CHAPTER 31

218 14 10
                                    




"Congratulations, Graduates!"


Pagkatapos sabihin 'yon ng President ng Arideil ay hinagis na rin namin ang aming mga graduation cap. Bakas sa mukha ng lahat ang saya dahil finally, pagkatapos ng ilang taon ay nakagraduate na rin kami. Nagsisigaw na rin ang buong block namin dahil sa saya. Ang iba ay mga nanghahampas at nangbabatok pa, mga siraulo talaga.


Nag-aya sila Shan ng group picture kasama sila Ma'am Farrah. Pagkatapos ng picture taking ay bumalik na naman sila sa pagsigaw. Hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko habang pinagmamasdan sila.


So... this is it, I guess? The end of our college journey here in AU as well as... the end of our youth. Talagang papunta na kami sa pagtanda. Napatingin ako ulit sa mga ka-block namin. They really made my stay here in AU a memorable one. I'll surely miss them. Sobra.


Nakita kong tumatakbo papunta sa pwesto ko si Maddie. Ngiting-ngiti na naman 'to. "Heav!" tili niya habang papunta sa akin.


Natawa na lang ako sa kanya. Ang babaeng ito talaga.


Agad niya naman akong niyakap pagkalapit niya. "Congratulations to us! Finally! Finally! Finally! Deserved!"


Natawa naman ako sa way ng pagsabi niya, halatang may ginagaya na naman 'tong video na napanood niya galing sa Tiktok. "Grabe Maddie 'no, parang kahapon lang first day pa lang natin as freshmen tapos ngayon, ito na."


Natawa rin siya sa sinabi ko. "Kaya nga! Gosh, memories! Imagine, kung hindi kita dinaldal nung first day, edi wala kang magandang best friend ngayon? I know, you're welcome."


"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko sa kanya.


Niyakap lang ako ulit ni Maddie. "But kidding aside, I'm really proud of us talaga, super! Magna Cum! Congrats!"


Natawa lang ako ulit. "Nagsalita ang hindi Magna Cum. Sobrang proud din ako sa 'yo, Maddie. Congrats din!"


"Well," sabi ni Maddie sabay hair flip. Natawa na lang ako ulit, siraulo talaga 'to.


"Oo nga pala, any plans after this?" nakangising aniya.


"Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.


"Ba't nagbabalik ng tanong?" aniya na mas lalong nagpangisi sa kanya. Pabiro akong napairap saka napailing. "As for me, dinner with you know who. Nako, muntik pa nga kamo kaming magtalo n'yang si Shawn kanina, ka-stress! Masama pa namang mag-break kapag graduation, uh."


Nanlaki ang mata sa sinabi niya. "Huy anong break? Baliw 'to."


"Petty fight. Siya 'yung petty, kaya ako bumuo ng fight," aniya na nagpasapo lang sa noo ko. "Kasi naman! Sabi kong ako na mag-aayos no'ng neck tie niya kanina, ayaw! 'Wag na raw! Walang tiwala sa skills ko?" pagkukwento ni Maddie saka napairap. "Buti na lang kamo nakita ko 'yung singsing sa bulsa ng suit niya kaya pala ayaw niyang ipaayos! Kung hindi, nako tala---"


My jaw literally dropped. Napatakip pa ko ng bibig dahil sa gulat sa sinabi ni Maddie. Maddie was also in shocked, halatang hindi ineexpect na madudulas siya sa sinabi niya.


"Oh my god," hindi makapaniwalang sabi ko saka ako ngumiti. "Totoo ba?"


Maddie cleared her throat and tried to composed herself. "Well... mukhang doon na kami papunta."


"Oh my god, Maddie!" sabi ko saka ako bahagyang tumili. Mahina ko pa siyang hinampas sa braso. "Congrats! Grabe, I feel so old. Papunta na ba talaga tayo sa point na 'to ng buhay natin?"


Can You Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon