Chapter IV

880 112 2
                                    

Chapter IV

Sorry for the typo.

Sa pagpapatuloy ng pagsusulit.Makikita ang pagod at hirap na dinadanas ng mga batang adventurer na nais makalabas ng Drimforest.

Natural lamang ito,natural lang na makaranas ng hirap bago makamtan ang mga pangarap.Sa mundong ito na lakas ang basehan ng lahat! ay walang nadaraan sa madalian.Lahat ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan.Oo!lahat ng bagay ay pinaghihirapan upang makamtan.

Maging ang mga maiimpluwensyang adventurer sa buong Azure Dragon Kingdom ay pinaghirapan din kung ano man ang tinatamasa nila ngayon.

Pero naabot nila ito hindi lang dahil sa pinagsumikapan nila ito o pinaghirapan.May isang 'bagay' ang tumulong sa kanila.Ang 'bagay' na pinag-aagawan ng lahat.Ang 'bagay' na kung saan nagiging ganid at sakim ang mga tao.Ang kayamanan!

Tama!Sa mundong ito kayamanan ang susi sa lahat.Dahil sa kayamanan,maaaring lumakas at matamo ang paghanga ng lahat.Kung kulang ka sa kayamanan mananatili kang nasababa.Mananatiling kang mahina!

Kaya nga kahit anong hirap pa ang danasin ng mga batang adventurer na sumasabak ngayon sa pagsusulit.Hindi nila iniintindi ito dahil sa oras na magtagumpay sila.

Hindi lang sila ang makikinabang.Maging ang kanilang angkan ay mararanasan din ang tagumpay na nakamit nila.

Ito ang ikatlong araw ng pagsusulit karamihan sa mga batang adventurer ay sandaling nagpapahinga upang makabawi sa spiritual energy na nawala sa kanila.

Bawat angkan ay pwedeng magpadala ng
isa o hanggang tatlong pinaka talentadong batang adventurer ng kanilang angkan.

Kaya ang pinakaswerte ngayon ay yung may mga kasama.Maaari silang magtulungan kung may makaharap man silang Magical Beast.Hindi katulad ng nagiisa lang,dahil masyado itong mapanganib.

Pero sa kabilang banda naman ay swerte din ito dahil kung makatagpo man ng kayamanan sa loob ng kagubatan ay wala na syang kakumpetinsya.

--

Sa liwanag na nagmumula sa araw at kapayapaaan ay bigla itong nagbago.
Nagsiliparan din ang mga Blightwings na nagpapahinga sa mga puno.

Mula sa magkakahiwalay na parte ng gubat maririnig ang isang tunog.Tunog na nag pabulabog sa mga nagpapahingang adventurer.

Tunog na nag patigil sa pagninilay ng mga ibang batang adventurer na humihigop ng spiritual energy sa kapaligiran.Tunog na nakapagpatigil sa mga batang adventurer na tumatakbo upang mauna sa pagsusulit.

Boom!

Hindi nila inintindi kung gaano kalakas ang tunog na ito.Ang tumatakbo lamang sa isipan ng lahat ay isang laban ang naganap.Magkahalong paghanga at pangamba ang nararamdamam nila.

Paghanga,dahil marami na din silang nakalaban na Magical Beast sa nakalipas na tatlong araw ngunit hindi sila nakagawa ng ganitong kalakas na pagsabog.Hindi pa sila mga ganap na adventurer kaya paano nila ito magagawa.

Ito ay kung sakali man na adventurer ang may gawa nito.Pangamba naman para sa isa o higit pang batang adventurer.Ito ay kung sakali naman na isang Magical Beast ang may gawa ng pagsabog.

Natauhan naman ang lahat agad silang bumalik sa mga naudlot na ginagawa.

Hindi ito ang panahon upang humanga at mangamba.Ang mahalaga ngayon ay ang pagsusulit.Kailangan na nilang magmadali dahil sa mga susunod na araw ay tiyak na makakasagupa na sila ng malalakas na Magical Beast.

Kung sakali namang makatagpo sila ng malakas na Magical Beast ay isa lang ang plano nila.Ito ay ang tumakas.

Sa lugar naman ng pinangyarihan ng pagsabog ay makikita ang dalawang pigura.Isang may kulay pilak na buhok at ginintuang mata ang makikitang nakatingin sa bangkay ng isang Magical Beast na nakalaban nya.

Only I Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon