AUTHOR’S POV
Magpapakita na si Celine sa Bestfriend nya. Nag-bihis sya para sunduin si Yanna. Balak nyang mag-mall kasama ito para makabawi sa ilang lingo niyang pag-alis.
“Babawi naman ako kahit papano kay Yanz I just feel so bad and I miss her.” Saad pa ni Celine sa sarili.
Nagdala sya ng sunglasses para hindi sya makilala ng mga tao sa school. Tinawagan naman nya kaagad si Yanna para sabihin na wag munang aalis sa school.
“Yanz, magkita tayo sa tapat ng school. Sunduin na kita.”
“Ha? Nadito kana?!”
“Just wait for me sa school entrance.”
Dali dali syang tumakbo pababa, Masaya sya dahil makikita nya uli si Yanna.
“Kuya Gab, alis muna ako.” Paalam ni Celine.
Hinayaan nalang si Gab ang kapatid. Na-guilty kasi sya sa ginawa nya kanina.Pinayagan din nya itong hiramin ang isa sa mga sasakyan nya. (Click External Link for a preview of Gabriel's car)
CELINE’S POV
I can't wait to see her. Si Yanna lang kasi ang kaisa-isahan kong bestfriend/close friend na babae kaya she’s so important for me.
^_______________^
Nadito na ako sa tapat ng school. Baka hindi nya ako makita kaya lumabas ako ng sasakyan. Pinag-tinginan ako ng mga schoolmates ko. Good thing naka-shades ako at iba yung get up ko, nakaextentions din ang buhok ko at curly kaya super sure ako na hindi nila ako makikilala. :D
Nagbubulungan sila at nakatingin sakin. OA ang mga reaction nila. :D
“Sino yung naka-shorts na bumaba ng car? Ang cool nya ha. Sana dito nalang sya pumapasok.”
“Grabe, ang astig nung babae.”
My life here is so much better kung hindi Celine ang katauhan ko. :D
BINABASA MO ANG
SECRETLY BEAUTIFUL (Completed) [Editing]
FanfictionMasakit isipin na hindi ka pala gusto ng taong mahal mo. Bakit nga ba kung sino pa yung mahal mo yun pa ang taong hindi ka mahal pabalik? Ang hirap talaga pagdating sa ganyang bagay aasa ka kahit alam mong wala naman talagang pag-asa. Iaasume mo na...