Alaala

6 1 0
                                    

Alaala

Masayang balikan ang alaala. Pero nakakasakit balikan yung dati tayong masaya.

"Masaya kana pag sya ang kasama, di mo na ba ako naaalala?" isang kanta para sayo. Bakit nga ba ikaw parin?
Naaalala mo pa ba ako kahit minsan?
Naaalala mo ba na naging masaya din tayong dalawa? Na mimiss na kita.

"Sa pag ibig mo na may nag mamay ari na, nais ko lang malaman mo na minamahal kita"Ikaw parin naman pero may mahal kanang iba. Kahit ano mang gawin ko may nag mamay ari na sayo.Pero sana alam mo na minahal kita. Sa sandaling panahon na mag kasama tayong dalawa,minahal nakita.

"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba"Siguro kahit alam kong meron na..
Patuloy parin akong umaasa..na baka..
Kahit papaano pwede pa.

Pinipilit ko ang sarili kong meron pa..
na baka kahit konte may pag tingin
ka pa. Pero malabo, malabong meron pa. Dahil sinabi mo sakin na "Mahal mo sya." at sinabi mo saakin noon na "May mahal kanang iba"

"Heto nanaman ako, naka tulala" Iniisip ang nakaraan na kahit kailan hindi ko na maibabalik pa. "Pano ba kalimutan mga panahong pinatibok tong puso ko"Mawalan man ang aking nararamdaman, mananatili ka parin sa aking isipan.

"Ayaw kong malaman na ako ay nag kulang, sabagay eto lang naman ang kaya kong ibigay sayo, ang mag mahal sayo ng totoo"Sorry kung eto lang ang kaya kong ibigay sayo. Di ko naman inakalang malalayo ako sayo.Alam kong aalis ako, pero bumalik naman ako. At sa pag balik ko...iba na ang kapiling mo.

" Ang mga pusoy wag na nating pahirapan, sumuko na sa laban, hindi tayo pwede"Alam kong hindi na pwede.
Kaya siguro mas mabuting sumuko na lang. Ayoko na din pahirapan yung puso kong hanggang ngayong umaasa.

"Sabi ko na nga ba dapat nung una palamang, di na umasa, di na niwala"
Dahil sa mga pinakita mo, umasa ako.
Sabi na dapat hindi ko na tinuloy. Ayan tuloy ako yung naging luhaan.
Masakit para sakin, na bigla kang nag bago.

"Kahit ipilit hanggang dito na lang, hindi tayo pwede, pinag tagpo pero hindi tinadhana"Siguro nga pinag tagpo lang tayo, pero hindi tayo tinadhana. Kahit ano mang pilit ko na isiping magiging masaya tayo tulad ng dati, alam kong hindi na talaga pwede.

"Bakit ikaw pa ang napili, ngayon ang puso ko ay sawi"Hindi ako nag sisising nakilala kita. Dahil sa saglit na pag dating mo sa buhay ko labis akong naging masaya. Yung totoong saya na di ko pa masyadong nararamdaman sa iba.

"Ang mundo ko ay naging masaya, salamat sa diyos nakilala kita"Salamat talaga sa lahat ng masasayang alaala na nabuo nating dalawa. Dahil kahit may malungkot na ng yare satin dalawa, lagi ko na lang tatandaan yung alaala nating masaya.

Pilitin ko mang kalimutan ang ating mga alala, di ko parin maiwasang di ito maalala. Siguro nga kahit anong pilit kong kalimutan ang mga ng yare, maaalala't maaalala ko parin ito.

Yung mga alaala nating dalawa, mananatili parin saking puso't isipan.
Kahit minsan diko na ito maalala, gumagawa parin ako ng paraan para balikan ang dating masayang alaala.

Ngayong nakikita kong masaya kana sakanya, panigurado yung dati nating masasayang alaala malilimutan mo na.
Dahil bumubuo kayo ng mas maganda pang alaala...habang kayo ay mag kasama.

Sana maging masaya kayong dalawa,
kahit may pag subok mang dumating sainyong dalawa kayanin nyo yan ng mag kasama.

Ang tanga ko namang humihiling ng kaligayahan nyong dalawa, habang ako heto naiiyak sa tuwing maaalala parin ang nakaraang hindi na dapat binabalikan.

Salamat ginoo sa nadulot mong alaala.
Masaya man yan o malungkot. Pangakong hindi ko yan malilimot.
                                      
                                           -AJDM

Spoke wordWhere stories live. Discover now