CHAPTER 2

3 0 0
                                    



Nagising ako may liwanag na. Nanaginip lang ba ako na nalaglag ako? Pero ng dinilat ko ang mga mata ko, nasa isang malalim na hukay ako.

"Tangina" Yan nalang nasabi ko. Ayaw ko naman matulad don sa agent sa pinapanuod kong Prison Break. Ayaw ko mamatay dito sa hukay. Pinilit kong tumayo pero napilayan sa kaliwang paa ko, at di ko magalaw ang kanang kamay ko.

"Putanginaaaaa!" Sigaw ko. Hindi pwede to. Pinilit ko kunin yung radio na binigay ni Oli pero wala talaga akong masagap na signal. Tinignan ko yung phone ko, wow muntik ng hindi masira. Basag ang screen, pero ang maganda don working pa naman pero walang signal.

Nagiging positibo nalang ako at iniisip ko na may dadaan din dito na hikers. Tinignan ko ang mga gadgets ko, dahil baka sa pagkaka bagsak ko ay nasira, pero buti nalang matibay yung bag ko kaya safe sila pati yung GoPro ko, kaso wala ng battery.

Mga ilang oras pa, nakarinig ako ng mga boses.

"Uy, hindi alam ni ama na tayo ay aakyat dito" Sabi nung isang babae.

"Sya nga ba? Ngunit paano kung tayo ay gabihin?" Isang boses ulit ng babae ang narinig ko.

"Maliligo lamang tayo sa ilog, siguro naman ay hindi tayo aabutin ng dapit hapon sa pag ligo" Saang probinsya ba sila galing bakit ganon sila kalalim mag tagalog?

"Ay basta, ang usapan ay usapan. Pagka-pananghalian, tayo ay humayo na at ang aking ina ay tutulungan ko sa pagluto ng pagkain" Narinig ko ulit yung unang babae na nagsalita. Narinig ko silang gumagalaw kaya sumigaw na ako.

"Tulong!!!! Tulungan nyo ako!!!!" Isinigaw ko ang lahat lahat parang puputok na ugat sa leeg ko.

"Kung sino man kayo, tulungan nyo ako!!!"

"Diwa, iyo bang narinig yon?" Tanong nung isang babae.

"Guni-guni ko lang ba iyon o sya nga ba at may boses ng lalaki ang nag salita?" Isang babae ulit ang nag salita.

" Naririnig nyo ba ako? Tulungan nyo ako!" Muli kong sigaw.

"Mayumi, mukhang may tao nga! Halika at tulungan natin!"

"Sandali, Diwa! Lalaki yan! Hindi ba dapat tumawag tayo ng tulong sa ama?" Tingin ko si Mayumi yung nag salita.

"Hindi na kailangan, aking kikitain si Banoy sa may tabing ilog, hintayin mo ako at hihingi ako sakanya ng tulong"

"Hindi ba mapanganib kung ako ay iiwan mo sa lalaking ito?" Sabi ni Mayumi. Sino si Banoy? Ang weirdo nila mag salita mukhang ganito talaga salitaan sa lugar na to.

" Sa iyong palagay, Mayumi kung ang lalaking iyan ay may kakayahan na umakyat diyan sa kinalalagyan nya ay hihingi sya ng tulong?"

"Wag kang mag alala, harmless ako" Sigaw ko.

"Harmless? Ay, ginoo, ako ay hintayin mo at akin lamang tatawagin ang aking nobyo upang ikaw ay matulungan diyan"

"Nobyo? Iyo na bang sinagot si Banoy? Alam nab a ito ni ama?"

"Mamaya ko na sasabihin ang lahat, diyan ka muna at samahan mo si harmless" Nabalot ng katahimikan ang paligid. Huni lang ng ibon ang naririnig ko. Hindi kaya iniwan nya na ko?

"Mayumi?" Sigaw ko.

"Bakit?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yung boses nya. Ang lamig ng boses ni Mayumi, alam mo yung boses na malambing.

"Wala naman, akala ko iniwan mo na ako malapit ka lang ba sa akin?"

"Oo" Tipid nyang sagot. Naririnig ko ang kaluskos ng paa nya.

When Past And Present CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon