CUATRO

13 1 0
                                    

Concern

My nightmare has come. Mama had been calling me kahit pa sabihin ko mamaya na dahil may mga tinatapos pa akong assignments, ayaw niya!

She said that i should eat dinner with them. Okay lang naman kung sila lang pero pati ang extended family ay kasama. It means kasama ang mga aunties and uncles ko with my cousins.

Hanggang ngayon ay hindi parin sila umuuwi. Ayoko kase ng maraming tao. Magulo at maingay nakakadistract lang.

And most of all ay masyadong matanong.

Mas gugustuhin ko pa nga na makulong ng isang araw sa kwarto kaysa makipag chikahan sa kanila.

Aba't hindi lahat ng single ay ready to mingle.

Sa ilang pag pupumilit ni Mama ay nakumbinsi niya rin ako. Pumayag na'ko dahil sa lakas ng boses niyang paulit-ulit sumisigaw. Sabihan pa'ko nila Tita na hindi sumusunod sa utos ng magulang.

Sa hagdan palang ay rinig ko na ang ingay sa hapag kainan. The room looks so big when it's just the three of us, before. But now it's too.... much. The sight of many people is choking me.

Iyong mga pinsan kong bata ay nag tatakbuhan sa patio. Ang mga matatanda ay kumakain na. Umupo ako sa tabi ni Mama. Our dining had a 6 seater set. Adjacent to our kitchen perfect to accomodate two to three persons to cooked.

Akala mo naman may birthday or pakain si mayora. Ang dami niluto ni Mama. We had a pork caldereta, pansit bihon mixed with canton, grilled bangus, sinigang na baboy and unli rice.

Kumuha nalang ako ng paborito ko. Ang sinigang. Perfect dahil nangangasim ako ngayon.

"Sandali, ilalabas ko lang iyong desserts!". Si Mama na excited pang dumiretso sa kitchen.

Maya maya lang ay may bitbit na siyang isang bilao ng kakanin. Talaga ba? Anong mayroon sa bahay at bakit ang daming handa?

Inisip ko kung sino ang may birthday. Si Mama ba, Papa o si Lola..... o kaya ako? Pero hindi naman.

Hindi na'ko nakatiis. Tinanong ko na.

"Ma, sino po ang may birthday?". Natawa silang lahat sa tanong ko.

"Wala. Minsan lang dumami ang tao dito sa bahay kaya naisip ko na mag celebrate". Saad niya habang pinapatikim ang desserts sa mga bisita.

Sabagay minsan lang umingay dito sa bahay pati ang bisita ay paminsan lang. Magkakaroon lang kapag may darating na katrabaho o kaibigan nila Mama at Papa.

Ako, wala. Hindi ko pa naiimbitahan ang tatlo dito sa bahay. Kahit mga birthdays ko dahil ayoko mag handa tuwing sumasapit iyon. We'll just go to the church and then sa labas to celebrate it.

"Ate mahirap po ba maging Architecture Student?". Diello suddenly asked.

"Why? Gusto mo rin yun?". Naningkit iyong mga mata niya.

"Gusto ko po sana kaso base on my research ay mahirap daw po. Napaka hirap dahil wala kang tulog. Halos araw-araw iyon! Hindi ka rin makaka kain sa tamang oras kase uunahin mo ang projects. Tapos maari ka pang madepress or worst maging dahilan ng suicide mo!".

Ang layo naman kaagad ng narating nito. I was about to give him an advice - wow! advice na naman. Pwede na'ko maging adviser!

"Diello huwag---".

Hindi pa pala siya tapos.

"And then pagka graduate ay dadaan ka muna sa butas ng karayom para makatanggap ng project. Masasabihan ka ng kung anu-ano masasakit na salita para matuto ka at mag improve".

Quaint QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon