HG - PROLOGUE

116 10 0
                                    

~ Dedicated sa super idol ko na author, miss Alesana (Alesana_Marie) ♥ Read the author's note after reading :) Thanks guys! Enjoy reading! ~

** Hello, Girlfriend! **

HG - PROLOGUE


"Pumayag ka na kasi.."

Pangungulit niya pa sa akin. At kahit na nakatalikod ako sakanya, alam kong naka-pout pa siya. Mas binilisan ko yung lakad ko para hindi niya na ako kulitin pa.

"Sige na oh.."

"Pleeease!"

"Huy, ano ba! Dali na!"

Aaaack. Kaasar! Buti na lang, at kakaunti lang yung tao dito sa labas ng library. Huminga muna ako ng malalim at humarap sa kanya. Pero, sa kamalas-malasan eh nauntog ako sa 'oh-so-broady-broady-chest' niya. Aww, sakit nun ah? --3--

Tumingin este tumingala ako sa kanya. Bakit ang tangkad niya? 6'2? Ewan.

"A-ano ba? Pwede ba, layuan mo na ako? Ayaw ko sabi pumayag eh!"

Pagtataray ko sa kanya. From pout bigla siyang nag-smirk. Uh-oh. He's being a monster himself again.

"Ayaw mo talaga?"

Nung una, nagulat pa ako. Yung boses kasi niya parang may binabalak siya, isama niyo pa yung nakakakilabot niyang smirk. Shivers! Shivers! Pero, ayaw ko talaga eh. Ayaw ko talaga. Papanindigan ko na to.

"A-YA-W KO"

Oha. Taas kilay pa yan.

"Okay," ngumiti siya tsaka tumalikod. "Dahil ayaw mong pumayag.." sabi niya habang naglalakad at muli nanamang nagsalita, "Asahan mo na lang na matatanggal 'yang scholarship mo this week."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tumagaktak yung malalamig na pawis na nagmula sa noo ko. At.. bakit pati kili-kili ko pinagpapawisan? (O.O)

Unconsciously, tumatakbo na pala ako papunta sa kanya nung makita kong lumalayo na siya sakin. Hinawakan ko yung braso niya kaya napaharap siya sa akin.

"BLACKMAILER!"

Nanlaki yung mata niya na parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko yun. Ako din naman eh, nagulat din. Hehe! Nung naka-recover na siya sa pagkagulat. Nagsalita na siya.

"Blackmailer agad?"

Nag-pout pa siya ha! Tumango na lang ako bilang sagot.

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Sa gwapo kong 'to, tapos blackmailer lang? Aba, hindi yata makatarungan yun!" (~~,)

Ang hangin niya. Psh! Inirapan ko lang siya.

"Tss. Sungit!"

"Kasi naman eh! Ano b-bang pinagsasabi mo na aasahan ko ng mawawala yung s-scholarship ko?"

Padabog at medyo pautal-utal pang tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo pumayag sa deal eh. Madali lang naman kasi yung deal natin. Two months lang naman eh. Dali na, payag ka na! Masyado akong gwapo para tanggihan mo yung alok ko.. Hayaan mo, papasalamatan mo din naman ako eh!" Kumindat siya tsaka huminga siya ng malalim tapos nagsalita na ulit siya, "Pero kung hindi ka talaga papayag.." *smirk* Yung boses niya, may halong pagbabanta, "Bye bye, scholarship! Hahaha!"

Blackmailer, dreamwrecker, pssssh! Nakakainis! Nakakaasar! At. Ang hangin niya pa! Para siyang tinubuan ng isang dosenang electricfan sa katawan! Nakaka-- okay andami na yatang 'nakaka' na nakalagay dito eh!

Hello, Girlfriend! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon