"Uyyyy!" He called me, lumingon ako at nakita ko siyang nakangiting kumakaway sa akin.
Gahd ang gwapo niyang ngumiti *_*
Crush ko na siya talaga *_*
"Oh, Hi ^_^"—ngiting bati ko sa kanya.
Kasama ko siyang nag praktis kahapon eh, final praktis kasi kahapon sa pagrampa at kung saan kami pupwesto pag contest na.
"Yes! May kasama na akong late :-D"—Alex
"Haha, oo nga eh. Tara pasok na tayo, mukhang nag-uumpisa na yung morning program." Mamaya pa kasi kami ng hapon rarampa eh.
"Tara sabay na tayo."—Alex
Yiiii sabay kaming papaasok. Kahit gustong gusto ko nang magwala dito, di pwede eh. Baka maturn-off hahaha. Sayang yung 1% chance ko sa kanya.
"Ihhh, kinakabahan na talaga ako haha!"—Alex
Hala! Kinaka-usap niya talaga ako. Akala ko kasi sasabay lang siya sa pag pasok eh.
"Ako nga din eh. Buti ka nga medyo may experience na, eh ako first time pa lang." Casual na sabi ko.
"Kaya mo yan, di lang naman ikaw yung first time mamaya eh. Madami din"—pag cocomfort ni Alex sa akin.
Nagtataka talaga ako kung bakit may chismis na kumakalat na masungit at pangit daw ugali ng isang 'to. Eh ang bait nga eh, 'di naman kami masyadong close pero kinocomfort niya ako.
Buti pa siya kinocomfort ako, eh yung bestfriend ko iniwan ako.
"Hooo! Thanks sa comfort, pero kinakabahan talaga ako eh. Hahaha pag nakalimutan ko yung lines ko tawa ka nalang -.-" pabiro kong sabi sa kanya
"HAHA sige, magtawanan nalang tayo. Palakasan ha?"—Alex
"Baliw!"
Natatawang sabi ko sa kanya. Ang playful din palang isang to, kala ko seryoso. Chismis din kasi na mayabang to eh.
"Sige, ma-uuna na ako. Hinihintay na kasi ako ng mga friends ko eh haha. Babye ^_^/"
Pagpapa-alam ko sa kanya. Nag txt na kasi sina Lucy na nandoon na daw sila sa harap.
"Sige punta na rin ako sa mga friends ko. Babye din :-)"
Ihhhhh!! Kinilig naman ako sa ngiti niya! Haha!!
Nang makalapit na ako sa mga bestfriends ko, sinabi ko naagad sa kanila yung nangyari kanina. Bestfriends ko yan kaya malamang lahat ng mga nangyayari sakin ay alam na nila.
"Yaaaaa!! Nakakakilig beeeessst!!" Pagtitili nila
Pagkatapos nun ay nag umpisa na kaming mag daldalan.
*fast forward*
Naka ayos na ako para mamaya.
Ang competition na ito ay popularity contest at mamaya eh rarampa lang kami kasi alam na namin kung sino ang mga nanalo at naka 3rd place pa ako at si Jace naman eh naka 2nd place. Tapos mamaya eh may speech kami na sasabihin tungkol sa kalikasan at iba pang related sa science. Kaya kinakabahan ako kasi baka makalimutan ko ang lines ko.
Nandito na kami sa backstage at naghihintay nalang kami para mag start na yung program.
"Are you all ready?" Tanong ng teacher na na asign mag assist sa amin.
Sari sari naman yung mga sagot nila at ako no comment lang hehehe.
Ihhh kasam ko kasi sila Jace eh. Jace yung tawag ko sakanya kasi puro alex nalang sila para ma iba naman ako hahaha.
"Tara guys wala pa naman si ma'am eh. Takas na tayo." Sabi ng friend ni Jace.
Tumawa naman ako kasi akala ko joke lang.
Kanina pa kasi sila nag rereklamo na na-iihi na daw sila sa kaba at hindi daw nila kabisado yung lines nila.
Nashock naman ako nung kina-usap ako ni Jace.
"Sama ka samin??" Nashock talaga ako kasi akala ko joke lng nila yun kaso seseryosohin pala nila.
Hindi naman ako maka tanggi, sayang naman yung chance na makilala ko siya pero baka pagalitan ako ng parents ko kasi magsusumbong talaga yung baklang pinadala nila para mag ayos sakin kanina.
At baka ma grounded pa ako.
Kaya nag decide na ako, sana lang di ko to pagsisisihan T^T.
BINABASA MO ANG
Chasing the Playboy
De TodoA simple yet boyish girl fell inlove with a playboy. One of the most popular teenager in their school, as well as with other schools. She's doing everything in her power just to get the boy's attention. Her feelings grew stronger and stronger each d...