HG - Chapter 03.5: First day of being his 'fake' girlfriend (Part 2)

51 3 1
                                    

Super late UD!  Sorry naman, nanunuyo po ang utak ko eh :( Dedicated kay Kyla, classmate ko. Haha! Tinulungan nya kasi mag-isip ng pangalan dun sa isang story ko. Haha~! So eto na po. Ops, last na! Treigh Miranda po sa side ♥ Hahah! Ganda noh?

Vote and Comment, okie? Haha!! Enjoy reading!


~~**~~**~~**~~**~~**

HG - Chapter 03.5: First day of being his 'fake' girlfriend (Part 2)  

** Venice's POV **  

Sumunod kami kay Rence kung saan daw nakapwesto yung table nila. Ganito sila, masyadong 'importante' sa school! May GROUP TABLE! Unfair nga eh. Hmp!  

"Oh, bakit ba kayo napalabas?" panimula ni Rence nung makaupo na kami. Magkatabi kaming dalawa tapos si Treigh at si Billy naman ang magkatabi. Si Rence po ang nag-isip ng sitting arrangement =__=  

"Kasi--"  

"EW! Ano ba! Lumayo ka nga sakin!" napatingin kami agad kay Treigh nung bigla siyang sumigaw.  

Sinisigawan nya si Billy na ngayon ay kumakain ng pasta tapos nakaharap pa siya kay Treigh. Kilala ko siya kasi, tulad ni Rence, sikat din siya. Gwapo, mayaman at Basketball player.  

"Ang OA mo naman! Porket wala ng natirang pasta, ganyan ka na?!" sabi pa ni Billy na parang nasaktan kasi humawak pa siya sa dibdib niya, "Gusto mo share na lang tayo oh? Subuan kita?" ^___^~ Tumataas baba pa ang kilay niya at umaakto na parang susubuan niya nga talaga si Treigh.  

Inirapan naman siya ni bestfriend tapos nagdadabog na tumalikod kay Billy.  

Whoah! Anong meron?! ^O^v  

Nagkatinginan kami ni Rence at sabay pa kaming ngumiti ng may kahulugan na parang sinasabi na, 'alams-na!'  

 

"Hahaha!" out of nowhere bigla kaming nag nag-high five at sabay ulit kaming nagsalita ng.. "Bagay!" kaya mas lumakas ang tawanan namin. Parang tanga!  

"YUCK!" sabi pa ni Treigh.  

Si Billy naman naka-smirk lang.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello, Girlfriend! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon