Chapter 10
In his arms
***
After nang nangyari sa amin ni Austen, agad din akong bumalik sa table namin. Jeez, bakit kasi antagal ni Rex?
Speaking of Rex, nakita ko siyang nakikipag-usap sa ate niya. Lalapit na sana ako nang narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Alam kong si Miguel 'yun, Rex. Anong pumasok sa utak mo ah?" Rinig kong sigaw ni ate Reyna kay Rex. Agad naman akong nagtago sa isang puno malapit sa kanila. Nacurious naman ako sa pinag-uusapan nila. Mukhang ako ang topic eh.
"Bakit ba ate? Wala namang masama ro'n." Sagot naman ni Rex sa kaniya.
"Tanga ka ba? Gusto ka ng tao tapos paaasahin mo?" Ano? Pinapaasa ako? Wait, alam ni Rex na gusto ko siya? Akala ko ba naniwala siyang joke lang 'yun ni Shanine?
"Hindi ko siya pinapaasa, Ate." Sagot ni Rex.
"Hindi? Bakit? Gusto mo na ba siya?" Tanong ni Ate Reyna sa kaniya. Bigla namang tumigil ang mundo ko nang sinagot niya ang mga salitang inaasahan ko na sa kaniya.
"Hindi. Lalaki ako. Lalaki siya. Bawal kami sa isa't isa." Bigla namang may tumulong luha sa pisngi ko. Gosh, kahit pala alam ko na ang sagot, hindi parin talaga ako ready na marinig 'yun mula sa kaniya.
"Good. Ikakasal ka na kay Emerald kaya wala ka ng takas, brother."
Hindi ko na pinatapos ang pag-uusap nila dahil dali-dali akong lumabas sa venue. Shit, andami nang luha ang unaagos sa mata ko. Bakit? Ansakit!
Shit din naman kasi ako eh! Ako ang umasa kaya kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Umupo ako sa kalsada dahil sumasakit na rin ang paa ko kakalakad sa kalsada. Hindi ko na nga alam kung saan ko pupunta eh. Ang alam ko lang, kanina pa ako naglalakad habang umiiyak. Shit, wala namang kami pero kung umasta ako eh parang kami.
Tama nga naman siya. Lalaki siya at lalaki ako. Anong panama ko sa babaeng kaya siyang bigyan ng anak? Eh ako? Never. Never kong mabibigay sa kaniya 'yun.
Bakit kasi ang unfair ng mundo. Hindi ko namang ginusto na maging ganito. Kung may choice lang bago ako maluwal sa tiyan ni Mom, mas pipiliin kong maging babae na lang. Bakit? Para magustuhan naman ako ng taong gusto ko.
Tatayo na sana ako nang may kamay na nakalahad sa harap ko. May panyo ito. Walang anong kinuha ko ito at pinunas sa mukha ko. Shit, cellphone lang ang dala ko. Bakit kasi naiwan ko sa kotse ni Rex ang purse ko? Doon pa naman wallet at ibang gamit ko.
Tumingala naman ako para malaman kung sino ang nagbigay ng panyo sa'kin. Wait, Austen?
"Are you okay?" Tanong niya sa'kin. Ewan ko kung bakit pero nung tinanong niya 'yun, umiyak ulit ko ng umiyak.
Inalayan niya naman akong makatayo at pinapasok sa kotse niya.
"Change your clothes. Meron naman akong shirts and extrang shorts dito eh." Sabi niya sa'kin at binigay sa akin ang isang white na t-shirt at black na shorts. Lumabas siya sa kotse para siguro bigyan ako ng privacy sa pagbihis.
![](https://img.wattpad.com/cover/221602759-288-k961619.jpg)
BINABASA MO ANG
2 Years, Still You
Novela JuvenilMiguel knew he wasn't a straight guy. For a couple of years, he secretly love a guy named Rex. He must be crazy for following a guy who doesn't know even his name. Then Austen came, a guy he doesn't know, confessed. Sino ba ang pipiliin niya? Mah...