Prologue

5 0 0
                                    

"Tama na! Tapos na tayo Reikkon!hindi na kita mahal."

"TRAGIS!" ramdam ko yung hapdi at init ng mga mata ko dahil sa namumong mga luha rito. Tanging ilaw lang ng sasakyan ko ang nagbibigay ng liwanag sa kalsada.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko, puta bahala na kung anong mangyari sakin. Kagat labi akong tumungo at isinalampak ang mukha sa manibela. Nag angat ako ng mukha and the next thing I knew...

Bumangga ako sa naka salubong kong kotse. Sa lakas ng impact nauntog ako sa manibela. Ito na yata ang katapusan ko, kahit masakit ang ulo ko't nagdudugo pinilit ko pa ring silipin ang taong naka sakay sa kotse nasa harapan ko.

"Babae..." ulo ng babae, kagaya ko ay duguan rin ito at nakasandal sa upuan. Ang tanga ko! Nandamay pa ko ng iba.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at nag-dial sa 911, mahina pero alam kong naririnig ako ng nasa kabilang linya. Mabilis ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na tumutunog na ang ambulance. Hanggang sa nagdilim na ang lahat.



Madilim ang paligid, wala akong makita bukod sa kadiliman. Para akong kinulong sa isang hawla. Nasaan ako?

" MAY TAO BA DYAN?HELLO?, " ilang beses pa akong nagsisigaw pero walang sumasagot sa mga tanong ko.

"Panaginip ba 'to?" pasinghal kong tanong sa kawalan.

"Parang ganon na nga!" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa kung saan. Nagpalinga linga ako pero kadiliman pa rin ang nakikita ko.

"Sino ka?magpakita ka sakin!" sigaw ko. Putcha! Tinatakot ba nila ako?.

"Nauntog lang ulo mo, nakalimutan mo na agad kung sino ako...kung sino yung nabangga mo." Bakas ang panlalamig sa boses nya. Bigla akong napaisip, nabangga?....

Naalala ko na. Bumangga nga pala ako.
Biglang nagliwanag ang paligid, dahil sa buwan at mga tala. Ang kaninang sahig natinatapakan ko ay naging magandang damo. Sa gilid ko ay may karagatan. At sa harap ko ay may babaeng naka tayo, maikli ang buhok na hanggang balikat, katamtaman ang katawan. May magandang mukha at hindi katangkaran.

Seryoso ang mukha nito, "Salamat." Nasilayan ko ang ngiti sa labi nya. "Salamat dahil sa'yo nagawa ko rin ang mag lucid dream." sambit ng babae.

"Wag kang magpasalamat, wala akong alam sa sinasabi mo." maangma-angan ko at naglakad papunta sa gilid ng dagat tsaka umupo.

"Wala nga ba?hindi ka kasi nagulat nung ginawa ko ang buwan, mga tala, karagatan at ang inaapakan natin ngayon. So sabihin mo sakin na wala ka nga talagang alam." napailing na lang ako sa naging sagot nya.

Naramdaman ko ang pagtabi nya sa kinauupuan ko. Kinabig nya ako sa balikat gamit ang balikat din nya.

"Ano ba!"angil ko.

" Sungeeet! Ano nga palang pangalan mo?, " maliwaliw nitong tanong. Tiningnan ko sya gamit ang seryoso kong mukha.

Hindi ko maipagkakailang maganda sya. Nakaka hypnotismo rin ang mga mata nya. Black na black pero maganda. Tumikhim ako dahil ang lapit pala ng mukha nya sa mukha ko.

"Reikkon, " tugon ko.

"Bacon?hahaha ang cute naman!" ang daling basahin ng pagkatao nya. Mukha syang masayahing pandak. No! I mean,little pandak. Haha!

"Laugh out Loud little pandak." Natigil sya sa pagtawa at tiningnan ako ng masama. What? Wala namang masama sa sinabi ko.

"Aba lamang ka lang ata sakin ng ilang inch Bacon," singhal nya na sinamahan pa ng pagtingkayad. Sus pandak talaga, lols!

"Mas lamang nga lang si Junior." napangisi ako sa sinabi ko. Sandali syang natahimik at nag isip.

"Junior?, " kunot noong tanong nito, "sino yun?"

*KATAHIMIKAN*

*KATAHIMUKAN ULIT*

*KATAHIMIKAN PA ULIT*

*KATAHIMIK------*

"Bastos kang kulugo ka!" sinuntok nya ko sa braso pero wala manlang akong naramdaman.

"HAHAHAHA manahimik ka nga dyan!" sabi ko na lang.

Parang ayoko ng gumising pa, pakiramdam ko sasaya ako kapag kasama ko ang babaeng to. Matagal ko na rin namang gustong gawin to... gawin ang mag Lucid Dream pero hindi ko pa rin talaga ma-master master and then, she came. Dahil sa pagkakabangga namin, ito ang kinahantungan.

Ano naman kayang nangyari sa katawan namin? Bahala na, ang mahalaga sa ngayon nandito kami sa mundong to. Exciting ang lahat.

(A:N: Sorry sa typos and wrong grammar na nagamit ko. Starter pa lang kasi ako. Sana suportahan nyo ako hanggang sa muli. Salamat!)

What's your NameWhere stories live. Discover now