"Uy crush!" Napairap agad ako nang marinig ko yung boses na yun. He's so annoying! Kahit saan ako magpunta every lunch or vacant hour ko nandun siya. Seriously? Wala ba siyang klase? Inis akong bumaling sa kabilang direksyon kung saan hindi ko siya makakasalubong. Pero agad siyang nakahabol at sinabayan ako sa paglalakad.
"Mag-isa ka lang ulit?" tanong niya. Obvious ba? Pero di ko na lang siya sinagot tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. I don't have friends or even a single friend. I preferred to be alone than to get along with the people who only knows you when they need something from you. Pero meron naman akong nakakausap sabi nila friends kami. Pero kasi di ba magkaiba ang acquaintance sa friend mo talaga. I don't consider them as my friend kasi di ko naman sila nasasabihan ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay ko. At di ko naman sila pinapakialaman sa buhay nila. May sarili-sarili rin naman kasi silang circle of friends. Alam niyo yun? Para lang akong extra.
Sanay akong mag-isa lang hanggang sa pinakilala na sa akin ni universe ang gugulo sa tahimik kong mundo. Si Nathan. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa umupo na ako sa tinatambayan ko pag mag-aaral.
"Mag-aaral ka na naman? Wala ka bang ibang gagawin kundi mag-aral?" tanong niya. At umupo siya sa tapat ko. Hayst! Nakakaqiqil tong lalaking to.
"wala ka rin bang ibang gagawin kundi guluhin ako?" balik na tanong ko at tinuon na sa libro yung atensyon ko.
Hindi ko siya pinansin kahit daldal siya nang daldal sa tabi ko. Ganun naman yung routine ko palagi eh kapag nangungulit siya tapos hihintayin ko na lang siya umalis at mapagod. Pero yung lalaking to? Wala atang kapaguran sa buhay. Tuwing lunch sasabayan niya ako kumain. Ang dami niyang kwento sa buhay, madalas din siya magpatawa kahit puro irap lang ang nakukuha niya mula sakin. Mapapasana all ka na lang sa consistency niya. Pero alam ko naman mapapagod din siya. Ganun naman talaga di ba? Lahat naman sinusukuan ako, di nagi-stay sa tabi ko at iniiwan ako.
Ilang weeks na din mula nang makilala ko si Nathan at ilang weeks niya na din ako ginugulo, walang araw o oras kada lunch at vacant ang lalagpas nang hindi niya nasisilayan ang nakasimangot kong mukha dahil sa pangungulit niya pero may himala ata ngayon. Tapos na ako maglunch at nakarating na rin ako sa palagi kong tinatambayan tuwing nag-aaral pero walang Nathan na sumalubong o humarang sa akin sa daan.
"Himala, walang makulit ngayon" napalingon ako sa nagsalita. Si Bea, isa sa blockmates ko at dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Nathan.
Nasa NBS ako nun at bumibili ng bago kong libro sa accounting and sketch pad na din sana pang regalo sa isa pa naming blockmates na may birthday. Si Bea yung nag-aya sakin na pumunta since lahat din naman kami ay invited sa surprise birthday party nila para kay Kate. Nagkakausap kami sa school pero hindi madalas dahil gaya nga ng sabi ko mas gusto kong mag-isa. Napilit nila akong pumunta kasi hindi nila ako tinantanan sa school hangga't hindi ako um-oo na aattend ako sa party. Hayst! Papunta na ako sa counter nang tumawag si Bea sakin.
"Ano na gurl? Nasan ka na?" tanong niya na parang inip na inip na.
"wait lang ok? Nasa counter na ako magbabayad na lang" sabi ko pero mapang-asar si universe kasi dalawa lang yung open na cashier at parehas pang mahaba ang pila. At literal na marami pa ang mga binili.
YOU ARE READING
I'm your Prologue, but not your Epilogue
RomanceOne shot stories Mga istoryang hindi uso ang happy ending.