Entry #6

8 0 0
                                    

April 21,2020.

8:30 Am

Lahat kaming Mag pipinsan lutang, nakatunganga habang hinihintay kumulo ang tubig para magkape. At dahil lutang kami, hindi namin inalam kung may kape pa ba. Sa huli, hindi rin kami nakapag kape at lumamig ang pinakuluang tubig.

4:27pm

Naghuhugas ako ng mga pinggan dito sa kusina namin sa labas habang ang limang gago ay naka upo sa ilalim ng mangga habang naka hubad ang damit. Bigla silang naghiyawan dahil may naglalakad na bakla na kumekendeng at biglang tumutuwad. Kahit ako ay napa tawa dahil mukha siyang tanga. Pumunta sila sa gitna ng bukid at nag picture picture. Ang lakas ng tawanan namin ng humiga patagilid sa damohan ang bakla at itinaas ang isang paa. Tuwang tuwa naman ang
mga tigang sa papansin na bakla.

6:51 Pm

Kakatapos ko lang maligo at lumabas ng bahay. Nakita kong nag huhukay si miko sa likod habang nakaupo sa upuan si Aldus at Rick. Hindi ko mahagilap si kuya maki at Lenard,paniguradong may ginagawang kalokohan na naman ang mga yun.

Tinanong ko sila kung ano ang ginagawa nila, ang sagot ni Aldus,naghuhukay daw sila ng kayamanan dahil wala na kaming pera. Kada humihinto si miko para magpahinga ay sinasabi ni Aldus na 'Sayang, malapit na ang ginto kaso huminto ka kaya bumaon lalo'.

Pinabayaan ko lang sila dahil baka mahukay nila ang yamashita's treasure at yumaman kami. Kapag yumaman na kami ay mag dodonate kami ng isang sardinas,dalawang kilong bigas, dalawang noodles at isang daan.

#PayamanNaKami

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Quarantine Where stories live. Discover now