twenty-two - fight

1.4K 52 0
                                    

"Casey's pov"

Sobrang bilis ng pagdaan ng oras at ngayon ay uwian na namin, naglalakad na kaming magkakaibigan  papunta sa parking lot.

Pagdating namin dun ay na datnan namin ang babaeng tinakasan ko kaninang umaga.

Balak ko sanang magpahatid nalang sa kay jeca sa bahay para iwasan tong babaeng to, pero ano nanaman kaya ang idadahilan ko.

Nakasandal nanaman ito sa wood ng kotse niya, at busy sa cellphone, wala ng ginawa kung hindi ang mag cellphone tong babaeng to akala mo naman ang daming katext e.

Napansin naman niya siguro na may nakatingin sa kaniya kaya nag angat ito ng tingin samin.

"Hi babe" bati sa kaniya ni Vanessa na sinuklian niya naman ng isang tango.

Tong babaeng to lahat nalang ng nakikita nilalandi e -_- sarap lunurin sa kumukulong tubig...

Binati din siya nung iba ko pang kaibigan pero ang nagpataas ng kilay ko ay ko ang paraan ng pagbati sa kaniya ni moreen dahil may kasama pa itong halik sa gilid ng labi?

What the... ano to live landian lang ang peg, saka kailan pa naging malandi itong si moreen? Sa pagkaka alam ko ay yung dalawa lang ang malandi saming anim. -_●

Namumula pa itong lumayo kay caze na tinalo pa ang kamatis, napataas ang kilay ko sa inasal niya, tumingin naman ako kay caze na ngiting ngiting nakatingin din sa kay moreen.

May pangitingiti pa tong unggoy nato, mukhang gustong gusto pa yung ginawa ng kaibigan ko sa kaniya.

Yung apat naman ay parang wala lang silang nakita at nagdadaldalan nanaman hindi ko alam kung Sino nanaman ang pinagchichismisan nila.

Nang magawi ang tingin  sakin ni caze ay binigyan ko lang ito ng matinding irap saka hinila itong madaldal kung mga kaibigan.

"Let's go guys mag babar pa tayo" inis na sabi ko habang hinihila parin yung apat.

"Ano mag ba bar tayo sinong nag aya?" Takang tanong ni jeca na huminto at inayos ang nagusot na damit dahil sa paghila ko sa kaniya.

Wala naman talaga kaming balak na magbar ngayon pero dahilan ko lang yun para umiwas sa nakakabwisit na malanding caze nato.

"Ano hindi moba ako narinig gusto mo bang gumamit pa ako ng microphone?" Sarcastic na sabi ko dito.

Naiinis talaga ako promise, pagdipa talaga tumigil tong jecang to sa kakatanong niya ay sa kaniya kona talaga mabubunton tong inis ko promise...

"Girl kaila.......ajfjsjfigjfjgjfjf" Hindi na nito natuloy yung balak niyang sabihin dahil isinubo ko na sa kaniya yung tinapay na isusubo sana ni steff.

Para matigil nato sa kadaldalan  niya, nang tumingin naman ako kay steff ay hindi ko alam kung matatawa o maawa ako sa itsura niya ngayon, dahil para na itong maiiyak na bata habang nakasayad pa yung kamay niya sa ere na akala mo ay may isusubo kaso yun nga kinuha ko yung tinapay na isusubo niya sana kaya wala nang laman yung kamay niya.

"Ohh baby gusto mo? Eto oh parang maiiyak kana kase." Iniluwa ni jeca yung tinapay na nasa bibig niya at ini offer kay steff na parang maiiyak na talaga.

Ewwws kahit kailan talaga nakakadiri tong babaeng to. ~_-

"Ewwss your so disgusting jeca" nandidiri namang tanggi ni steff sa offer ng baliwng jeca nato.

Yung kaninang maiiyak ng itsura ni steff ay napalitan ng nandidiring mukha dahil sa ginawa ni jeca.

"Ok.thanks" kibit balikat na sagot lang ni jeca saka ibinalik sa bibig niya yung niluwa niyang tinapay....yukkk..

She's HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon