Sa mundong ating ginagalawan, araw-araw ay may na mamamatay at may isinisilang upang magampanan ang kanilang misyon sa ating mundo. Mahirap intindihin at mahirap ipaliwanag, ngunit ito ang realidad ng buhay. May mga bagay at pangyayari na hindi natin inaasahan, at mangyayari na lamang ito ng bigla-bigla at wala kang kaalam-alam na ikaw na pala ang magiging biktima tungo sa iyong kamatayan.
Narito ang aking istorya patungkol sa aking karanasan sa isang patay na nais ako’y isama sa kaniyang hukay.
Malapit sa aming bahay ay may bakanteng lote na matagal ng walang naninirahan. Nagbibitak-bitak na ang lupa, matataas ang mga halaman, matataas ang mga puno at maraming dahong tuyot na nagkalat galing sa mga matatandang puno doon. At sa bakanteng loteng iyon ay may isang bahay na pinaniniwalaan na binabahayan na ito ng mga multo. Nung una hndi ko na pinapansin ang tungkol sa bagay na iyon sapagkat ayokong maniwala ng walang patunay o hindi man lang nakikita ng dalawang mata ko.
Isang gabi pinuntahan ako ng aming kapit-bahay na si ate Elena upang pagbantayin niya ako ng kanyang anak dahil pupunta siya sa palengke upang bumili ng gatas.
“Rose, pwede bang ikaw na muna ang magbantay ng aking anak?” wika ni ate Elena.
“Oh sige po, punta na lamang po ako sa inyong bahay. Susunod na lamang po ako, at iilock ko lang po ang pinto. ” ang sabi ko sa kanya.
“Ikaw ang bahala, basta pakibantayan na lamang ang aking anak.” Wika niya.
“Opo!” ang ganti ko.
“oh siya, aalis na ko at baka magsarado na ang bilihan!” sabi ni ate Elena.
“Sige po, mag-iingat po kayo!” paalam ko sa kanya.
Pumunta na ako sa bahay ni ate Elena, at laking gulat ko na lamang na mayroong dalagitang babae na nagbabantay sa bata at pinapatahimik niya ito. At sa pagkakasuri ko nasa labing walong taong gulang pa lamang ito, may taas na 5’2 at matanda sa akin ng isang taon, Ngunit hindi nagkakalayo aming edad. siya ay nakaputi na tila isang normal na pananamit ng isang tao at hanggang bewang ang haba ng kanyang buhok.
“ahmm.. hello! Pasensya kana at pumasok ako agad, ang akala ko kasi walang tao.” ang sabi ko sa babae.
“Ok lang!” wika ng babae.
“Ahmm.. kaano-ano mo si ate Elena? Sa pagkakaalam ko kasi wala siyang kasama dito maliban sa kanyang anak.” Tanong ko sa babae.
“Wala kaming kaugnayan na dalawa. Pumunta lamang ako dito dahil naririnig ko na umiiyak ang bata.” Ang walang emosyon at malumanay na pagkasabi ng babae.
“Ah, ganun ba! Kala ko kasi kamag-anak ka niya. Anyway salamat nga pala.” Ang sabi ko sa babae.
“Walang anuman! Nga pala ako si Loraine, ikaw?” Walang emosyon na tanong niya sa akin.
“Rose ang pangalan ko, saan ka ba nakatira? Tanong sa kanya.
Itinuro niya ang bahay sa bakanteng lote.
“Doon ako nakatira. Sige una na ko, baka hinahanap na ako eh.” Tinuro niya ang bahay sa bakanteng lote na malumanay niyang sabi.
“Sige! Ingat ka! Salamat.” Paalam ko sa babae.
Ang bilis na nawala ang babae. Ngunit nakakapagtaka kung bakit niya sinabi na doon siya nakatira, dahil sa pagkakaalam ko wala pang naninirahan doon, matagal na ang nakakalipas. Dahil sa ayaw ko ng mag-isip ng kung ano-ano, inakala ko na lamang na baka may nakatira na doon.
Nakauwi na si ate Elena galing palengke.
“Rose, kamusta naman ang anak ko? pasaway ba sayo? Umiiyak ba?” Pagod na tanong sa akin ni ate Elena.