We were the happiest couple that time. We spent 6 years of our lives together, enjoying every moment, every hour and day. Sabi nga nila, kami raw ay isa sa mga best couple na na-meet nila.
I am so sure that I'll spend the rest of my life with him. Pero sabi nga, "pano kung pinagtagpo lang kayo pero di itinadhana?" ang lupeeet mo naman sakin universe nuh?!. 6 years?!!!!! 6 years kami together tapos di pala siya yung para sa akin? Tangina?! Nagsayang kami ng anim na taon tapos di pala kami yung para sa isa't-isa bandang huli?
Ranz Vincent Hernandez. It is a dream come true nung niligawan niya ako. Yung mapapasabi ka na lang ng "Lord, anong nagawa kong tama sa buhay, bakit binigyan mo ko ng isang lalaking tulad niya?" Isa siyang masipag, mabait, magalang, lahat na ata na sa kanya pero syempre nung time na yun wala pa... di niya pa ako nakukuha eh. HAHHAHA. Kailangan din natin magpakipot nuh?! Kahit na crush na crush ko siya that time. Lowkey lang dapat.
At kahit nung time na sinagot ko na siya hindi pa rin siya nagbabago. Parang nanliligaw pa rin siya sakin. He always ask me if I'm okay? Syempre di mawawala dyan yung tanong na kumain ka na ba? Susundan ng 'wag ka magpapagutom ah? Palaging may Good morning at Good night. Sinisigurado niyang may time siya palagi sakin. Kahit nung time na busy na kaming dalawa sa Acads, gagawa siya ng paraan para magkatime kami. Madalas sabay na naming ginagawa yung projects namin para magkasama kami kahit di masyadong nag-uusap atleast nakikita namin ang isa't-isa. Sabay na din kaming nagrereview. Re-reviewhin ko siya tapos rereviewhin niya din ako. O di ba?! Landi responsibly kami. Goal kaya namin masama sa Honor rolls.
Dumating yung 1st anniversary namin, sinurprise niya ako sa bahay. Maraming balloons then flowers and candles. Siya din yung nagluto ng dinner namin. Isa yun sa gusto ko maranasan at ang saya ko nung nag-effort siyang gawin yun para sakin. Dumating din yung 2nd anniversary namin at ang regalo namin sa isa't-isa ay graduation namin. One of our achievements. Sabay kaming grumaduate ng SHS at sabay kaming papasok sa college. Magkaiba nga lang kami ng course, kinuha niya med, ako naman Accountancy. Sabay naming tatahakin ang panibagong yugto ng buhay, walang balak bumitaw. Plinano na namin lahat, pagkagraduate ko, hihintayin ko siya matapos sa pagdo-doctor niya, kapag okay na lahat... stable na kami parehas. May pera na kami pang pagawa ng bahay, magpapakasal na kaming dalawa.
Syempre pagdating sa college mas maraming struggles ang kakaharapin naming dalawa. Kung busy na kami nung senior high mas busy na sa college. Nagkikita na lang ata kami tuwing weekends. Minsan hindi pa. pero kapag maluwag yung sched namin pareho. Nagdi-date kaming dalawa, para kaming bumabalik sa pagiging high school HHHAHA. Yung mga normal na ginagawa ng magjowa. Holding hands, kakain sa labas, manonood ng sine.
One time, kakatapos lang ng finals. Nag-date kaming dalawa. Nanood kami ng sine. The hows of us yung movie. Pagkalabas namin ng sinehan tinatawanan niya lang ako kasi umiyak ako sa pelikula. Nakakaiyak naman kasi talaga.
" Bakit ka umiiyak? " tanong niya.
" eh nakakaiyak naman kasi. Tsaka sakit kaya nung mga lines" sabi ko tapos tatawanan niya lang ako pero pinupunasan niya yung luha ko.
"Di ko naman gagawin yun sayo. Di kita iiwan" sabi niya. Ang swerte ko talaga sa lalaking to.

YOU ARE READING
I'm your Prologue, but not your Epilogue
RomanceOne shot stories Mga istoryang hindi uso ang happy ending.