April 9,2020.
Natatae ako dahil sa kaba. Nag inoman ang mga pinsan ko kagabi, ang ininom nila ay yung mga alak na inimbak nila. Alam niyo kung bakit ako kinakabahan? Malamang Hindi.
Kinakabahan ako kasi ginawa nilang pulutan yung manok ng kapitbahay! Tapos yung mga balahibo iniwan nilang nakatiwangwang dito sa labas. Mga tanga talaga,gumawa ng krimen, nag iwan pa ng evidence!
Kinakabahan na ako't lahat lahat,tulog pa rin ang mga gago. Halos hindi na ako huminga nong nagtanong sakin yung may ari ng manok kung nakita ko daw ba yung manok nila. Gusto ko sanang sabihin na 'Nasa kaldero' pero hindi ko ilalaglag mga pinsan ko kahit mga tanga. Sinabi ko na lang na baka naglayas yung manok nila at nakipag tanan. Geh yun lang.
#MamamatayManok
#AdobongManok
#RIP
