TULA #1

2 0 0
                                    

Ang hirap mahulog,
Sa taong dapat ay kaibigan lamang.

Ang hirap amining mahal na kita,
Baka kasi ako ay masasaktan lang.

Sa bawat banat,
Sa aking labi'y napapakagat.

Nag-iisip kung papatulan ba,
Baka kasi mailang ka.

Sabi ng isip ko'y huwag na muna,
Sabi naman ng puso ko'y, baka ikaw na.

Nakakatawa,
Wala ka namang ginagawa pero yung puso ko hulog na hulog na.

Sabi ng mga kaibigan ko'y-

"Wala ka namang magagawa pag puso na yung nag take charge."

"No matter how u try not to fall, mahuhulog ka pa din."

"ginagawa niya lahat para sa'yo, so sweet naman."

"Pero di mo malalaman ang sagot kapag di ka magtatanong."

Baka tama nga sila,
Denial lang ako talaga.

Hindi ko lang yata napapansin na,
Mahal na kita.

HAHA, ang daya naman ni kupido,
Na-fall pa yata ako sa maling tao.

Mali nga ba?
O nasa maling panahon lang ako?

MGA TULAWhere stories live. Discover now