Test I

20 5 0
                                    

"Okay class maaari na kayong magsimula," sabi ng aming guro.

Napatingin agad ako sa test paper ko. Sa unang bilang pa lang sumasakit na ang ulo ko. Nag-aral naman ako kagabi pero bakit ganito? Wala parin akong maisagot. Napatingin ako sa katabi ko na si Mina at nagulat ako dahil nakakalahati na siya.

"Psst Mina, pakopyahin mo naman ako oh kahit number 1 lang", bulong ko sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy sa pagsagot. Ang damot naman neto. Sumasakit man ang ulo sa lahat ng mga tanong pilit ko paring sinagutan ang lahat. Bahala na.



『 14/50 』



"Hindi ka ba nag-aaral ha! Nakakahiya ka! Lahat ng mga kapatid mo nakagraduate na pero ikaw? Ilang taon kanang paulit-ulit sa fourth year!"

"Papa pangako gagraduate na ako at makakakuha ako ng mataas na marka sa susunod na exam", pahikbi kong sabi sakanya.

"Iyan! Palagi mo na lang sinasabi iyan pero wala! Diyan ka na nga." Napaupo na lang ako sa higaan ko at hinayaang kumawala ang maraming luha. Promise papa tataas na ang marka ko. Promise.

MAMATAY KA MAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon