Chapter 1: Life Starts

31.5K 525 23
                                    

CELINE'S POV

Katulad nyo naghahangad din ako ng isang taong magmamahal sakin ng totoo.

Hindi ako hinangad na magustuhan ng mga lalaking kagandahang panlabas lang ang pinagbabasihan kung mamahalin ba nya o hindi ang isang tao. Does that even make any sense?

Ayoko talaga sa mga lalaking physical appearance lang yung reason kung bakit liligawan ang isang babae, tipong nakakita lang ng nakakaangat na ganda ay lalapitan na at tatanungin na "Pwede bang manligaw?" Napapailing na lamang ako, hanggang ngayon ba ay ganyan parin ang takbo ng utak mo? Natutuwa ka pa rin ba kung may lalaking ganyan magpakilala?

Dont be flattered girl, he doesnt even knoe the rest of you! Well, its your life so deal with it either way.

Isa akong student sa Amethyst High at kasalukuyang nasa Junior highschool level this year. Simple ang takbo ng buhay ko sa bansang ito kaya hindi ko talaga natataggap ang tamang level ng respeto na nararapat sa isang estudyante.

Kilala ako dito bilang isang, weirdo na pinipilit maging magaling sa klase o nerd kung tawagin nila kahit hindi ako ganun ka tutok sa pagaaral. Siguradong base lamang yun sa nerd glasses na ginagamit ko para sa pagtatago ng totoong katauhan ko.

Hindi ko man inaasahan ay may mga taong hindi mapanghusga at itinuring akong matalik na kaibigan. Inaamin ko na nakakatouch talaga ang totoong pagkakaibigan namin ni Yanna Czarine, ang original na nerd na sobrang focus sa studies at kilala sya sa school dahil sa kagandahan niya. Beauty and brains kung tawagin ng mga schoolmates namin.

Paano ako nakakasigurado na totoong kaibigan sya?

We were bullied, judged and hurted by random hateful students in this campus but then again she stood up with me, stayed and endure the hurtful effects of being my bestfriend.

"Oh Celine." sabay abot ni Yanna ng ice cream.

"Thank you Yanz!"

Normal day, ice cream for break time. Nakaupo kami sa bleachers sa may garden ng campus at tahimik dito kasi ito ang usual na tambayan ng mga tahimik at grade concious na mga estudyante ng Amethyst high habang nagkakagulo ang ibang estudyante sa canteen area.

Cool kids calls this place as the 'Nerd Zone'. Lumingon ka sa paligid at busy ang lahat sa pagbabasa ng mga libro at mahihinang conversations. Peaceful but youre still receive judgements by others. Ganyan katindi ang bullying sa henerasyon na ito at wala pang nakakasolve ng problema na ito, lalo pa ngayon na mas malawak at malayang makakapagpahayag lahat ng mga opinyon dahil sa social networking sites.

Hindi ko rin alam kung saan ba ako humuhugot ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang simpleng buhay na ito kahit kaya ko namang ipagpatuloy ang pagsikat ko sa Korea.

Nilingon ko si Yanna at kita ko sa mga mata nyang masaya itong kasama ako na ikinatutuwa ko simula ng nakilala ko sya. Siguro ay sa mga ganitong klaseng tao ko hinuhugot ang lakas para ipagpatuloy ang pamumuhay ng ganito dahil napaka worth it na makilala sila at makasama.

"Si ano-" bulong sakin ni Yanna na lampas ang tingin sakin.


"Sino?"



Curiousity strikes, napalingon ko ang tinitignan ni Yanna.

Bakit yan nadito? Halos magkasalubong ang mga kilay ko kasi isang popular student ang nakita ko, si John Austin Gonzales. Usually known as the most talk about male student hindi lamang dito sa Amethyst High kung hindi sa ibat ibang campuses sa region namin which makes every girl in our campus so overwhelmed, except me.

SECRETLY BEAUTIFUL (Completed) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon