CHAPTER 2

8 0 0
                                    


Kinalunesan, kakaupo pa lang ni asha sa upuan nang may iabot na notebook si Joana sa kanya.

“Sagutan mo yan.." utos nito sa kanya.

Napataas kilay siya. “Ano to Joana?"

Nakangisi at nakakunot noong tumingin ito sa kanya. “Teenager ka ba talaga? Slum note yan, di mo ba alam yun?" pasigaw na turan nito.

“Nagtanong lang naman ako, nabulyawan pa. Edi wow!"

Binuklat niya ang bawat pahina doon at nahumidik sya sa nabasa. Maryosep!

“What is Love? Top Five Crush? Top five enemy?" Nilingon niya si Joana. “Ang Korny ha."

“Sagutan mo nalang kasi, dami pang sinasabi ee."

Napasimangot sya. Bakit ba ang mga katulad niyang teens ay nahuhumaling sa mga ganoon? Dedication notebook,Slum note etc. etc. Sinimulan na niyang sagutan ang Slum Note kahit labag sa loob niya. Haay.

Papasa pa sa kanya ang pagbabasa ng mga pocketbook, manga, at manood ng anime. This kind of stuff Sucks ! Nang nasa huling pahina na siya ay napangiti sya. Ang nakalagay kasi doon ay top 5 Enemy. Isang tao lang ang sumagi sa isip niya. 

Kaya sa lahat ng numero na nakalagay doon ay tumataginting na Marty Leyva ang isinulat niya doon.  Nang matapos sagutan iyon ay iaabot na sana niya kay Joana ang notebook nang biglang may humablot non sa kanya. Nang tingnan niya kung sino iyon, It was the daredevil himself. Marty!!

"What are you doing Marty?" asik na tanong niya dito.

Tumayo siya at inabot ang notebook. But the daredevil is tall, kaya kahit anong gawin niya ay di niya makuha ang iyon. "Give that to me you Chipmunk!"

Pero itinaas pa nito iyon lalo ang kamay. "Ayoko nga."
Oh god! Gimme more Patience Please! Dahil nafu-frustrate na talaga siya, bigla niyang sinipa ang tuhod nito,pero hindi ito nagpatinag.

"You Amazon."

Kinuha nito ang dalawang braso niya at niyakap siya nito. Nagpumiglas siya pero lalo lamang nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.  Damn!

"Pwede bang manahimik ka muna Zasha?" seryosong turan nito habang nag pupumiglas siya.  "Sige, wag ka tumigil, hahalikan kita."  pagbabanta nito.

Awtomatikong napahinto naman agad siya. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Good Girl.."

Nang lumuwang ang pagkakayakap nito ay sinikmuran niya ito.

Napaupo ito sa sahig. "Masakit lang yun ha.!!"

Hinatak niya ang notebook ni Joana at hinarap ito.

"Ang pakialamero mo kasi. At anong ginagawa mo dito? As i remember Senior ka na "

Pero hindi nito pinansin ang paglilitanya niya. "San ka ba pinaglihi ng mama mo? Sa wrestler o baka naman sa amazona."

"Anong paki mo?" mataray na tanong niya dito.

"Ang pangit mo talaga."

Ninisian niya ito. "Ang sama naman ng ugali mo."

"Gwapo naman " confident na turan nito.

Tinirik niya ang mata.

"Yuck.!"
Hindi lang ito Arogante, hambog pa.
"Maka yuck ka naman. Ikaw lang ang nagsabi niyan."

"ee sa lahat ng tao sa eskwelahan na ito AKO lang ang may malinaw at matinong pag-iisip dito."

Diniinan niya pa ang salitang AKO para intense.

Enemies Turn to Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon