Chapter 3

11 4 0
                                    

Hi! It's a short chapter haha! Btw, enjoy reading! Labyahguyz!

Chapter 3

Heart

Patuloy lang ako sa pagtakbo.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ako nais dalhin nito.

Namataan ko nalang ang aking sarili na nag lalakad papunta sa loob ng library. Binati ako ng librarian at nginitian ko nalang ito at tinanguan.

Agad akong pumunta sa pinaka dulo at pinakatagong part nitong library kung saan lagi akong tumatambay.

Bukod kasi sa walang masyadong estudyanteng pumupunta ng gantong oras ay ang iba ay tamad lang din mag basa.

Hinayaan ko ang mukha kong sinasalo ng mga siko kong sumalampak sa table at doon umiyak ng umiyak.

Kilala ako ng maraming tao bilang isang masayahing kaibigan sakanila ngunit walang nakakaalam ni-isa ng mga pinagdadanan kong ito bukod sa magulang ko na alam ko namang wala ng paki alam saakin.

Maski ang bestfriend kong si Ava ay walang alam dito. Hindi rin kasi ako mahilig magkwento ng tungkol sa sarili ko.

3:00pm na nung napag pasyahan kong lumabas na ng library.
Di na ako pumasok sa klase dahil exempted kami dahil sa debate.

wala pa akong planong umuwi sa bahay para maging isang hangin muli. Sa halip ay pumara ako ng taxi pag kalabas ko ng school at agad pumunta sa puntod ng aking namayapang kakambal.

Rest In Peace
Justine V. Cuaresma
January 10, 2004 - February 14, 2014

It's been 6 years since you left me Justine, my beloved twin brother.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa puntod ni Justine, ang twin brother ko

"Hi Justine! Sorry ngayon lang ulit nakadalaw yung kakambal mo ah? Naging busy kasi ako eh. Alam mo na, yung nakwento ko sayo nung nakaraan? Na nangampanya ako bilang Presidente ng school ko. Alam mo ba kung anong pangalan ng kalaban ko? Justin den haha" mahabang bigkas ko.

"Ewan ko ba, baliw na ata ako. Tumatawa ako pero bakit umiiyak ako?" nakangiting tanong ko sa kapatid habang pinupunasan ng mga luhang hindi napipigilang bumagsak mula sa aking mga mata.

"Tapos alam mo ba? Yung kalaban ko? Matagal ko nang gusto yun. Siguro kaya gustong-gusto ko sya kasi nakikita rin kita sakanya. Magkapangalan din kasi kayo eh"

"Ang sakit ng puso ko Justine! Sumasakit to" turo ko sa aking dibdib "Tuwing naaalala ko yung kapabayaan ko sa'yo. Alan mo ba na madalas hinihiling ko na sana ako nalang yung namatay ng maaga, hindi na ikaw. Siguro masaya pa nga ngayon sila Mom and Dad kahit papaano. Yung sana ako nalang yung mahina ang puso. " kumirot nanaman ang puso ko sa nasabi ko.

"Pero tignan mo nga naman ang pag kakataon, isa sa mga hiling ko ang natupad" natatawang anas ko habang umiiyak.

"Last m-month... L-Last month Justine" naiiyak na sabi ko

"Dumadalas yung paninikip ng puso ko... So I decided to go to your Cardiologist, si Dr. Ocampo? Did you remember?" patuloy parin ang pag agos ng luha galing sa mga mata ko

"And he said, medyo lumalaki daw yung puso ko. na yung size ng heart ko wala na daw sa regular size nito. Akalain mo yun? Haha parehas pala tayong may problema sa puso. Mag kakambal nga talaga tayo" sunod-sunod na bigkas ko kasabay rin ng sunod-sunod na pag agos ng luha galing sa mga mata ko

"Ni request ko kay Dr. Ocampo na wag munang sabihin ito kila mom and dad. At ako na ang bahala na mag sabi sakanila. Mas gusto ko rin na una kong sabihin sa'yo 'to.But every month meron akong schedule sakanya for my check-up. Miss na miss na kita Justine. Gusto na rin kitang makasama, pero tuwing naiisip ko na iiwan ko rin sila mom and dad? Parang di ko kaya"

Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa napag pasyahan ko ng umuwi sa bahay para sabihin kila Mom and Dad yung kundisyon ko.

xXx
-itutuloy

Pierce Love (Completed) Where stories live. Discover now