Kinabukasan nagising si Ryoma na saktong paalis na sina Sakuno at Tomo.
Wala narin sina Kintaro at Kevin dahil pag ka tangap nila ng message ng schedule nila, sinundo lang ni Kevin si Kintaro at umalis narin.
Naiwan pa ang ilang kalat nila sa may TV area.
"Hon, aalis na kami, na ihanda ko na ang gamit mo.. Tawagan mo ako pag nakarating na kayo sa location nyo.. Kumain ka muna bago umalis ah, hinanda ko na ang pag kain mo."
Sabi ni Sakuno at lumapit ito sa kanya at smack na hinalikan si Ryoma sa labi, Pumikit naman si Ryoma sa pag halik nito at inaantok pa sya na sinundan ng tingin at kumakaway sa paalis na asawa"Isang linggo bago pa uli kami mag kita."
"Meaaww.."
Na patingin sya kay Karupin na nilalambing sya."Karupin, halika sabay tayo kumain."
...
...
...
...
...
...
Habang sa sasakyan..
"One week na wala si Ryoma?"-Estela
"Hmmh.. Madalas naman na mag karoon sila ng mga ganitong training kahit noon pa kaya naman inaasahan ko narin na mag kakaron sila ng training camp bago ang laban nila."-Sakuno
"Kaya pala mabilis mo na ihanda ang mga gamit ni Ryoma."-Tomo
"Hmh.. May checklist ako ng mga dapat na dala nya during training camp."
"Pag may laban sya sa ibang lugar at malayo dito.. Maiiwan ka pala mag-isa sa bahay nyo.. Pag ganon Sakuno pwede mo ako tawagan at sasamahan kita.. Pag katapos ng trabaho sa inyo ako uuwi.. Kung gusto mo sa inyo muna ako uuwi ngayon kukuha lang ako ng gamit."-Estela
"Pwede rin kita samahan habang nandito ako Sakuno,.. Kukunin ko lang ang gamit ko sa Hotel at mag papaalam sa mga kasama ko.. Pag uwi natin mamaya, wala na si Ryoma-sama at mag isa kalang."
"Tomo-chan..Estela-san. Arigatou.."
...
...
...
...
...
Habang kay Ryoma, Kevin at Kintaro sumakay sila sa bus kung saan nakasakay din ang ilang mga players na makakasama nila sa training.
"Ryoma.. One week na walang kasama si Sakuno, eto ang unang beses na may ganito tayong training at asawa mo na si Sakuno.. Possible pa ito maulit kaya mukang may araw na maiiwan mo sya mag isa sa bahay nyo."-Kevin
"Oo nga noh.. Hindi naman sya pwedeng sumama sa atin kawawa naman si Ryuzaki-chan"-Kintaro
Hindi naman na pinansin ni Ryoma sina Kevin at Kintaro naka palumbaba sya na nakatingin sa labas ng bintana ng bus.

BINABASA MO ANG
RyoSaku: MR. & MRS. ECHIZEN
FanfictionStory about Ryoma and Sakuno after their wedding This is, a continuation of my first RyoSaku Fanfic. Enjoy reading! 😊