TULA #2

1 0 0
                                    

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko ito sinusulat.

Hindi mo naman kasi dapat na malaman pa ito,
Pero sige,
Total hindi na kaya ng puso ko.

Mabigat sa damdamin,
Itong itinatago kong lihim.

Sabi ko dati'y hindi na ako magmamahal,
Na hindi na ako susugal.

Pero heto ako,
Kasalukuyang umaamin sa'yo.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Basta namulat nalang ako bigla.

Namulat ako sa katotohanang,
Higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sa'yo,

Alam kong masyado pang maaga,
Para ipagtapat ko itong aking nadarama,
Pero kasi hindi ko na kaya,
Sa t'wing ka chat kita,
Ang hirap magpigil,
Sinasabi sa sariling,

'Uy 'wag kang kiligin, kaibigan mo 'yan tanga.'

Pero wala e,
Yung puso ko hindi ko na napigilan,
Pakisisi naman sina Haru, Tine, Ria at Hera,
Ipinipilit kasi nila na may something sa ating dalawa,
Kahit na sinasabi kong magkaibigan lang talaga,
Sinabihan pa nga akong manhid, child abuse at may philophobia,
Tapos dinagdagan mo pa,
Dinagdagan mo pa ng mga matatamis mong salita,
Tuloy, yung puso ko kumawala.

Teka,
Naiiyak na ako haha,
Ang lakas ng loob kong umamin haha,
Ang lakas ng loob kong umamin kahit na sa huli alam kong magbabago ang pakikitungo mo.

Hindi na ba tumutugma ang mga ginagamit kong salita?
Pasensya na,
Puso't isip ko kasi'y hindi nagkakaisa,

Sabi ba naman kasi ng puso ko-

"Mahal mo 'di ba? Ede umamin ka"

Samantalang yung isip ko'y nagsasabing-

"Tanga, huwag na muna baka masaktan ka"

Pasensya na,
Alam ko namang kaibigan lang dapat ang turingan,
Hindi ko naman sinasadya.

Ang daya kasi ni kupido,
Pinana yung puso ko.

Ito namang puso ko,
Napakatarantado,
Akin dapat ito,
Pero napunta pa yata sayo.

MGA TULAWhere stories live. Discover now