NGITI
Ngiting makikita sa mata ang pag kasaya.
Ngiting kahit kailan man hindi mawawala at mababawi ng iba.Akala nyo pag masaya wala ng problema pero ang totoo nyan dinadaan na lang sa tawa para hindi mahalatang nahihirapan na.
Ganyan naman tayo diba?Pipiliting maging masaya dahila ayaw mong maka apekto sa iba.
Hindi lahat ng naka ngiti masaya dahil Sa kabila ng mga ngiti may dalang lungkot at pighati. Ngiting masaya kahit yung totoo nahihirapan na,nag kukunyareng ring masaya kahit hindi naman talaga.
Wala namang masama mag panggap na masaya diba? Ayaw ko lang naman makitang nahihirapan kayo saaking problema.
Hindi kayo kasali dito kaya hayaan nyo ako.Kakayanin ko namang maging masaya bastat alam kong anjan kayo naka supporta.
Mahal kita pero masakit na makitang masaya ka sa iba.Pero okay lang dahil sa mga ngiting pinapakita mo natutuwa ako dahil kahit papaano alam kong kaya mo maging masaya kahit wala ako.
Masaya akong nakikita kang ngumingiti sakanya. Kahit masakit saakin atleast masaya ka. Okay na ako. Magiging okay din ako.
Masaya naman ako na nakikitang nag mamahalan kayo. Kahit na minsa. hinihiling ko na....na sana ako na lang sya. Para maramdaman ko din kung pano mo sya pinapahalagahan.
Ngiti na lang kahit ang sakit sakit na.
Wala naman akong ibang magagawa kundi maging masaya. Maging masaya para sainyo. Balang araw ako naman ang magiging masaya. Kapag na kita ko na yung taong tanggap at papahalagahan ako ng sobra.-AJDM
YOU ARE READING
Spoke word
PoetryHey, guys. Ang spoken words na ito ay gawa-gawa ko lamang. Kaya sorry kung marami mang mali at kung hindi man ito masyadong maganda.