Test III

16 6 2
                                    

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga ginagawa mo?"

Napatingin ako sa likod at nakita ko si Mina.

"Mina anong ginagawa mo dito?" mahinahon kong tanong sa kanya.

"Wag ka na ngang magpanggap! Alam ko kung bakit matataas na ang mga marka mo nagkokodigo ka!"

"Ano bang sinasabi mo Mina? Hindi ko ginagawa iyan talagang nag-aral lang ako ng mabuti. At bakit ka ba nagagalit dahil ba nalalamangan na kita?"

"Hindi at wag mo ako gawing tanga Theresa nakita kita at sasabihin ko ang totoo", at tinalikuran niya ako.

"HINDI!"

Hinila ko ang buhok niya at napasigaw naman siya sakit.

"Wala! Wala kang pagsasabihan", mahina kong bulong sa kanya.

"Ano ba bitawan mo nga ako", pinilit niyang tanggalin ang mga kamay ko na nakahawak sa buhok niya pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.

"Bitawan mo ako! Isusumbong kita!"

"Sinabi kong wala kang pagsasabihan!" inis kong sabi sa kanya at dahil sa labis na inis dalawang kamay ko na ang nakahawak sa kanya.

"A-aray!" impit niyang sigaw at sinabunutan niya rin ako at dahil nasasaktan na rin ako itinulak ko siya at sapol na sapol ang kanyang ulo sa isang bato, may kalakasan ang pagkatulak ko kaya agad nagdugo ang ulo niya.

"Sinabi nang manahimik ka ayan tuloy. Kung hindi ka lang sana nakialam."

Napairap na lang ako nakahandusay niyang katawan. Kumuha ako ng isang matulis na bato at agad sinugatan ang sarili, mahapdi man pero kailangan kong gawin ito. Inilibing ko ang matulis na bato sa masukal na parte ng garden at pagkatapos ay tumakbo na ako.

"M-maam. Y-yung lalaki. Si Mina po. Si Mina," hagulgol kong sabi sa Teacher namin. Nagulat naman siya nang makita niya ang mga sugat ko sa katawan.

"A-anong nangyari sayo?" namumutla niyang tanong sa akin.

"Si Mina. S-sa garden. May lalaki at-" hindi ko na tinapos ang dapat kong sabihin at umiyak na lamang.

"Puntahan niyo na agad ang garden susunod ako, and tumawag na kayo ng first aid!", natatarantang sabi ni Teacher at umalis agad.

Pinahid ko ang luha ko at napangisi na lang. Walang dapat makaalam nito. Wala. Hindi mo rin naman ako isusumbong diba?
































Mamatay ka man?

WAKAS

MAMATAY KA MAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon