***
Note:
This is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, events, etc. are either product of the author's imagination.
Have fun!
***
Miguel
"Alam mo ba kung anong araw ngayon, Sagi?" Tanong ko sa kasama ko ngayon. Nasa loob kami ng Café malapit sa school namin. I am already a Grade 10 student at mag-mo-moving-up na ako next week.
Instead of answering me through his voice, he just shrugged. Jeez, ano pa ba ang mapapala ko sa lalaking 'to?
"Monday, Sagi. Monday ngayon. Ngayong araw lalabas ang results sa entrance exam na kinuha ko last month." Sabi ko sa kaniya. Nang na-absorb niya ang sinabi ko, biglang nanlaki ang mata niya habang nakangiti.
"Oo nga, ano?"
"I'm going to open my email account here kaya mag-order ka na para naman makalibre tayo sa Wi-fi." Utos ko sa kaniya. At dahil wala siyang magawa, tumayo ito habang kinakamot ang likod ng kaniyang ulo.
"Teka nga, pera muna." Bubuksan ko na sana ang laptop ko nang magsalita siya. Ang kanang kamay nito ay nakalahad sa akin.
"Libre mo nalang muna. Gonna pay you later. " Sagot ko sa kaniya habang nakangiti. Well, mas bata ako sa kaniya and he spoiled me like his younger brother. Kaya nga naging best friend ko 'to eh.
"Alam mo, mas mayaman ka pa sa'kin pero napaka-buraot mo." Pabalang na sabi nito habang papalayo sa'kin para pumunta sa cashier.
Bahagya naman akong natawa sa nangyari. Sanay na siya sa pagiging buraot ko. More than a year ba namang ganito? Haha.
Nang makabalik na siya, may dala-dala itong tray na puno nang pagkain. May dalawang iced cofee at may mga desserts pa. Oh 'di ba? Ang sabi ko ay mag-order lang siya pero he ordered too many sweets for us to eat. I sighed. This guy! Pagkaupo niya, may ibinigay siyang maliit na papel. Pagkatingin ko, password ng Wi-fi sa café.
"Thanks Sagi. I owe you one." After he heard what I said, he just rolled his eyes.
Well, meet Sagittarius Silvestre, Sagi for short. He was born on December 15, 2002 at dahil raw bored ang parents niya at walang maisip na pangalan para sa kaniya, napagpasyahan nilang Sagittarius nalang raw ang magiging pangalan niya. I missed those days that I became his rant-buddy because of his name. Even now, natatawa parin ako kapag naaalala ko ang mga pinagsasabi niya. He is my classmate and my one and only best friend. Last year lang kami naging best friend dahil sa isang unexpected na pangyayari. I don't want to explain it further.
Pagka-open ko ng email account, tinabunan ko pa ang mga mata ko. I badly needed to passed the entrance exam. Hindi dahil sa pressure ng mga magulang ko kundi sa isang rason lamang-doon nag-aaral ang crush ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko sa mukha ko. And what I have read changed my life forever!
Dear Mr. and Mrs. Arquisola:
Peace from the Garcia Academy!
Congratulations! We are happy to inform you that your son, Miguel Joaquin, a Grade 10 student of Polytechnic Institute successfully passed the entrance exam. He is now eligible to enroll in our school in the S.Y. 2020-2021.
I-I didn't expect that!
Muntik pa akong napatili dahil sa nabasa ko. I grabbed Sagi's neck at inakap na rin ito.
"I passed the entrance exam, Sagi! I can't believe it!" Nakangiting sabi ko habang binabasa ng paulit-ulit ang nakalagay sa screen.
"Well, sana ay maging classmate ulit tayo." Sabi nito na ikinagulo ng utak ko.
"What do you mean?" I asked.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may pinindot. Seconds later, he handed his phone to me. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay.
"You passed! Akala ko hindi ka mag-aaral dito?" Ang pagkakaalam ko kasi, may balak siyang mag-aral sa ibang bansa for good raw that's why I didn't expect that he took an entrance exam without saying a thing or two to me. I felt betrayed, joke.
"I'm speechless, really. But, are you sure you're going to abandoned your dreams to study abroad just for me?" May halong pag-aalala ang pagtanong ko sa kaniya. Bahagya pang kumunot ang noo nito bago sumagot sa'kin.
"Best friend tayo, 'diba? At pwede naman akong mag-study abroad kapag college na ako. Gusto ko kasing makita na maging kayo ni Rex sa huli."
Awkwardness to the highest level. Iniisip ko kasi na baka hindi naman 'yun mangyayari. Look, I've met him before but he never sees me as a person. He is multi-talented, he's smart and even an athletic one. Marami ang nagkakagusto sa kaniya at isa na ako roon. Bakit nga ba pumasok ako sa same school kung nasaan rin siya? Well, my reason might be the lamest you're going to hear. I wanted to see him everyday kahit sa malayuan man lang. Hindi na ako nangangarap ng mas mataas pa roon dahil alam kong sa huli, never niya akong mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kaniya.
"Ano ba naman 'yan! Pwede ba, maging positibo ka naman sa buhay. Malay mo magugustuhan ka rin niya. Matalino ka, singer ka rin at dancer, dagdag mo pa na anak ka ng isang mayamang pamilya dito sa atin. " Biglang salita ni Sagi. Napa-smile na lang ako sa sinabi niya. Kapag malungkot ako, siya talaga lagi ang nagpapasaya sa'kin.
"Malayo." Sagot ko na lang. Habang binabasa ko ulit ang message sa screen, kinuha ko ang iced coffee ko at ininom. Iced coffee is one of my favorite drinks. Naalala ko pa tuloy ang time na bibigyan ko sana si Rex ng iced coffee after his exam pero hindi niya ito kinuha. Tiningnan niya lang ako at ang dala-dala ko at umalis. It happened last year pero hindi ko parin nakalimutan. Isa kasi 'yun sa mga brave-moments ko.
"Napaka-nega mo talaga kahit kailan, Miguel. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para magkakilala kayo. Miyembro ako ng basketball team last year at naging kaibigan ko rin ang mga tropa niya. I can call them for help."
Jeez, ano nalang ang magagawa ko kapag wala ang lalaking 'to sa buhay ko?
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mesa at ipinatong rito ang ulo ko. Maybe, he's right. I should be a positive person to attract positiveness. I wonder what would happened for the next couple of weeks.
***

BINABASA MO ANG
2 Years, Still You
Teen FictionMiguel knew he wasn't a straight guy. For a couple of years, he secretly love a guy named Rex. He must be crazy for following a guy who doesn't know even his name. Then Austen came, a guy he doesn't know, confessed. Sino ba ang pipiliin niya? Mah...