Chapter 1- Rex Salvador

15 6 0
                                    

Chapter 1

Rex Salvador

***

"Mom, hindi naman ako mawawala sa inyo. In fact, pwede naman akong bumisita rito every weekends. Hindi naman kami pinagbabawalan na lumabas ng school premises kada Saturday and Sunday eh." Sabi ko kay Mommy. Paano ba kasi? Binilhan niya lang naman ako ng dalawang malalaking maleta at inilagay halos lahat ng mga gamit ko roon: mga damit, mga sapatos at iba pa.

"Anak, paano kung maubusan ka ng damit? Hindi ka pa naman marunong maglaba." Pagkarinig ko ng 'hindi ka pa naman marunong maglaba' ay parang na-offend talaga ako. Okay, alam kong hindi ako naglalaba kasi may tagalaba naman kami pero bakit kailangan pang ipamukha sa akin? Nakakasakit na talag minsan si mommy. Swear.

"May tagalaba naman dun, Mom eh. Sinabi na sa'kin ni Sagi na may mga labandera roon." Protesta ko. Bigla namant tumingala si Mommy na parang nag-iisip.

"Sagi? Siya 'di ba 'yung best friend mo na papasok rin sa Academy?" Tanong nito. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Yes Mom at magiging roommate sana kami kung hindi lang sinabi ni Daddy na nag-rent na siya ng room for me at ako lang mag-isa roon." Alam kong mahahalata ni Mom ang mga sarcastic remarks ko pero bahala na. Sanay na rin naman sila sa'kin. I talk to them like this but I know my limits. Titigil ako kapag sobrang nakakabastos na ang pananalita ko sa kanila.

"Anak, sinabi ko na rin sa kaniya na you wanted to live with Sagi but he insisted. Alam mo namang gusto lang ng Dad mo ang nakakabuti sa'yo, right?" Malumanay na sabi ni Mommy.

"I know Mom kaya nga thankful ako sa inyo dahil room. Kaya lang, super naman eh!" Pambatang sigaw ko kay Mommy kaya natawa na lang ito. Natawa na rin ako dahil sa inasta ko. Whew, I am already turning 17 this year but I still act like a child. Jeez.

"Mahal ka lang namin, Anak. By the way, I already transferred some money to your account. Feel free to use it anytime you want. Basta, know your limits lang." Agad naman kaming huminto sa pagtawa nang marinig namin ang boses ni Daddy. With his long sleeves and black pants, pumasok ito sa loob ng kwarto ko at umupo sa tabi ni mama.

"Thank you, Dad and Mom. Mag-aaral talaga ako ng mabuti para naman masuklian ko ang paghihirap niyo sa'kin." I said with conviction. I even raised my right hand as a sign of promise. Natawa sila Mom and Dad sa ginawa ko. Mom held my hands and said,

"Alam naman namin na gagawin mo ang lahat para maging proud kami sa'yo. But, don't stress yourself too much, okay? Kahit ano ka pa, matatanggap ka namin."

2 Years, Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon