R. Elcavro.
"Bacon,paano kung hindi na tayo magising?" tanong ng babae. Nakaupo kaming dalawa sa tabing dagat. Habang pinagmamasdan ang mahihinang alon ng tubig. Napatingin
akong muli sa kanya."Kapag hindi na tayo nagising ibig sabihin non mamamatay tayo. Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari."Sagot ko. Sandali syang napaisip.
" Ayoko pang mamatay Bacon. Ang dami kong gustong gawin, "bakas ang lungkot sa kanyang mga mata."gusto ko pang sumbatan yung papa ko, gusto ko pang malaman yung totoo, at... gusto ko maging masaya. Na never ko pang naranasan."She added.
Hindi ko kilala ang babaeng 'to pero nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Base sa mga sinabi n' ya mukhang ang hirap ng mga pinagdadaanan nya. Mas mahirap pa yata sa buhay na pinagdadaanan ko.
" Ikaw? Bakit mo alam ang lucid dream? " I chuckled. Kailangan pa bang sabihin 'yon!?
"Nung bata ako, di ko makakalimutan yung first time na nakontrol ko yung panaginip ko. Pagod na pagod ako non, galing kasi kami sa dagat. Naligo kami ni kuya Ronnie, tapos nagpaalam ako na matutulog na ko. Pag tulog ko nananaginip ako na nasa isang kalsada ako, wala akong makita kundi palayan at tuwid na kalsada. Pagkatapos nanlalabo na yung paningin ko, pilit kong nilalabanan yun pero tuluyan ngang nagdilim ang lahat..., "huminto ako saglit. Inaalala ang mga sumunod na nangyari sa panaginip ko noon.
" Oh tapos?"maliwaliw n'yang tanong. Kinunutan ko sya ng noo.
" Wait lang excited ka masyado eh. " I said.
Tumaas lang ang kilay n'ya na hinihintay ang mga susunod kong sasabihin." Pagmulat ng mga mata ko nasa isang kwarto na ko, parang naging aware na ko sa mga nakikita ko. Sabi ko pa nga nasa panaginip ako at paulit-ulit kong sinabi 'yon habang nakangiti. And then, unti-unti nang nagliwanag ang paligid. Naging malinaw ang lahat na para bang nasa reality ako. Pumikit ako at lumikha ng peryahan. So I just thought of Mawie and she suddenly appeared. She is my sister. Sobrang saya ko sa panaginip ko. " naramdaman ko na lang na pinupunasan n'ya ang kabila kong pisngi. Do'n ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.
" Twin sister ko si Mawie. Namatay s'ya dahil sakin. Lagi ko kasi s'yang inaaway no'n. Nakalimutan kong may sakit nga pala s'ya sa puso. Sa sobrang inis nya sakin inatake sya." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy, "Yung akala ko masaya na ko sa panaginip na 'yon hindi pala. Lahat naglaho, ang masayang peryahan biglang tumahimik at nawalan ng tao. Pati si Mawie nawala. Gusto ko ng gumising pero ayaw magising ng diwa at katawan ko. Nagdasal ako tapos ayun nagising na ko. Buti na lang, nag-ingay yung alaga kong pusa. Haha nakakatawa nga eh. Ang corny kong lalaki. " Tumigil na ko. Masyado na kong nagiging maingay. Kalalaking tao ko.
" Hindi ah. Okay ka nga e, di ka nahihiyang magshare ng k'wento mo. At hindi ka rin corny. Ikaw talaga hahahahaha!". Ang lakas ng tawa n'ya. Nakakagaan ng loob.
" Gusto mo mag-ikot? Marami kasi akong naiisip na gawin dito. Yung parang akin tong mundo na to, gagawa ako ng school, village, plaza, at marami pang iba o baka naman pwede ring perya diba yeeeaaahh exciting!". Para s'yang bata na gustong maglaro. Napailing na lang ako.
" Pero teka, teka, bakit? " naguguluhan nyang tanong tsaka deretsong nakatingin sa'kin.
" Huh? "anong problema nya?.
" BAKIT TAYO MAGKASAMA SA IISANG PANAGINIP? PAANO NANGYARI YOOOONNN? PUMASOK KA BA SA UTAK KO? HOW? NAGUGULUHAN AKO BACOOON ARGGG!!!!". Malakas na sigaw nya tapos may nalalaman pang pasabunot-sabunot sa kanyang buhok.
"Ewan."kahit ako di ko alam. Di ko rin naisip 'to kanina. Iniwan ko na lang sya sa kinatatayuan nya. Naglakad ako at nagpalinga linga sa paligid. Nakaka relax.
" Anong ewan mo? hindi ka ba nagtataka? malay mo soulmate tayo kaya ganon? Errrr ang gulo."Narinig ko ang pagpadyak ng paa nya. Napahinto naman ako. Soulmate ha? Naniniwala pala s'ya don.
" Hindi sa gan'on yon. Malay mo, nagkaroon ng ugnayan yung astral body natin nung nagbangga tayo. Di ko nga alam baka na coma pa tayo.Tss!"tanging sagot ko. Hindi ko talaga alam. At wala akong balak na alamin, sa ngayon kailangan kong sulitin ang lahat ng bagay dito
dahil walang permanente sa pekeng mundo.
"Pochi! Pochi! Pochi!" tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko sa likuran yung babae. Nakapikit ito at nagsasalitang mag-isa.
"Pochi? Sino 'yon?" kunot noong tanong ko.
Nagmulat sya saglit ng mata at tumingin sa kinarorooonan ko bago sya pumikit ulit. "Yung aso ko sa real world."
Anak ng! Balak nya pa talagang mag summon ng aso dito ah? Napabuntong hininga na lang ako sa kabaliwan nya. Crazy!
"*Bark*Bark*Bark*" tahol ng aso. Dinidilaan na nya ngayon yung babae sa kung saan saang parte ng katawan. Eww!
" Oy! Bacon hali ka rito kausapin mo ang pochi ko."masayang wika nya. Pinuntahan ko sya at tinabihan. Nagtagpo ang ang mga paningin ng babae. Nakita ko na naman ang maganda nyang mga mata.
" Pochi this is Bacon,"itinuro nya ako sa aso." Bacon, this is Pochi. Yehey! "itinuro naman nya ko sa aso. Kay Pochi.
" Hi Pochi!" Ang cute nung aso. Nginitian ko ito at hinaplos ang ulo.
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT AND FOLLOW!!!!
Facebook: https://www.facebook.com/bezarius.helel.1
-BezariusHelel
YOU ARE READING
What's your Name
Fiksi RemajaLucid Dream. Isa ka ba sa nangangarap mag lucid dream?gaya ni Reikkon Elcavro. Sawi sa pag-ibig, at gustong takasan ang reyalidad. Kaya sa hindi inaasahan, matatagpuan nya ang kanyang sarili sa mundo ng mga panaginip at makikilala nya ang babaeng ma...