After 2 weeks...
AUSTIN'S POV
Naging normal ang dalawang linggo namin na may relationship. Febrauary na at naging mabagal ang mga araw ko dahil nag leave si Celine sa school ng isang linggo...
FLASHBACK (Bago umalis si Celine)
"BF kailangan ko munang umalis ng 1 week." paalam nito sakin.
"Ha? Bakit naman? May emergency ba?"
"Importante lang talaga. Pero promise, palagi kitang tatawagan."
"Ang daya mo naman, one week pa nga lang na tayo... Iiwan mo ako kaagad."
"Ang OA ah! One week lang naman."
"Kailan ba ang alis mo GF?" tanong ko.
"Tonight." nalungkot nitong sagot.
"Bakit ba palagi mong kailanggang umalis? Napapansin ko na palagi ka nalang nagle-leave."
Hindi ko alam pero naging seryoso at parang napaisip sya sa sinabi ko. May mali ba?
"At palagi nalang na pumupunta yung parents mo dito para sa requests para payagan kang kumuha ng special exams dahil minsan one month ka kung umalis."
Hindi parin itong kumikibo sakin.
"Alam kong di pa kita lubusang kilala Celine. Oo, alam ko na ang ugali mo at ibang mga bagay na makapagpapasaya sayo pero ramdam ko din nanaman na marami kapang lihim."
Hindi ito kaagad mapasagot. Napatungo lamang ito ng saglit at tumingin deretsyo sa mga mata ko.
"Austin..." parang paiyak na ito at mukhang pinipigilan lamang niya ang kanyang mga luha.
"CELINE?! OKAY KA LANG?"
Nagpanic na ako dahil naglaglagan na nga yung mga luha nya. Sa bawat hikbi nya ay halatang pinipigilan nya ang mga luha nya. Nag-nodd naman ito bilang tugon sa tanong ko kung okay lang sya.Niyakap ko sya dahil hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak. Ako ba ang may kasalanan?! Punyeta. Ang sakit naman kasing makita kapag itong si Celine ang umiiyak. Parang anytime pati ako ay madamay na.
"Sorry." ang tanging nasabi nya dahil sa pilit padin nyang pagpigil sa kanyang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
SECRETLY BEAUTIFUL (Completed) [Editing]
FanfictionMasakit isipin na hindi ka pala gusto ng taong mahal mo. Bakit nga ba kung sino pa yung mahal mo yun pa ang taong hindi ka mahal pabalik? Ang hirap talaga pagdating sa ganyang bagay aasa ka kahit alam mong wala naman talagang pag-asa. Iaasume mo na...