CHAPTER 3

10 0 3
                                    

"Dito ka nakatira?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zasha kay Marty.Nasa harap kasi sila ng bahay nang pinaka mabait na taong nakilala niya sa buong thirteen years of existence niya, si Lolo Aston Arcenas Villaroman. Villaroman? Ibig sabihin. Nanlaki ang mata niya.
Napatingin ito sa kanya. "Ano naman sayo kung dito ako nakatira? May masama ba roon?"
Napangisi sya. Sungit.
Muli niyang binaling ang tingin sa mansyon, ilang beses na syang nakapsok doon dahil noong maliliit pa lamang sila ay doon sila nag lalaro ng mga kababata niya at hinahayaan lang sila ni lolo aston dahil daw wala naman itong kasama sa bahay. Parang tunay na apo na din ang turing sa kanila ng matanda hangang sa pumunta ito ng Amerika at hanggang ngayon ay di na bumalik pa sa mansyon. Nangingiting inalalayan niya si Marty papunta sa pinto at siya ang kumatok. Isang matandang babae ang nagbukas non at nang makita sila ni Marty ay agad itong lumapit sa kanila.
"Santissima! A-anong nangyari saiyo hijo?" Tanong nito na nalalangkapan ang boses nito ng matinding pag aalala.
"Magandang gabi po." Pagkuha niya sa pansin ng matanda. "Ako nga po pala si Zashabelle schoolmate ni Marty." Isang simpleng ngiti ang iginawad nito sa kanya at pinagtulungan nilang inakay sa loob si Marty.
"Ilang beses ko nang ipinaaalala sayo Timothy na bawasan mo ang pakikipag basag-ulo mo. Pero heto ka nanaman at umuwing may galos at may kasama pang girlfriend."
Nanlaki ang mata niya sa huling sinabi ng ginang. Pagkaupo palang ni marty sa sofa ay hinarap niya ang matanda.
"Mali po kayo ng iniisip, hindi po ako girlfriend nang lalaking yan. Hinding hindi po mangyayari yan. Parang sinentensyahan  na po ako ng kamatayan kung magiging boyfriend ko yan."paliwanag niya sa matanda.
"Tama po sya Yaya Maring, hinding-hindi ako papatol sa mukhang amasona. Tsaka hindi po sya ang tipo kong babae Ya."ganting pang aasar nito. Napataas kilay siya.
"Amasona? Ako? Hiyang hiya naman ako sa mukang lampayatot mong katawan no." Ngiti-ngiting nagpaalam ang matanda na kukuha lang daw ng panlinis ng sugat.
"Kailan ka kaya mawawalan ng pang asar sakin?" Tiningnan niya ang labi nito na may namumuong dugo sa gilid. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng palda niya. "Punasan  mo nga yang nguso mo nakakairita tingnan." Hinagis nya ang panyo dito at sinalo nito iyon.
"Thanks." bulong nito. Napangiwi sya dahil halatang labas sa ilong ang pag te-thank you nito. Nilibot niya ang paningin. "Di pa rin umuuwi si Lolo Aston? Siguro binibigyan mo sya ng sobrang sakit ng ulo kaya di parin umuuwi."
Tiningnan sya nito ng masama. Tinging isang malitang salita ay masasakmal sya nito. "Pano mo nakilala si Lolo?"
"Lolo mo si lolo Aston?" Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Di halata. Malayong malayo ang ugali niyo."
"Are you insulting me?"
"Why should i? I'm just telling the truth." Natawa siya nang makita ang pagsilay ng kairitahan sa pagmumukha nito. Akala nito ah.
"Napaka pangit mo talaga!" Gigil na sigaw nito.
Malakas na binatukan niya ito. "You ungrateful brute! Sana talaga di nalang kita tinulungan kanina!" ganting sigaw niya. Nagtagisan sila ng tingin, at doon biglang lumabas ang matanda na dala-dala ang first aid kit.
"Anong nangyayari? Bakit nagsisigawan kayong dalawa?" Nag-aalalang tanong nito na pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sya ang sumagot sa matanda. "Pano ho iyang magaling nyong alaga di po ata alam ang salitang GMRC at pagiging gentleman."
