CHAPTER 34

216 17 2
                                    




"Ang harot! Naka-couple shirt! Hope all?!"


Bahagya akong natawa habang naglalakad kami ni Thunder papalapit kila Maddie na nakasandal sa sasakyan na dala nila. Pinagdiinan niya pa 'yung sinabi niya sa tainga ni Shawn, si Shawn naman ay pabiro lang na napailing saka kami tinanguan.


Kinawayan na rin namin 'yung iba pa naming blockmates na nag-aantay na sa kani-kanilang sasakyan, agad naman nila kaming tinawag at nginitian. Sila Leiy ay todo wagayway na ng hawak nilang wine, mga siraulo talaga.


Bahagya kong siniko si Thunder nang mapansin kong naka by partner ata ang bawat sasakyan na nandito.


"Ba't parang by couple 'yung car arrangement?" natatawang bulong ko sa kanya na nagpangisi lang din sa kanya saka natatawang napailing.


Today is our out-of-town trip sa Subic kasama ang buong block namin. It's been months pagkatapos ng graduation and by this time, lahat kami ay busy na sa paghahanda para sa paparating na board exam. Ngayon na lang din talaga ito natuloy dahil marami-raming nangyari sa mga nakalipas na buwan. This trip will also serve as a rest na rin para sa aming lahat.


Tumakbo naman palapit sa akin si Maddie nang tuluyan na kaming makalapit saka ako niyakap nang mahigpit. Maddie smiled genuinely saka ako tinignan, she tilted her head a bit saka ako muling niyakap.


"I love you, Heav..." bulong niya sa 'kin.


I immediately smiled and hugged her back. Bahagya ko ring tinapik ang likuran niya. "Love you too."


Pagkaharap niya ay saglit siyang ngumuso saka ako hinampas sa balikat. Agad akong natawa sa ginawa niya.


"Namiss kita, sobra. Walang hiya ka talaga," she said, sulking.


"Love you..." natatawang sagot ko na mas lalo lang nagpabusangot sa kanya. I hugged her again. "Thank you... Alam mong mahal na mahal kita."


Pabiro na kong napairap nang hampasin niya na naman ako. Tignan mo 'tong babaeng 'to, kapag ako nagkapasa, magsi-swimming pa naman mamaya.


"Kung sapakin kaya kita riyan? Shan! Magpalit na nga lang tayo! Kanina pa 'tong si Mark eh, sisipain ko na 'to!"


"Grabe ka! Anong palit eh ikaw 'yung pumili sa 'kin!"


"Wow! Ang kapal mo!"


Nabaling agad ang tingin namin kila Leiy. Nagbabardagulan na naman sila ni Mark, love language na ata nila 'yan.


Lumusot naman si Shan doon sa bintana ng sasakyan ni Xion saka natatawang tumingin kila Leiy. "Tama na nga 'yan. Tara na, tara na! Para iwas traffic!"


"Let's go?" sabi ni Shawn kay Maddie. Maddie nodded and quickly hugged me again before letting go. "See you later, Thun, Heav!" dagdag pa ni Shawn.


Tumango naman kami ni Thunder kay Shawn at kay Maddie. "See you later!"


Dumiretso naman kami ni Thunder sa panghuling sasakyan na nakapila which is 'yung Audi na dala ni Thunder. Humarap ako sa kanya na bahagyang nagpataas ng kilay niya.


"Bato-bato-pick!" biglaan kong sabi na agad na nagpatira kay Thunder ng bato.


Natawa agad ako nang mapailing siya. "Papel," proud kong sabi saka ko pinakita ang kamay ko. "I'll drive. Keys."


"You could just say so, love," natatawang sabi niya saka niya inabot sa 'kin 'yung car keys.


"Para fair 'di ba," sagot ko. He just shook his head and laughed it off. "Oo nga pala, meds mo? Okay na? Nakainom ka na?"


Can You Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon