CHAPTER 25

196 14 10
                                    




"That's all for today, class dismissed. Oh, before I forgot. Heaven? Can I talk to you in my office for a minute?"


Napatingin ako kay Ma'am Farrah, ang mga blockmates naman namin ay nagsitingin na rin sa amin.


It's... probably about my score in our midterms exam.


This is the first time that... I didn't pass the cut off score. Hindi naman bagsak but for the department, it's really low. Parang naipasa ko lang. Considering the fact that it is also our major subject and that I am already at our cruicial year, makakahila rin 'yon sa grade ko.


I'm at fault but at the same time, I just really can't blame myself. I tried to study... I really tried, but my mind isn't really cooperating. I was pre-occupied for the past days because of everything that happened.


Everything happened so fast. Ang hirap umabante.


"Y-Yes po, Ma'am," mahinang sagot ko saka ako tumayo. Lalabas na rin sana ako pagkalabas ni Ma'am Farrah ng room namin nang hawakan ni Maddie 'yung braso ko. Nabaling agad sa kanya ang tingin ko.


She faintly smiled before she stood up, umangkla rin siya sa braso ko. "Samahan na kita."


"Okay lang ako," sabi ko sa kanya saka ako tipid na ngumiti.


Mabilis niya kong inirapan. Maddie pursed her lips, pinitik pa ako sa noo. "No. Hindi ka okay. Tara na." Saglit siyang tumalikod sa gawi nila Shawn. "Akyat lang kami"


Ni hindi na ko nakalingon, nagpahatak na lang din ako kay Maddie. Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad. Pagkarating namin sa third floor ng faculty ay bumitaw na rin siya sa akin. Papasok na ko sa loob ng office ni Ma'am Farrah nang muling magsalita si Maddie.


"Heav..."


My lips parted as soon as I looked back. Maddie is already tearing up while looking at me.


"Maddie..." naguguluhang sabi ko habang nakatingin ako sa kanya. Mayamaya lang ay agad niya akong niyakap.


"Ilang araw ka na na matamlay. You're barely talking. Nalilipasan ka na rin ng gutom. Naiintindihan namin, Heav... pero nag-aalala na rin kasi kami sa 'yo..." aniya saka siya mahinang humikbi. "Heav, nandito pa ko. Nandito pa ko para sa 'yo. I'm still here..."


Nanatili akong tahimik habang nakikinig ako kay Maddie.


Bahagyang humigpit ang yakap ni Maddie sa 'kin saka mas lalong lumakas ang hikbi. "Nandito lang ako lagi, hindi ako aalis..."


I thought ubos na lahat ng luha ko noong mga nakaraang araw, mayroon pa pala.


I pursed my lips tightly and looked up para hindi magtuloy ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. I hugged Maddie back and gently patted her head.


"I know... I know..." mahinang bulong ko. "I'll be okay. I'll be okay, Maddie. Kaunting oras lang... Kaunti na lang."


Nang iharap ako ni Maddie sa kanya ay doon ko lang nakita kung gaano na kapula ang mata niya sa kaiiyak. "Take your time to heal, okay lang 'yon, walang masama ro'n. We all have different ways of grieving and coping. Heal at your own pace, Heav. Hihintayin ka namin."


Can You Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon