Chapter XIII

673 78 0
                                    

Chapter XIII

Sorry for the typo.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"tanong ng binatang si Ken Azakura sa nakatalikod na binata na nasa kanyang harapan.

"Oo!Dahil kung mananatili lamang ako sa aking silid at magninilay na lamang ay tiyak na hindi tataas ang antas ng aking lakas."sagot ni Dillon Farimin habang nakatingin sa isang tarangkahan na gawa sa isang matibay na metal na maging 4th Level Earth Rank Magical Beast ay hindi ito kayang wasakin.

"Pero lubhang mapanganib!Lalo na't hindi ka pa isang ganap na Adventurer!"
nagaalalang saad ni Ken Azakura.

"Alam ko!Ngunit ito lamang ang magagawa ko.Wala akong mga kayamanan upang matustusan ang aking pangangailangan sa pagpapataas ng Cultivation Level!"

Ang gintong mga mata ni Dillon Farimin ay puno ng determinasyon at pagasang malalampasan nya ang daang tatahakin nya ngayon sa kanyang pagsasanay.

Umaalon din ang kanyang kulay pilak na buhok na animoy sumasayaw sa hangin.

Bumuntong hininga na lamang si Ken Azakura.

"Mukhang hindi na kita mapipigila!Kung iyan talaga ang pasya mo.Sino ako para tumutol."nakangiting sambit ni Ken Azakura.

"Bakit hindi ka na lang sumama?"anyaya ni Dillon Farimin ng hindi parin lumilingon sa kanyang kausap.

"Mn!Hindi na!makakasagabal lamang ako sa iyong gagawing pagsasanay."

"Isa pa gusto ko ring mag sanay ng magisa."tugon ni Ken Azakura.

Kahit na pitong araw palang ang nakakalipas mula ng makapasok at makapasa sina Dillon Farimin at Ken Azakura sa Azure Dragon Institute ay naging malapit ang dalawa sa isat-isa.

Dahil na rin sa iniligtas ni Ken Azakura si Dillon Farimin sa magpamataas na si Leo Vehrit  ay hinangaan nya ang binatang ito.

Gayunpaman!Hindi nya parin ito itinuturing na kaibigan,ngunit hindi rin naman nya ito tinuturing bilang kaaway o kakumpetinsya.

Sa huli ay ito parin ang dahilan kung bakit nakapasok si Dillon Farimin sa Azure Dragon Institute.Kaya naman nagbibigay sya ng respeto dito.Pero hindi ito sapat na dahilan para ituring nya itong kaibigan.

"Mn!Maging ako ay iyan din ang nais."
hinawakan ni Dillon Farimin ang Interspatial bag na isa sa kanyang nakuhang regalo mula sa Azure Dragon Institute.

Kumpara sa Interspatial bag ni regalo sa kanya ng kanilang Family Head ay higit na malawak ang espasyo nito sa loob kaya naman itong ang ginamit nya.

Pero syempre itinago pa rin nya ang Interspatial bag na regalo sa kanya ng Family Head ng Black Water Family isa ito sa kayamanan ng kanilang angkan kaya bakit nya ito ipagsasawalang bahala na lamang.

"May nais din akong subukan."
mahinang saad ni Dillon Farimin.

"Ilang araw ka pala sa loob?"

"Uubusin ko ang lahat ng araw na meron ako bago ang itinakdang oras ni guro."sagot ni Dillon Farimin.

"Sana ay magtagumpay ka Dillon Farimin at sa oras na makabalik ka ay dapat may nagbago na sa antas ng iyong lakas!Maliwanag ba!"biro sa kanya ni Ken Azakura.Nilingon naman sya ni Dillon Farimin.

"Salamat!"seryosong saad nito.

"Kinakailangan ko na ring magpaalam Dillon Farimin.Sisimulan ko narin ang aking pagsasanay."huling tugon ni Ken Azakura.

Binigyan pa nito ng mahinang tapik sa balikat si Dillon Farimin bago tuluyang naglakad palayo sa Magical Beast Training Ground.

Matapos umalis ni Ken Azakura ay agad ibinalik ni Dillon Farimin ang paningin sa mataas na tarangkahan ng Magical Beast Training Ground.

Only I Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon