Chapter 19

76.3K 2.5K 847
                                    

SHORT UPDATE AHEAD...

CHAPTER 19

MASUYO akong pinahiga ni Ethan sa malapad nitong kama at kapagkuwan ay umupo sa tabi ko. Malakas itong napabuntong-hininga at napahilamos pa sa mukha nito.

Naikagat ko ang ibabang labi.

"I-I can't sleep in my room so..." Mas lalo kong diniinan ang pagkagat sa ibabang labi ko. "I'm sorry. Babalik na lang ako doon." Akma akong babangon nang pigilan ako nito.

"No, stay here." Anito sa seryosong boses.

"I'm sorry." Mahinang sambit ko.

Hinaplos nito ang mukha ko at kapagkuwan ay ngumiti.

"Matigas ang ulo mo, babae. I told you to lock your room. But here you are...entering my room." Naiiling na inayos nito ang kumot sa katawan ko.

Tumayo ito at naglakad patungo sa cabinet. Kumuha ito ng comforter at unan mula doon. Inilapag nito iyon sa sahig.

Napabangon ako.

"I can sleep there. Dito ka na sa kama mo." Mabilis na sambit ko.

Matagal ako nitong tinitigan.

"Goodnight, Hanna." Anito at nahiga sa lapag.

Kagat ang labing muli akong nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at nakikiramdam sa paligid. Dahan-dahan akong kumilos at sinilip si Ethan.

Is he asleep already?

Nakatakip ang isang kamay nito sa mga mata nito at malalim na ang paghinga.

"Tulog na nga." Bulong ko.

Titig na titig ako sa binata. Hindi ko alam kung ilang minuto ko ba itong pinagmamasdan.

"Aren't you going to sleep? Or you want me to strip you and bring you to heaven, baby?" Napapitlag ako nang magsalita ito.

"H-Huh?" Bigla akong nautal at umayos ng higa.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"What are you saying? I'm not ready for that." Kaagad na depensa ko.

I heard him chuckled.

"At ang lakas ng loob mong matulog dito sa kuwarto ko." Nanunuyang sambit nito.

"Hindi porke't girlfriend mo na ako ay makukuha mo na ako." Inosenteng sambit ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"You're torturing me." Reklamo nito.

Hindi na ako umimik pa at nanatili lang akong tumitig sa kisame.

"Hanna..."

"Hmm?"

"I promise to protect you. Not only from them but from myself as well." Unti-unti akong napangiti sa narinig.

"Ethan..."

"Yes baby?"

"I'll be honest with you. You are handsome, hot, attractive and irresistable. Walang sinumang babae ang hindi gugustuhing makasama ka sa iisang kama. At kasama na ako doon. But...I made a promise to myself. Alam kong makaluma na sa henerasyon ngayon pero...gusto ko pa rin ang maikasal muna bago ko isuko ang lahat." Wala akong narinig na tugon mula sa binata kaya muli ko itong sinilip.

Napabuntong-hininga ako at kapagkuwan ay nakangiting napailing.

"Goodnight." Bulong ko at muling umayos ng higa.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon