44- coming home

1.3K 39 1
                                    

"Cassy's pov"


"Babies, matulog na muna kayo at mahaba pa naman ang biyahe natin" pagpapatulog ko sa mga anak ko.

Nakasakay na kase kami ngayon sa eroplano pauwe sa pinas.

"No Mimi, I'm not sleepy, I'm so excited to see my didi e, diba you told us last night that we were going to meet didi at their place?" Nakapout na sagot ni Wenles sakin.

"Oo nga mimi, I'm so excited too!, is she beautiful too mimi, like you?" Nangingiting tanong naman ni cynddy.

Napangiti naman ako dahil sa kacutan nilang dalawa.

"Yeh, pero matagal pa ang biyahe kaya matulog na muna kayo ok" pilit ko sa kanila.

Maaga pa kase ay gising na tong dalawa, sila panga nanggising sa akin e, di naman halatang excited sila no,^_^

Balak kona kasing makipag usap kay Charles pagkauwe namin sa pinas para ipakilala sa kaniya ang mga anak namin.

Hindi naman ako madamot na tao. She have the right to meet her daughters kahit pa sabihin nating nanloko siya.

Maya Maya pa ay nakita kung nakatulog na yung kambal, kaya inayos ko ang pagkakahiga nila para hindi sila mangalay. Mahaba pa naman ang biyahe namin kaya natulog narin ako.

**********

"Mimi!, wake up!, didi's waiting for us" pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kambal kung nakatunghay sa akin na kapwa nakangiti ng wagas.

Napangiti naman ako dahil parang nakita ko sa mga mukha nila ang mukha ni Charles. Para talaga silang pinagbiyak na bunga.

Si wenles ay lips lang ang nakuha nito sakin, samantalang si cynddy naman ay nakuha sakin ang pagkahilig sa pagpapaganda. The rest kay Charles na talaga.

"Ok pack your bags para makababa na tayo" sabi ko sa kanila.

Mabilis naman silang sumunod sa utos ko at sinuot nila ang maliliit nilang bag na may picture ni marshmallow, yung tao na nakasuot ng maskarang marshmallow.

Paglabas namin ng eroplano ay sumalubong agad sa akin ang pamilyar na hangin. Nakakamiss din talagang umuwe sa sariling bansa natin.

Hawak ko silang dalawa sa dalawang kamay ko na bumababa kami ng eroplano saka hinanap ang kinaroroonan nina mommy dahil sila daw ang susundo samin.

Di din naman ako nahirapang hanapin sila, kumaway sila sa amin ng makita nila kami, lumapit kami sa kanila.

Nakasunod din naman yung dalawa naming katulong na may dala ng gamit naming iba.

Pagkalapit namin ay sinalubong agad ng mga magulang ko ang kambal saka pinugpog ng halik sa mukha. Tawa lang naman ng tawa yung dalawa.

Ang gaan nila sa pakiramdam na tingnan. Namiss nga nila talaga ang mga apo nila.

Tumikhim naman ako para makuha ang mga atensyon nila. Para kasing nakalimutan na nila ako e.

Napatawa naman silang dalawa na tumayo at niyakap din ako ng mahigpit. I miss my parent, Sino ba namang hindi sa apat na taong nasa America lang kami ay mga tatlong beses lang silang napadalaw duon dahil hindi naman nila maiwan iwan ang businesses nila dito.

Niyakap ko din sila ng mahigpit para ipadama sa kanila na sobrang namiss ko sila.

"Oh siya tama na at baka mag iyakan pa tayo dito, saka baka may makakilala pa sayo dito e dumugin tayo." Ani ni mommy saka inaya na kaming sumakay sa kotse.

Mabuti panga, baka kase makilala ako dito, ganito talaga pag sikat na model, saka dati rin akung artista dito sa pinas kaya mas lalong nag iingat ako. Alam ko may mga paparazzi ring nakabantay lagi sa bawat galaw ko.

She's HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon