Chapter 2- Foundation day

13 6 0
                                    

Chapter 2

Foundation day

***

Sa isang fastfood chain kami kumain ni Sagi. Nauna na akong umupo dahil kung hindi, ako ang pagbabayarin nito sa cashier. Magrereklamo pa sana siya pero wala na siyang magawa nang tiningan ko siya ng masama. Well, I won today. Haha.

Maya-maya'y dumating na rin si Sagi habang dala-dala ang isang tray na may iba't ibang pagkain. Hayst. I hid my smile. Nako naman. Mabubusog na naman ako without using my own money.

"Ano na ang gagawin mo ngayon?" Biglang tanong ni Sagi habang kumakain. Muntikan ko nang naisuka ang kinakain ko sa kaniya.

"Nothing. Wala naman kasing dapat gawin. Eh ano naman kung namumukhaan niya ako? I didn't do something towards him naman last year." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman ito habang nakangiti. I pinched his shoulder kaya napasigaw ito. Nahiya pa ako dahil may tumingin sa table namin.

"What's with that smile of yours?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Naalala ko lang kasi ang ginawa mo last year. You just gave him a card with your initials on it. Sa tingin mo, tanga ba siya para hindi malaman na ikaw 'yun?" Tanong nito. Ah! I remeber that time! Naalala ko noong nasa loob ako ng room namin kasama si Sagi. Wala ang ibang kaklase namin dahil may event nun. I was writing a letter for him that time. Tinanong ko pa kay Sagi kung ano ang ilalagay ko sa huli. My full-name or nickname. Kung full-name raw ay baka sugurin ako ng mga babaeng may gusto sa kaniya. Kung nickname naman ay masiyadong halata. In the end, sinulat ko na lang ang initials ko— M.J.A.

"Yes, dahil marami namang tao na may ganung initials Sagi. Stop imagining things, okay? Pinapaasa mo ako lalo!" Sigaw ko sabay hampas sa kaniya. Nako naman.

"By the way, hindi pa nabibigay sa atin ang schedules, right?" Tanong ko kay Sagi. Tapos na rin kaming kumain at nag-pre-prepare na kami para umalis.

"Mamaya pa daw. May magbibigay naman sa atin sa dorm." Sagot nito sa akin. Maya-maya'y tumayo na kami para bumalik sa dorm.

Nasa sasakyan kami habang nakikinig sa isang malumanay na kanta. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila Mommy. Nasabi ng driver ko kanina na tawagan ko raw sila.

"Hello, Dad?" Bungad ko kaagad kay Daddy. Something is happening there dahil ang ingay ng background. Maybe a television?

"Hello, anak. Kamusta ang unang araw?"

"Okay naman. Akala ko magkakaroon agad kami ng class but turned out na event lang pala para sa aming bagong students ng school."

"That's nice. By the way, buy some new clothes there. Use your card."

"Thanks Dad. Gonna hang up now. Pakikamusta na lang ako kay Mommy, okay?"

2 Years, Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon