Iwasan
Pilit mang iwasan ka, di parin matiis na di kita maalala. Siguro nga kahit na anong pilit mo sa isang bagay, kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo
Wag na nating ipag pilitan, kasi sa huli tayo din ang masasaktan. Iwasan ang mga taong makakasakit saating puso't isipan.
Ang dali sabihin na iwasan yung taong makakasakit sayo, pero di naman magawa dahil mahal mo.
May mga taong kahit mahal mo hindi mo maiiwasan, kung tadhana ba naman ang nag lalapit sainyo, sa tingin mo malalayuan mo pa.
Nakakaya ko mang iwasan ka ngayon, lagi naman kitang naalala. Yung tipong
mapapatulala na lang ako at iisipin kung baka mag kasama kayong dalawa, baka mag ka usap kayong dalawa.Ang tanga ko, sinasaktan ko lang din yung sarili ko kakaisip ng mga bagay na alam kong makakasakit sakin. Pero
masisisi mo ba ako? Kung nag aalala lang naman ako sayo.Kahit na ano mang pilit kong kalimutan ka, di parin maiwasang hindi kita maalala. Naging parte ka na ng buhay ko. Lagi ka ng may puang sa puso ko.
Bakit kaya ganun? Kapag nasasaktan ako ng ibang tao kaya ko silang iwasan at tiisin. Di kagaya mo, na nakakalimutan ko nga. Pero naaalala parin. Ganyan ka kahalaga sakin.
Kahit na alam kong wala akong halaga sayo.Siguro naman mahalaga ako sayo? Kahit bilang kaibigan. Kasi yun naman yung gusto mo. Masakit lang talaga.
"Lagi na lang ganito, nahihirapan"
Nakaka pagod na rin pero, kakayanin.
Baka kasi, or malay natin pwede pa.
Siguro dapat ko na iwasan yung pag iisip ng mga ganito. Ako lang naman nasasaktan.Ayoko na lang din na sirain yung kasiyahan mo kasama sya. Mabuti na rin siguro na hindi tayo nag kakakita, respeto na lang din yan sayo at sa girlfriend mo.
"At laging humihinto, mga kamay ng orasan"Sa tuwing makikita kita. Bumibilis tibok ng puso ko, kala mo nakiki pag karerahan. Sabagay tumatakbo naman puso ko para habulin ka habang sya ang hinahabol mo.
"Sabi nga ng iba kung talagang mahal mo sya, ay hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan"
Kaya nga hinahayaan na kita ngayon, kahit patuloy ako naasa. Iniwan mo naman na ako, salamat ah nag paalam ka bago ka mang iwan. Gusto kitang iwasan pero hindi ko kaya."Patuloy sa buhay ko limutin ang pag ibig mo" Kahit ano namang pilit eh di parin kaya. Malilimutan nga kita pero saglit lang tapos maaalala ulit.
Lilipas din yung araw na makakalimutan din kita. At mahaharap na din kita na parang wala tayong naging problema.
Nag papakatatag lang ako. Ayokong makita ang sarili ko habol ng habol sayo, nakakasakit din eh. Pero alam mo? Dapat kahit nasasaktan, patuloy paring lumalaban. Yan yung ginagawa ko.
Maaaring nakikita nyo akong masaya, pero hindi nyo alam na may dinadala din akong problema. Ganyan ako kagaling mag tago nag nararamdaman
Yung tipong kahit sino di man lang alam totoo kong naratamdaman. Pero okay lang, dahil kaya ko naman. Kinakaya ko naman na hindi dumipende sa iba.
Sabi kasi darating din yung araw na lahat ng tao iiwan ka, kaya wala ka paring ibang makakapitan kundi sarili mo lang talaga.
Malapit na ang araw na ako ay lilisan.
Huwag kang mag alala at ako ay hindi mo na makikita. Sa pag balik ko sana okay na ako. Sana bumalik tayo sa dati. Mamimiss kita.Sa pag alis ko hindi na kita iiwasan. Para saan pa yung iwasan kita, eh hindi naman tayo doon nag kikita.
Sana bago kami umalis mag karon pa tayo ng masayang alaala. Ng saganun
bago ko kalimutan ang masasakit na alaala may masasaya parin akong babalikan. Na kahit kailan hindi ko makakalimutan.
-AJDM
YOU ARE READING
Spoke word
PoesíaHey, guys. Ang spoken words na ito ay gawa-gawa ko lamang. Kaya sorry kung marami mang mali at kung hindi man ito masyadong maganda.