To my artist.

14 0 0
                                    



"Daz, I'm sorry" sabi ko habang sinusundan siya. Uwian na kaya wala ng masyadong estudyante sa building namin.


"Uy mag-usap naman tayo ng ayos oh" sabi ko pero patuloy pa rin siyang naglalakad papalayo sa akin.


"Daz..." Tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin.


"Nakipag-break ka na di ba? Wala na tayong dapat pag-usapan pa" sabi niya. Tinalikuran niya ulit ako at mas binilisan pa yung paglakad pero hinabol ko pa rin siya.


"Hindi ko nga sinasadya... I didn't mean it, okay?" frustrated na sabi ko. Nakipag-break ako hindi dahil gusto ko. Ginawa ko yun para makuha yung atensyon niya. Sobrang lamig niya na sa akin, ni-hindi ko nga alam kung anong problema naming dalawa o kung may nagawa ba akong mali sa kanya.


"I love you" I sincerely said. Napatigil siya sa paglalakad. Akala ko lalambot na siya at makikipag-ayos pero nang humarap siya... parang ubos na yung pasensya niya sa akin.


"I love you?" he mimicked my voice. Tinignan niya ako na parang di siya makapaniwala sa sinabi ko. "Sophia, pinaglalaruan mo ba ako? Pagkatapos mong makipagbreak sasabihin mo, mahal mo pa ako?" inis na sabi niya.


"I already said I didn't mean it! Hindi ko naman talaga gusto makipag-break sayo. Sinubukan ko la—"


"Sinubukan? Bakit Sophy? Anong tingin mo sa relasyon natin, Trial and error?" nagulat ako nang biglang tumaas yung boses niya.


Huminga ako ng malalim bago tumingala para mapigilan yung luha ko. Ayokong umiyak, lalo na sa harap niya... ayokong magmukhang mahina. Para akong estudyanteng pinapagalitan ng prof sa sitwasyon namin dalawa. Never niya akong sinigawan dati. He's always soft, one of the characteristics that I love to him. Dito sa school palagi kaming magkasama, palagi niya akong pinupuntahan sa room. Palagi siyang may time pagdating sa akin. Ang dami kong hinangaan sa kanya kaya mahal na mahal ko siya pero lahat ng katangian na minahal ko... unti-unti nang nawawala. Hindi ko alam kung anong naging mali ko. Anong naging mali sa relasyon namin at humantong kami sa ganito, kung bakit bigla na lang kami naging magulo.


"Ikaw yung nakipag-break, ginusto mo yan. Ibinigay ko lang" maglalakad na naman sana siya palayo pero hinawakan ko yung braso niya.


"So ganun na lang yun?" kinalas niya yung pagkakahawak ko sa braso niya. Tinignan ko siya sa mata kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. "Nakipag-break ako, para makuha yung atensyon mo. Para kasing wala na akong boyfriend eh. Wala ka nang time sa akin. Nakipag-break ako kasi akala ko susuyuin mo ako, pipigilan mo ako... hahabulin mo ako" kita ko sa mata niya yung inis at galit sa sinabi ko.


"Ibinigay ko lang kung ano gusto mo" malamig na sabi niya. "Hahabulin? I'll never settle for less sophy" Agad ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya. Ang sakit, parang sinampal ng libo-libong karayom yung puso ko.


"We're almost 3 years in a relationship tapos sasabihin mo sa akin, you never settle for less?" tinignan ko siya sa mata hindi alintana ang sunod-sunod na pagpatak ng luha.

I'm your Prologue, but not your Epilogue Where stories live. Discover now