong ko at napatayo sa upuan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag gawa ng assignment namin sa History.
Sino naman ang mag susundo sa akin? Ahh baka si Mauren, pero sabi niya 5:30 pa ang labas niya, napaaga ata.

"Di ko rin alam sinabihan lang ako ni Lauren na may nag hahanap sayo. Tingnan mo na lang." Ngumiti siya at naglakad papunta kay Camille, girlfriend niya.

Naglakad ako palabas ng room at nakita ko na may babaeng nakatalikod, unti unti ko siyang nilapitan. Sa pananamit pa lang nito ay masasabi ko nang hindi si Mauren. Pero napakapamilyar ng awra niya. Mahaba ang buhok niya, na kahit di siya mag suklay siguradong parang di magugulo, at sa tingin mo palang sa kanya parang ang bago niya. Balingkinitan at medyo morena ang kutis. Nakabagpack ito at busy sa kanyang cellphone. Hindi pa yata niya alam na nandito na ako. Inayos ko ang sarili ko ang nag simulang mag salita.

"Ahm, hello.. Hanap mo daw ako?" Mahina lang ang pagsalita ko pero narinig naman niya kaya bigla siyang humarap sa akin mula sa kanyang cellphone.

Nagulat naman ako nang malaman ko kung sino ang nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Nakanganga pa yata ang bibig ko kaya lumapit siya at sinira ito.

"Ganun ba talaga ako kaganda para mapanganga ka?" Tumawa siya at niyakap ako bigla.  Di sinasadya at naamoy ko siya at di ako nagkamali, ang bango nga niya. Pero humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ahm, Maxine anong ginagawa mo dito?" Nagtataka talaga ako kung bakit siya nandito.

"Babe, nakalimutan mo? Susunduin kita di ba?" Nalungkot siya bigla at hinawakan ang kamay ko.

"Babe? Anong sinasabi mo?" Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak.

Pinaprank yata ako nito eh. Di naman kami ganito kaclose nito tapos ngayon pa"babe-babe" na siya.

"Bakit di ko na pwedeng tawagin babe ang girlfriend ko?" Nagtatakang tanong niya. Tiningnan niya ako na may halong lungot at sakit.

"A..ano? Girlfriend? Ikaw? Ako? Tayo? Mag girlfriend?" Gulat na gulat ako, Kailan ko naman naging girlfriend si Maxine? Eh si Mauren ang girlfriend ko.

"Oo, ano ba Athena. Nakalimutan mo na ba? 3months na nga tayo eh." Nakayuko lang siya at halatang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Excuse lang ahh, pero si Mauren ang girlfriend ko hindi ikaw." Hindi ko siya tiningnan at babalik na sana sa room ng bigla niyang hawakan ang braso ko at iniharap sa kanya, at wala ng nakakagulat pa sa susunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako sa lips! Nakitang kong nakapikit siya habang ako naman ay dilat na dilat ang mga mata. Pinilit kong makawala pero napakahigpit nang kapit niya sa braso ko. Sh*t lang may girlfriend ka Athena at di si Maxine! Pero sa di inaasahan bigla ako nakaramdam nang kakaiba, at di ko namamalayan na binabalik ko na ang halik niya. She's a good kisser I admit. Bumilis ang tibok nang puso ko at napahawak ako sa buhok niya gamit ang kaliwang kamay ko. Mas diniinan niya ang pag halik at napaungol ako.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumatawa, bakit siya tumatawa? Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mauren na nakapatong sa akin habang tumatawa. Sa sobrang gulat ko natulak ko siya dahilan para mahulog siya sa kama.

Sh*t! It's all just a dream.

----------------------------

"So hindi mo talaga sasabihin sa akin ang panaginip mo?" Tanong sa akin ni Mauren habang nag dadrive. Dun siya natulog sa dorm ko kagabi at ihahatid niya ako ngayon sa school. Mag kaiba kami ng course, Accountancy ang kinuha niya at Nursing naman ako.

"Di ko nga maaalala basta pag gising ko, nakita kita. Nagulat lang ako kaya natulak kita. Sorry na baby." Pag lalambing ko dito. Pero ang totoo alalang alaala ko pa ang panaginip ko, alanganaman sabihin ko sa kanya na iba ang girlfriend ko sa panaginip at friend pa niya na si Maxine. Ang malala pa, nag kiss kami sa dream ko, at di lang basta kiss, make out na yun.Napabuntong hininga na ako.

Tiningnan ko ang girlfriend ko at nakatingin ito sa malayo.

"Baby, sorry na nga." Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at hinalikan.

"Kasi naman umungol ka kanina eh.Natawa lang ako kasi first time kong narinig ang ungol mo. Don't worry di naman ako galit sayo." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang kamay ko.

Narinig niya ang ungol ko? Hayss. Nakakahiya. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko at tumingin na lang sa bintana. Naku naman! Bakit ba kasi sa lahat ng tao si Maxine pa, pwede naman yung girlfriend ko na lang. Hayss talaga. Di ko na lang muna iisipan yung panaginip na yan.

Maya maya lang ay nandito na kami sa campus. Inihinto ni Mauren ang kotse at tumingin sa akin.

"Sunduin kita mamaya ah? Ingat ka. I love you baby." Sabay halik sa pisngi ko.

"Opo baby, I love you too."

Bumaba na ako ng kotse at hinintay na makaaalis si Mauren. Kumaway pa ako bago pumasok sa loob. Tiningnan ko ang wrist watch ko, 8:10 ay ano ba yan, late na ako.

----------------------------------

Andito kami sa usual tambayan namin ng mga friends ko, kaso wala si Julia ayun busy sa boyfriend niya pero pupunta naman daw siya mamaya sa dorm, may event kasi ngayon sa gym dito sa school at required kaming mag attend. Sina Camille, Lauren, Bea at Ryan nandito naman. Magkarelasyon sina Camille at Lauren at si Bea naman may boyfriend na si Diego, pero alam  namin maliban kay Bea na may crush si Ryan sa kanya. Lahat kami Nursing student halos 2yrs na rin kami mag kakasama sa hirap at saya. Si Bea ang pinaclose ko sa kanila at siya rin ang dahilan kung bakit ko nakilala si Mauren, 6months pa lang kami ni Mauren pero 7months kaming naging mag kaibigan hanggang sa nag kaaminin. Actually kasama siya dito sa barkada kaso iba naman ang course niya kaya di nila langing nakakasama si Mauren pero nag bobonding naman kami pag free ang lahat. Ako naman lagi ko siya nakakasama, except na lang kung uuwi ako sa amin. Hindi pa kasi kami legal sa parents ko pero soon ipapakilala ko na siya.

So balik tayo dito sa mga kaibigan ko, kumakain kami ngayon dahil 10am may klase na naman kami.Sinabi ko sa mga friends ko ang panaginip ko last night, kaya ngayon tinutukso tuloy ako. Pero di ko sinabi sa kanila kung sino baka issuehan pa kami nila, mahirap na.

"Seryuso, iba ang girlfriend mo sa dream mo?" Gulat na tanong ni Ryan. Katabi nito si Bea, habang sa kabilang side ng table naman si Lauren at Camille.

"Ano ba, wag mo ng asarin Ryan. Pero sino nga yung girl dun?" Banat naman ni Bea. Ngumiti siya ng nakakaloko, isa pa ito eh.

"Di ko na nga matandaan ang itsura tsaka di ko kailangan alalahanin yun may girlfriend ako at wala akong balak palitan si Mauren." Seryusong sagot ko. At nag nag patuloy sa pagkain.

"Ang amin lang kasi, bakit mo pananaginipan ang isang tao na di mo kilala di ba? At ganun pa ang nangyari." Sabi naman ni Lauren habang tumatango si Camille.

"Oo nga Athena, baka naman yan talaga ang makakatuluyan mo?" Pang aasar pa ni Camille.

Natawa silang lahat except sa akin.
Makakatuluyan? Si Maxine? Impossible. Straight pa sa buhok niya yun eh. Tsaka sigurado may boyfriend yun. Teka ano naman kung may boyfriend siya.

"Ha ha no way. Di ko maimagine noh." Tumayo ako at akmang maglalakad na nang hawakan ni Bea ang kamay ko.

"Oh san ka pupunta? Ito naman oh pikon agad. Inaasar ka lang namin." Pag lalambing niya sa akin. At tumayo na rin siya.

"Ano ba B? Pupunta lang ako ng CR. OA mo naman" Natawa naman ako sa kanya.

"Ay ganun ba? Haha sige sige." At umupo na ito ulit. Tumawa din sila Lauren, Camille at Ryan.

Naglakad na akong papuntang CR ng biglang nag ring ang phone ko. Unknown number lang ang nakalagay meaning di nakasave, nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko pero baka importante kaya makalipas ang tatlong ring, sinagot ko na.

"Hello?" Bati ko sa taong tumawag. Nag lalakad pa rin ako papuntang CR.

"Ahm hello, Athena si Maxine ito." Masiglang bati nito. Napahinto ako bigla sa paglalakad. At naalala ko ang panaginip ko. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Si Maxine...

"Maxine...H..Hi"

4-3-0Where stories live. Discover now