First day
"Mama yung towel ko ma le-late na ko e!" Sigaw ko kay mama, at dahil likas na ulyanin ako ay pati towel nakakalimutan.
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan talaga, nako nako towel lang di mo pa madala dala jan...."sigaw niya pabalik saakin, may dala pa itong sandok.
Madalas ganito ang set-up namin ni mama pag may pasok sa school. Gigising ako ng maaga at maliligo. Si mama naman ay magluluto ng agahan para sa aming dalawa. Papasok ako sa school at kalaunan ay papasok din siya sa kanyang trabaho.
"Alam mo na mama makakalimutin 'tong anak niyong maganda na manang mana sayo." Biro ko at bahagyang natatawa.
Madami ang nagsasabing maganda raw ako at number one na roon si mama. Pero minsan lang din ako maniwala dahil syempre ay anak niya ako kaya palagi niya iyong sinasabi. Palagi pa niyang kwinekwento na manang mana raw ako sa tatay ko na super gwapo, kaya nga raw inlove na inlove siya noon dito.
"O siya sige bilobola mo pa ako jan pasalamat ka mahal na mahal kita" sagot naman ni mama.
Mula noong nagkamuwang ako ay hindi pinaramdam sa akin ni mama na may kulang sa pagkatao ko, hindi ko kailanman naramdaman na wala akong ama. Dahil nga sa sobrang umaapaw na pagmamahal niya para sakin feeling ko nga ay buong buo ako.
"Bye mama pasok na ko i love you mama" hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap nang mahigpit.
"Ingat ka Adilynn, mahal na mahal ka rin ni mama" maluha luha niyang tugon.
Noon pa man ay likas na emosyonal na si mama pagdating saakin. Kahit kaunting bagay lang tungkol na sa akin ay napapaluha na siya. Nalala ko pa noong kinder ako, sinabi kasi nung teacher namin na magsulat daw kami ng letter tungkol sa taong mahal na mahal namin, at syempre ay si mama ko yun kaya naman ginawan ko siya ng letter.
"Mama para sayo oh! sabi kasi ni teacher gawa raw po kami ng letter para sa taong mahal na mahal namin kaya ibibigay ko po sayo to mama kasi po mahal na mahal kita." nagpacute pa ako sa harapan ni mama sabay lahad ng letter ko para sa kanya.
Sa murang edad, hindi ko maintindihan noon kung bakit bigla nalang siyang umiyak. Sunod-sunod na luha ang pumatak sa kanyang mga mata, dahan-dahan pa itong umupo para magpantay ang aming mga tingin. Kalaunan ay marahas niya akong kinabig para sa isang napakahigpit na yakap.
"Thank you anak, mahal na mahal ka rin ni mama anak. " hagulgol niyang tugon sa akin. Hindi parin ito humihiwalay sa yakap.
"Bakit ka nag ka-cry mama? Aren't you happy with my letter for you po?" Lito at inosente kong tanong.
Mahina siyang natawa sa konklusyon ko dahil sa kanyang biglaang pag-iyak.
"No anak, I'm just too happy." Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap at hinarap ako. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.
Nangingiti nalang ako habang inaalala ang mga pagdradrama ni mama noon dahil lamang sa mga simple kong ginagawa para sa kanya. Hanggang ngayon naman ay ganun parin si mama, hindi iyon nagbago sobrang mahal na mahal niya talaga ako.
Im so grateful.
"Hay nako mama eto na naman tayo e mag dradrama na naman e!" Nakanguso kong sabi.
