Chapter III

992 112 1
                                    

Chapter III

Sorry for the typo.

Para sa mga baguhang batang adventurer na nagsisimula pa lamang ang Cultivation Level at wala pang karanasan sa paglalakbay ay talagang mahirap para sa kanila ang pagsusulit na ipinapagawa ng Azure Dragon Institute.

Lalo na't umaasa sa kanila ang mga angkan na naiwan nila.Isang malaking kahihiyan para sa kanila ang hindi maipasa ang pagsusulit na ito.Sa pagsusulit ng Azure Dragon Institute dito masusukat ang lakas,bilis at talino ng isang adventurer.

Hindi lang naman ang Azure Dragom Isntitute ang paaralang mayroon ang Azure Dragon Kingdom sa katanuyan ay marami pang iba,ngunit ang Azure Dragon Institute lamang ang pinaka maimpluwensya at isa paaralan ito ng mismong Royal Clan.Kaya sino ba naman ang hindi gugustuhing makapasok dito.

Isa itong malaking tagumpay para sa talumpong batang adventurer na makakapasa sa pagsusulit.Bukod sa paniguradong malaking upurtunidad ang naghihintay sa kanila sa oras na makapasok sila sa Azure Dragon Institute.

Tiyak na madaragdagan din ang kanilang pangkalahatang lakas at kakayahan.Ito ay sa oras na makalabas sila sa kagubatan ng Drimforest.Makakatagpo din sila ng mga kayamanan at armament kung sila ay suswertehin.

Pero sa mundong ito hindi dapat na i-asa lang sa swerte ang lahat.Kailangan mong magsumikap at magpalakas upang makamit ang iyong mga pinapangarap at paghanga.Bukod doon ay makukuha mo rin ang respeto ng karamihan.

Kung gaano naman kahirap para sa mga batang adventurer ang makalabas sa kagubatan ay walang-wala naman ito sa mga Elder at Master ng Azure Dragon Institute.

Gamit ang kaunting porsyento ng kanilang pangkalahatang lakas ay madali lang para sa kanila ang makalabas-masok sa Drimforest.

Sa tulong ng kanilang bilis ay walang kahirap-hirap nilang nilagpasan ang mga batang adventurer na naka salubong nila.

Hindi sila naramdaman ng mga batang adventurer dahil masyado pang mababa ang cultivation level ng mga ito.Kumpara sa kanila na may pangkalahatang lakas na mula 2nd Level Heaven Rank hanggang 8th Level Heaven Rank.

Ang kanilang Institution Master Lothair naman ay may lakas na 1st Level Moon Rank at nasarurok na ito hindi malabong umangat na ito sa susunod na antas.Pero sa tingin nila ay aabutin pa ito ng limang taon.

Hindi naman nila maikakaila na ang kanilang Institution Master Con ang ang may pinakamataas na Cultivation Level sa buong Azure Dragon Institute.Pero kumpara sa mga maiimpluwensyang adventurer sa buong Azure Dragon Kingdom ay walang-wala ito.

Sa tapat ng Azure Dragon Institute.
Makikita ang isang grupo ng mga matatandang adventurer na nakaharap sa kagubatan ng Drimforest,ngunit hindi masasabi na sila ay matanda na.Dahil sa bukod sa puti na ang kanilang mga buhok at balbas ay ito lang ang palatandaan ng kanilang katandaan.

Ang balat ng mga ito ay makinis at walang senyales ng pagtanda.Ang grupong ito ay nakasuot ng mga magagarang roba na may simbolo ng Azure Dragon Institute.Tanda na sila ay isang Elder o di kaya'y Master ng Institusyon.

Gayunpaman,nahahati ang mga Elder sa tatlong pangkat.

Ang Outer Elder na may pinakamahinang impluwensya sa buong Azure Dragon Institute ay nakasuot ng kulay asul na roba.

Sumunod ay ang mga Inner Elder na may kulay pulang roba.Gintong roba naman para sa mga Core Elder.Ang kanilang Institution Master Lothair naman ay nakasuot ng magarang puting roba.

Para sa mga Masters naman ng Institusyon ay pwede na kahit anong suotin nila.Isa ito sa kanilang prebilihiyo bilang Master ng Institution.

Ang mga Elder at Master ay naghihintay sa unang tatlumpong kalahok na makakalabas sa Drimforest.
Gusto ng mga Elder at Master na sila mismo ang sasalubong sa tatlumpong batang adventurer na makakapasa sa pagsusulit.

Only I Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon