(Deanna's pov)
(Galanza's dragon fruit farm)
Nag simula na ulit kami mag trabaho ni tots. Diniligan namin, nilinis at pinitas ang mga nabubulok na dahon.Ilang minuto pa ang lumipas, ay natapos na namin ang harapan ng farm. Si tatay naman, ay tinitignan kung tama ba ang ginagawa namin.
Dean: oh, magaling! Pahinga muna, tapos, tapusin niyo na ang 1 buong lote.
Tumango lang kami ni tots. Nag lakad naman kami ni tots papunta sa ilalim ng puno ng mangga. Umupo naman kami doon, at uminom ng tubig.
Nag kwekwentuhan lang kami ni tots, habang nag papahinga.
Dean: balik na sa trabaho!
Agad naman kaming tumayo ni tots, at bumalik na muli sa pag tratrabaho.
(Lumipas ang ilang oras)
Deanna: phew! Tapos na natin!
Agad kaming napaupo ni tots sa pagod at init.
Dean: oh, tapos na ang trabaho niyo. Bukas ulit, ah? Uuwi na ako anak, umuwi ka bago mag hapunan, ah?
Deanna: opo tay! Ingat po.Nag lakad naman na palayo si tatay.
Tots: init tol! Tara sa ilog? Ligo tayo!
Ngumiti naman ako ng nakakaloko. May balak ako, haha.
Tots: hoy! Anong ngiti yan?!
Deanna: sige! Ligo tayo! Ayain natin si ced!
Tots: ay, tol! Walang ganyanan!
Deanna: fine, fine, fine! Palit na lang tayo sa sports bra natin. Kita na lang tayo sa ilog jan, yung malapit sa bahay.Tumango lang ito, at nag lakad na palayo. Agad naman akong umuwi ng bahay.
(Bahay)
Pumasok ako sa bahay. Bumungad sa akin si maam jema na nag babasa ng libro.Deanan: maam! Di po ba kayo mag papahinga?
Umiling lang ito, at ipinag patuloy ang pag babasa.
(Kwarto ko)
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Nakita kong tulog na si maam mafe.Dali dali ko na lamang kinuha ang sports bra ko at sinuot ito. Sinuot ko muli ang shirt, na suot ko kanina sa farm.
Lumabas na ako ng kwarto ko, at nandoon pa din si maam jema na kitang kita ang inip sa mukha.
Deanna: maam!
Napalingon ito sa akin.
Deanna: baka gusto niyo pong sumama sa akin jan sa ilog. Halata po kasing inip na kayo.
Tumango lang ito at tumayo. Nag lakad ito papalapit sa akin.
Jema: lead the way.
Malamig niyang sabi. Ang ganda sana ng boses eh, ang lamig lang.
Nag lakad naman na ako. Mahirap ang daan papunta sa ilog, maputek at makitid.
Deanna: maam. Kaya niyo po bang mag lakad sa maputek at makitid na daan?
Umiling lang ito. Nag squat naman ako, senyas na kung gusto niya, ay ipapasan ko na lamang siya.
Jema: what?
Deanna: ipapasan ko po kayo maam, madulas po ang daan papunta sa ilog.Ngumiti naman ako sa kanya.
Jema: no. I can manage myself.
Deanna: mauna na po kayo maam. Aalalayan ko po kayo.Tumango lang ito, at nag simula na mag lakad. Pagewang gewang itong mag lakad. Muntikan na ngang mahulog, mabuti na lang at nahawakan ko siya sa kamay.
Deanna: maam, sumakay na lang po kayo sa likod ko. Mahihirapan po kayo.
Tinignan niya lang ako at tiyaka tumango. Sumakay ito sa likod ko.
Deanna: hawak po kayo sa leeg ko maam.
Sinunod niya naman ito. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang kanyang mga binti. Nag simula na ako mag lakad papunta sa ilog.
(Ilog)
Ibinaba ko naman si maam. Nakita kong wala pa dito si tots.Deanna: maam, umupo po muna kayo jan sa kubo.
Agad naman itong umupo sa kubo habang tinitignan ako.
Deanna: gusto niyo po ba maligo?
Umiling lang ito.
Deanna: ahh, ok po maam. Maliligo po muna ako, ah?
(Jema's pov)
Deanna: ahh, ok po maam. Maliligo po muna ako, ah?
Tumango lang ako. Nag slow mo ang paligid ko, ng unti unti niyang tanggalin ang shirt niya sa harap ko. Naka sports bra na lamang ito. May mga abs itong kitang kita. Maganda naman ang katawan, cute...ay mali! Wrong, wrong, wrong!
Nag babad na ito sa tubig. Linubog niya ang ulo niya, at nung iniahon niya ang ulo niya, ay muling nag slow mo ang paligid ko. The girl+the river+the sun ray=gorgeo...no, wrong! Jessica margarette! It's a big no!
———————————————————————————
Hi guys! Ingat tayo. Stay safe, be safe! Always wash your hands.Thank you po sa lahat ng support. Hehe.
BINABASA MO ANG
Spend 10,000 Hours With You (The Dragon Fruit Farm Love Story)
FanfictionAng istorya nina deanna wong at jema galanza kung saan inyong matutunghayan ang kakaibang istorya ng dalawa. Si deanna wong ay isang normal na tao lamang, may normal na buhay at sapat lamang ang kinikita habang si jema galanza ay anak ni jesse galan...