Ako nga pala si Ylona Jade Navalle Garcia tawagin na lamang ninyo akong Ylona kasi mas kilala ako sa pangalan na yun.Nakatira ako sa side ng daddy ko kasi nasa America ang parents ko pareho kasi silang nasa medical field kaya mas natutuunan nila ang pasyente kesa sa akin . Pero naiintindihan ko naman na para din naman ito sa aking kinabukasan. Nag iisa lang kasi nila akong anak kaya parang mas gugustihin ko pang makasama sila.
Malapit na naman ang pasukan at sa manila ako pinag eenroll ng tita ko.Dahil lilipat na daw kami sa manila malapit sa relatives ng mami ko.Ylona gising na aalis na tayo mag impake kana ng gamit mo . Opo tita cge po.
Ylona Pov
Nakaimpake na ako ng biglang tumawag si mami sa akin.Tinanong lamang niya kunh nakapagimpake at nakaready na kami sa pag alis dahil mamaya daw dadating na ang sundo namin baka daw ma late kami sa flight to manila.Ok na ang lahat nakaayos na, mamimiss ko talaga ang bahay na ito , bahay na kinalakihan ko. Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto ko hanggang sa sala na lagi kong pinagtatambayan. Ang bahay na aming iiwan ay ipapamahala sa aming caretaker na si mang jose. Gagawin na lamang daw itong resthouse if ever na kami ay pumasyal muli sa bahay na ito.
Tit lheng Pov
Mang Jose aalis na po kami kayo na po ang bahala sa bahay . Tawagan na lamang ninyo ako kung ano pa ang kailangan upang maayos ang rest house . Tumugon naman si Mang Jose. Oh ano ok kana Ylona nandyan na ang sundo natin . Tara na at baka malate tayo sa flight natinNakasakay na kami ng sasakyan na susundo at maghhatid sa amin sa airport.Gising na Ylona nandito na tayo, nakatulog pala ako sa pagod ng byahe . Mang Ben pababa nalang po ng mga bagahe tugon ng aking tiyahin. Tita ok na po lahat nakababa na po . Maraming salamat mang ben ito po ang pang gas at pangkain ninyo bago kayo umuwi. Nagpasalamat naman si mang Ben sa binigay ni Tita lheng.
Oh ano ylona tara na pasok na tayo.Flashback
Nakasakay na kami ng eroplano ng tita ko, nakakapanibago kasi ngaun lang ako makakapunta ng manila since hindi naman kami sumasama ng tita ko sa manila dahil nag aaral pa nga ako at ayaw ng parents ko na magligalig ako sa pag aaral. 3rd year h.s na nga pala ako s pasukan.
Nakadating na kami ng manila ang ganda din pala ng lugar na ito may matataas na building nd katulad sa aming lugar.
Tita lheng Pov
Ylona nandito na tayo sa manila gumising kana jan. Inaantay na daw tayo ng sundo natin sa labas ng airport. Teka gutom kanaba ha pamangkin. Sige kakain muna tayo sa restaurant bago tayo umuwi sa bago natin titirhan
Ylona Pov
Nandito na pala kami sa manila. Gutom na ako buti nalang nagtanong si tita, kakain muna kami sa restaurant bago umuwi sa bago namin bahay. Iniisip ko tuloy panibagong pamumuhay na naman namin ni tita ito . Balita ko kasi masyadong malaki ang lugar na ito kesa sa amin kasi sa dami ng tao at building dito, sana naman hindi ako maligaw.Bahala na nga si batman.Nakadating na kami sa restaurant na aming kakainan. Ang ganda at mukang masarap ang pagkain dito. Oh ylona umorder kana ng gsto mo . Tita gusto ko po ng sinigang tutal parang mas prepare ko ang mga sinabawan. Ok sige . Matapos ang aming tanghalian tumungo na kami sa aming bahay,nang makarating kami, nakita ko na hindi ito gaanong kalakihan dahil sa tingin koy pang dalawahang tao lang talaga ito may sala at dalwang kwarto ang kusina naman ay halos katabi lang din ng kwarto ko. Oh ano Ylona nagustuhan mo ba ang bahay natin. Opo tita ok po sa akin ang bahay natin, mabuti naman kung ganun. Osige mqg ayos kana ng gamit mo sa kwarto mo at magphinga ka muna alam kong pagod ka sa byahe, ok sige po tita, ako na din bahala mag ayos dito sa bahay.
Ylona pov
Nandito na kami sa bahay na binili ng parents ko para sa amin ng tita ko. Ay naalala ko nga pala next week na ang pasukan. Kailangan ko na din palang bumili ng gamit ko sa school . Magpapasama nalang ako kay tita bukas tutal linggo naman bukas . At sa lunes pa ang pasukan.
Kinabukasan sinamahan ako ng tita ko mamili ng gamit ko. Ng may makita akong nakapaskil sa labas ng isang book store. Singing contest sa isang tv shows. Oh ylona ano yang tinitingnan mo jan, ayy wala po tita, patingin nga ano ba yan. Wow isang singing contest. Gusto mo bang sumali, nako tita ayaw ko nakakahiya po, nako bakit ka naman mahihiya eh may boses ka naman. Eh baka magalit si dadi ayaw nya pa naman akong pasalihin sa ganyan. Ay oo nga ano baka msisi pa ako ng daddy mo . Tara na nga
Ylona pov
Hindi maalis sa isipan ko ang nabasa kong nakapaskil sa book store na yun hanggang sa makatulog na ako .Biglang nag ring ang clock. Omg umaga na pLa 6am na at kailangan ko ng mG prepare baka malate pa ko. Nakaligo at nakabihis na din ako at nag almusal bago pumasok ng aking school.
Tita papasok na po ako. Osige mag ingat ka ha tawagan mo ako kapag nasa school kana . Opo tita, sige po alis na ako. Osige ingat ka iha.