The Break

10 0 0
                                    

Athena's POV


"What?!" Pasigaw na tanong ni Bea.

"Ano ba, hinaan mo ang boses mo." Bulong ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa Runners Kitchen, dito kami magdidinner. Sinadya ko talaga na kami lang dalawa dahil may importante akong sasabihin sa kanya.

"Nakipag cool off si Mauren sa iyo? Kailan pa?"

Kitang kita sa mukha ni Bea ang pagkakagulat.

"Yes, and last week pa. Sa birthday party ni Celine."

"Ha? Akala namin okay lang kayo?"

"Akala ko rin eh, pero sabi niya we need a break."

Napayuko naman ako at alam kong nakatitig lang sa akin si Bea.

"At pumayag ka naman agad?"

"Of course not, pero yun talaga ang gusto niya mangyari sa ngayon eh."




(Flashback...Birthday Party)

"Baby, okay ka lang?"

Tinabihan ko si Mauren sa hagdanan. Bakas ang galit at sakit sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi niya ako matingnan, hinintay ko siyang mag salita pero ilang minuto na ang nakalipas pero tahimik pa rin siya.

"Baby, please talk to me."

"Let's take a break."

Para naman akong nabingi sa narinig ko. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya.

"Wh..what?" Pabulong kong tanong.

"I just need some space and time. Masyado akong nasasaktan ngayon at ayoko nito. Ayoko na palagi na lang akong nagseselos sa inyo ni Maxine. I love you Athena, I love you so much na kahit masakit ito para sa akin ay gagawin ko."

"Wag naman ganito baby, ganoon na lang yun dahil sa selos makikipagbreak ka sa akin?"

Napatayo na ako at ramdam kong naiiyak na ako. Mahal ko si Mauren, at ang hinihiling niya sa akin ngayon ay napakahirap sa akin.

"Di ako nakikipagbreak sa iyo. Space at time lang ang kailangan ko ngayon."

"Pero ganoon na din yun eh, dalawa lang ang patutungohan ng cool off. Balikan o hiwalayan."

"So iniisip mo talaga na tuloyan tayong mag hihilaway ha?"

"Sino ba ang humihingi ng break at time ngayon? Ako ba?"

"Please Athena, di mo alam kung gaano ako nasaktan kanina."

"Yun ba? Wala lang naman iyon ah. Kumanta lang kami."

Alam kong may naramdaman akong kakaiba sa pag kanta namin ni Maxine kanina pero mas higit pa rin ang nararamdaman ko kay Mauren, siya yung girlfriend ko.

"Yun nga eh, kumanta lang kayo pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Feeling ko unti unti inaagaw ka sa akin ni Maxine."

"Ano? Iniisip mo talaga yan sa kaibigan mo? Tingin mo magagawa Maxine yan? Tingin mo magagawa ko yan sa iyo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam kong ano ang mararamdaman ko."

Napayuko si Mauren at nakita kong umiiyak na rin siya.

4-3-0Where stories live. Discover now