"Paalisin nyo na yan!" napipikong sigaw nito.
"Timothy!" galit na pagsaway dito ni Yaya Maring.
"Hmp. Di moko kailangang ipagtabuyan dahil talagang uuwi na ako." Hinarap niya ang matanda. "Mauna na po ako. Baka po pag nagtagal pa ako dito maging kriminal na po ako."
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng matanda. "Ipapahatid na kita iha."
Umiling siya. "Nako, hindi na po. Malapit na po ang samin dito. Isang kanto nalang po."
"Pero iha.."
"Wag ho kayong mag alala. Kilabot po ito ng mga Del Mundo, black belter at number one sa Judo." Ipinakita nya ang baby muscles niya. "Wala hong magbabalak." Tumakbo sya palapit ng pinto at bago lumabas ay kinawayan niya ang matanda. Nang mapatingin kay Marty ay inismiran niya lang ito. Impakto talaga!

-----------------------------------------
Ilang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente ay hindi na uli nagkadaupang palad ang landas nila ni Marty. Hmm. Mukang natauhan na din!
Napangiti siya Heto na ang hinihintay niya, matatahimik na ang buhay niya. Ilang buwan nalang tuluyan nang mawawala sa landas niya sa Marty dahil ga-graduate na ito. Sarap sa feeling!
"This feels so great! Walang asungot, mapang-asar na impaktitong ..."
"Did you miss me Zashabelle?" singit ng boses na iyon na nagpatigil sa pag momonologue niya. Nanlulumong hinarap niya ang nagsalita."Akala ko ba patay ka na at namamahinga na ang kaluluwa mo?"
"Pardon? What did you say?" tanong nito sa iritadong tono. Napakamot siya sa leeg niya. "Well, akala ko kasi namahinga kana e. Bakit nandito ka pa rin?" she crossed her arms in her chest. "Know what? I love this peaceful ambiance before you." tinuro niya ito. "interrupt me. So will you please go away Marty? Shoo!" Iwinasiwas niya pa ang kamay habang tinataboy ito.
"You Zashabelle Del Mundo is not good for my ego, but .." tinitigan sya nito ng mataman. "I still like you." seryosong turan nito. Biglang dumagundong sa kaba ang puso niya. She open her mouth to say something but close it eventually. Nang hindi sya sumagot ay umiling ito at tumayo ng tuwid. "Cease fire muna tayo zasha."
Mukhang may maitim itong balak. Well, her instinct say it so. "At bakit naman? Sa hilatsa ng mukha mo may kasamaang tumatakbo diyan sa utak mo."
"Ouch!" OA na humawak ito sa dibdib nito."Ang sakit mo magsalita, pero alam mo Zasha" humawak ito sa likod niya. "Ang pangit mo na nga lagi kapang naka angil. Laging naka kunot ang noo mo, nag mumukha ka tuloy pusang di mapaanak." Sa sinabi nito ay biglang umigkas ang kamao niya para suntukin ito pero nakaiwas ito. Binirahan sya nito nang takbo.
"Bwisit ka talaga Marty!" Nang magsabog ang diyos ng kasutilan at kahambugan ay nasalo na ata nitong lahat.
Grr! Nag-Inhale, exhale muna sya para kumalma ang nararamdaman nyang inis ng dahil kay marty. At dumerecho na sya sa classroom nila. Ngunit hindi pa sya nakakalayo nang mapansing pinagtitinginan at nag bubulong-bulungan ang mga istudyanteng nakakasalubong niya.
"Weird!" bulong niya sa sarili.
Nang makarating sa classroom ay agadsyang nilapita  ni Joana at Rhea.
Tinapik ni Joana ang braso niya. "Oy bes! Akala ko ba sagad hanggang buto ang galit mo kay Marty?" nakapamaywang na tanong nito sa kanya.
"Hindi lang sagad. Sobrang sagad na sagad. At feeling ko hindi lang basta galit ang nararamdaman ko, poot na ata ito bes." Hindi nya talaga ito magugustuhan. Oo gwapo ito, sa edad na disi-sais ay mukha na itong matured dahil sa tangkad nito at maganfang pangangatawan. Matangis ang ilong, maganda ang hubog ng mata nito na binagayan ng malalantik na pilik mata at labi nito ay natural na mapula ay bumagay dito pero dahil sutil at hambog ito madalas talaga nauubos ang pisi ng pasensya niya kaya suklam na suklam sya dito.
May kinuha si Rhea sa likod niya. "So, ano to?" Iwinasiwas pa ang papel na galing sa likod niya. Marahas niyang hinablot iyon at nag usok ang ilong niya sa nabasa. "I LOVE YOU MARK TIMOTHY VILLAROMAN. KAHIT LAGI MO AKONG INAASAR, LOVE PA RIN KITA." basa niya sa papel.
"Ahhh!" napasigaw sya sa sobrang inis at galit. Kailangan na talagang matigil ang kalokohan ng hudas na iyon. Mabilis syang lumabas ng classroom at nagmamadaling pumunra sa fourth year building. Nang makarating sa labas ng room nina Marty ay agad siyang pumasok doon, buti nalang ay wala pa itong teacher. Namataan niya ang hudyo sa bandang dulo ng kwarto at may kaharutang babae. Napaka flirt talaga!
Bigla ang pagbaling ng kaibigan nitong si Roldan sa kanya. "Oh-oh! Marty pre nandito na pala ang suitor mong patay na paray sayo e." pagkuha nito ng atensyon kina Marty. Nagtama ang mata nila ni Roldan at dali dali syang lumapit dito at pinatikin ito ng lefthook sumalampak ito sa sahig.
"Aba't!" sigaw ni Roldan na sapo ang pisngi.
Pumagitna si Nicholas sa kanila. "Pre, babae yan." awat nito sa kaibigan.
"Di babae yan pre! Walang babaeng nananapak."galit na turan ni Roldan. Tinaasan niya lang ito ng kilay at hinarap si Marty, hinagis niya sa mukha nito ang punit punit na bond paper na sinulatan nito. Sigurado syang ito ang naglagay non sa likod niya.
" Wala ka na ba talaang matinong gagawin Marty?" bwisit na duro niya sa dibdib nito  at alam niyang pulang pula na ang mukha niya sa galit. Tumayo ito ng maayos at hinarap sya. "Type mo pala ako bat di mo sinabi?" Mayabang na turan nito at tawang-tawa pa.
Napangisi nalang siya. "ikaw? Type ko? Your dreaming Marty. Humanap ka nang puting uwak bago mangyari yun. And i think kahit makakiea ka ng puting uwak, tagak at lahat ng may "ak" hinding hindi mangyayari yun!" derecho at walang prenong litanya niya dto. Simple lang naman ang gusto niya mula nang magtapos sya ng elementary yon ay ang magkaroon sya ng tahimik, payapa, maligaya at walang sablay na highschool life. Pero ang simpleng hiling na iyon ay naging malabo pa sa dugo dahil kay marty ang sugo ng demonyo.
"Know what Zasha, you dont have to deny it. If you really like me, dont be ashame to say it. Malay mo baka may pag asa ka." Kompyansang turan nito.
The nerve of  this guy!
"Ang kapal din talaga ng mukha mo ano? Who gave you the slightest idea that i like you? Mas gusto ko pa si Sakuragi, Naruto, Ichigo at Saskue kaysa sayo. Wala ka sa kalingkingan ng mga iyon, plus the fact that youre a big jerk? I wouldn't dare to like you." she paused, "and please bear this in your head Marty Villaroman,  I-D-O-N-T-L-I-K-E-Y-O-U! Capital and bold letters na yan  para dama mo! And please  dont come near me ever again Marty!" pagtapos magsalita ay tumalikod na sya. Sana naman wag na siyang guluhin nito at wag na sanang magtagpo ang landas nila. Napaka laki ng Animo para magkita pa sila.
Lord please ito nalang ang tuparin mo sa lahat ng wish ko, piping dasal niya.

Enemies Turn to Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon