HG -Chapter 03: First day of being his 'fake girlfriend' (Part I)

104 5 0
                                    

Sheen's NOTE: Huhu. Late UD. Pagtyagaan nyo po sana. Dedicated kay besfrend Krizelle n super supportive! HAHA!

Comment, Vote and Feedbacks naman jan! Wala namang mawawala eh! =)) Enjoy reading~!

~~ ** ~~ ** ~~ ** ~~

HG - Chapter 03: First day of being his 'fake girlfriend' (Part I)

"VENICE!"

"ATE!"

*Claaaang*

"Ay joke!"

*blag*

Bigla akong nahulog sa kama dahil sa gulat. Pag mulat ko, si Mama may hawak na kaldero ganun din si France na naka-uniform na at nagtatawanan pa silang dalawa. Tama bang ikalampag nila yung kaldero sa harap ng tenga ko? Hindi kaya mabingi ako nito?! Huhu! Sa sobrang gulat ko tuloy nahulog pa ako sa kama, at nauna pa ang pwet ko. Huhuhu!

"Aray! Yung pwet ko, ang sakit!" reklamo ko. Uy, baka sampung araw ako hindi maka-tae neto ah! Sobrang sakit kasi ng pagkakahulog ko! "Pati na rin ng tenga ku!"

"Ang hirap mo kasi gisingin Ate eh.." sabi pa ni France with matching ngisi pa.

"Oo nga Anak, sabi ko kay France na gisingin ka na.. ayaw mo daw gumising kaya gumawa kami ng paraan at eto ang una naming naisip.. TAADAAA!"

*Claaaang!*

Nag-appear sila gamit ang kaldero na hawak nila. Nag-echo yung tunog nun sa kwarto ko!

"Aww, ang sakit sa tenga. Tama na.. gigising na po.."

Nanghihina akong tumayo. Nung napadaan ako kay France, binatukan ko siya. Kainis kasi.. siguro siya nanaman nakaisip nito. At si Mama, sunud-sunuran sa kalokohan nitong si France. Nagtawanan lang silang dalawa. Bago ako makapasok sa loob ng CR.

"Bilisan mo Ate.. Hinihintay ka ni Terrence sa baba!"

"ANO?"

"Si Terrence. Si Terrence de Guzman, inaantay ka sa baba! Bilisan mo na dyan!"

"A-anong ginagawa niya sa baba?" gulat na tanong ko.

"Sabay na daw kayo pumasok!"

"AYIIIIIEE~!"

>/////<

"W-wag nga kayo!"

Pumasok agad ako sa CR at ginawa na ang dapat kong gawin. Binilisan ko ng maligo, kamuntikan ko na nga makalimutan mag-shampoo eh! Nung natapos na akong maligo, nagbihis na agad ako. Ang shunga ko kasi! Bakit ko ba nakalimutan na susunduin nya nga pala ako ngayon?!

FACE PALM! (__ __ )

Nung natapos ko ng gawin lahat ng 'morning-rituals' ko, humarap ulit ako sa salamin. Parang may kulang! Ay oo! Dali-dali akong pumunta sa bedside table ko at kinuha yung eyeglasses ko, kaya pala nanlalabo yung paningin ko kasi wala ako nito! *shakes head*

Humarap ulit ako sa salamin.

'WAAAAH! Ang pangit ko talaga!'

Ang grabe ng buhok ko, parang alambre! Kinuha ko yung suklay ko at nagsuklay ng buhok. Ang tigaaas! Kulang na lang mabali yung suklay ko! Huhu! Tumingin ulit ako sa salamin. Okay na ba? Ay bahala na nga! Last na 'to! Hinalughog ko yung drawer ko, may hinahanap kasi ako! Sana nandito pa yun!

Dito ko lang yun nilagay eh!

Teka...

AYUN!

Hehe! Nandito na!

"VENIIIICE~! Anak, bilisan mo na! May nag-aantay sa'yo ha!"

"O-opo Ma!"

Sa sobrang taranta ko, nahulog tuloy yung hawak kong perfume. Buti na lang hindi nabasag or nabuhos. Nag-perfume ako ng konti, strawberry yung amoy niya. Hehe. Sana naman ma-appreciate 'to ni ---

Hello, Girlfriend! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon